bc

ANNIKA ROBERTS "The Coldhearted Woman"

book_age18+
24
FOLLOW
1K
READ
escape while being pregnant
opposites attract
dominant
brave
confident
bxg
like
intro-logo
Blurb

She looks as cold as ice.

she looks like a runway model every time she walks.

Her cold stares make my heart beats fast.

She's intimidating.

She rarely speaks.

She's very attractive.

A pair of fierce eyes.

Pointed nose.

Thin lips.

An oval shape of face

Have a Perfect body.

She is Anikka Roberts. 21 years old., The Coldhearted Woman.

chap-preview
Free preview
CHAPTER: 1
Hello Readers :) Gusto ko lang magpasalamat sa mga nagtyatyagang basahin ang mga kwentong pinopost ko dito. Halata naman siguro na Newbie lang ako hahaha . Pasensya na sa mga error typings ang hirap kasi at nakakaduling magtype sa cellphone at mag edit. Huwag nyo nalang pansinin kung may mga english carabao na words hahaha . Pa weather+weather lang kasi ang english ko. Lumalabas kung kelan niya gusto Hahaha :) Sana maenjoy nyo to . Salamat ng marami. --+++++----SamaeHeart-----+++++----- "Annika, where are you? We badly need you here!" Natatarantang boses ang bumungad sakin pagkasagot ng Cellphone ko. " i'm on my way. " sabi ko bago pinatay ang tawag. Napalitan na ng green ang ilaw ng stop light kaya pinasibad ko na agad ang motor ko papunta University. Nakarating ako sa parking lot pinarada ito. Ng makatayo ng maayos inalis ko ang helmet na suot ko at hinayaang maladlad ang lagpas bewang kong buhok. isang beses ko pang pinasadahan ng tingin ang motor kung maayos ba ang pagkakastand nito at siniguradong hindi babagsak bago naglakad hawak ang helmet habang nakadikit sa bewang. Napalingon ako sa isang lalaki na sinusundan ako ng tingin habang naglalakad. Mukha siyang istudyante din dito at hindi naman mukhang gagawa ng masama. Hindi ko na iyon pinansin at taas noong nagpatuloy sa paglalakad papunta sa Opisina ko. "Kayo na naman?" Walang emosyon kong sabi na tinignan sila isa isa. Nasa labas palang ng opisina ay naririnig ko na ang palitan ng sisihan nila. Pero ng makapasok ako ay nagsitahimik na din. Mga First year students talaga ang pinaka mahirap supilin. "Miss Annika, sila naman kasi ang nauna! Bigla nalang sila nambato ng bola habang nagjojogging kami." Paliwanag ng isang lalaki na nasa bandang kanan. Ngumisi lang ang itinuro ng lalaki kaya napabaling ako sakanya at tinitigan siya ng malamig. Bumuntong hininga ako at pinagikot ikot ang balllpen sa mga daliri ko. "Kayo, isang linggong community service. i don't want to see even a tiny piece of plastic or else you know what will happen next. " Sabi ko habang nakaturo sa dalawang lalaki na nasa kanan ang ballpen na hawak ko. Bumaling naman ako sa kaliwa ko at makitang nakatingin sakin ang lalaki habang nakangisi parin. "And the both of you. 2weeks suspension ... no buts." walang ganang sumandal ako sa swivel chair ko at inikot ikot iyon pakanan at pakaliwa. " Out of my office now." Wala silang nagawa kundi ang umalis sa opisina ko. As if naman na may iba pa silang choice. In this University i am the superior. They have no choice but to obey me. Wala kahit na sino ang naglalakas loob na kausapin ako o yayaain man lang akong maging kaibigan. Umiiwas na agad sila pagnakatingin ako. Kinikilabutan sila pagnagsasalita ako because of my no emotion and cold voice. Well, i don't f**k*ng care. i don't need one. "Karla, call all the President of every department. They need earful scolding because of their negligence. Araw araw nalang may bisita ang opisina ko. Sumasakit ang ulo ko. " Nakaupo sila ngayon lahat sa sofa habang nakayuko. Madilim ang tingin ko sakanilang lahat. "Lagi nalang bang ganito? Anong silbii nyo kung araw araw may pumupunta sakin? Ang akala nyo ba hindi ko alam ang mga pinagggagawa nyo? Hindi kayo binibigyan ng allowance ng school na to para lang ipasa sakin ang kayo ang sana'y kayo ang gumagawa. " Mahinahon ngunit malamig na sabi ko sa kanila. "We're sorry Miss Annika. We promise that from this day ay aayusin na namin ang protocols at sisiguraduhing masusunod ito. " Pagkasabi niya ay tumayo na ako at ikinumpas ang daliri ko palabas. Naintindihan naman nila yun kaya umalis din agad sila. "ikaw na ang bahala dito Karla papasok na ko sa klase. " paalam ko sakanya. Payapa naman talaga simula kaninang matapos ang meeting. Kasalukuyan akong kumakain mag-isa bandang gitna ng Cafetria. Napakunot noo ako ng may tumapat sa upuan na nasa harapan ko. tinusok ko siya ng matalim na tingin ko at hinihintay na siya ay bumulagta. Pero pinamulahan lang siya na parang nahihiya kesa ang matakot. "D-do you m-mind if i-i seat here?" nakayukong tanong niya sakin na nauutal. What the hell is wrong in this guy? Tinignan ko muna siya ng mataman at pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. He's hot and handsome. His perfect facial features and his sexy slim but musculine body like in Korean actors ay bumabakat sa fit niyang white poloshirt. Bumalik ang tingin ko sa mata niya na medyo may pagkasingkit at bahagyang napataas ang kilay ko dahil hindi siya makatingin sa mga mata ko. Binalik ko na ang aking atensyon sa pagkain dahil pakiramdam ko ay maglalaway ako kahit hindi naman siya hubad baro. Tumikhim siya ng wala siyang nakuhang sagot mula sakin. " A-ahmmm S-sge ... M-maghahanap nalang ako sa iba. " Alanganin itong nakangiti at marahang humahaplos sa batok kaya nagflex ang braso niya. Tinitigan ko siya saglit kaya naglikot na naman ang mga mata niya. "Seat. " malamig na sabi ko at ipinagpatuloy ang pagkain. "Salamat. " Simpleng sagot niya na nagpairap sakin. "Ahmm... What's your name? i'm Gavin." Nakangiting pagpapakilala niya. "Dont talk to me." malamig na sagot ko. Napansin ko ang pagkagulat sa mga ibang studyante dahil sa pagkausap niya sakin. Wala naman kasing naglalakas loob yun gawin maliban sakanya. Siguro transfer student siya? Maayos naman ang pagkakasabi niya at ang ngiti niya ay hindi mukhang gusto makipagflirt. Mas mukha pa ngang inosente at di makabasag pinggan kahit matangkad siyang tao. Pag tinitigan mo naman ang light brown na mga mata niya ay hindi mo mababakasan na may alam sa mga kamunduhang pagnanasa. "Graduating student ka rin ba? Anong course mo? " Tanong na naman niya sakin. Nagtaas ako ng tingin sakanya. binitawan ang kutsara't tinidor at humalukipkip ng braso. "Will you please stop talking? Ayoko ng maingay kapag nakain ako. " mataray kong sabi sa kanya. Yumuko siya at nanghingi ng pasensya. Naiilang ako sa panaka naka niyang pagsulyap sakin. Bakit bigla akong naconscious? Nag angat siya ng tingin ng tumayo ako. Tapos na kong kumain pero nanatili akong nakatayo sa harap niya. Nagkatitigan kami at nabahagyang nakaawang ang bibig niya. Napatingin ako sa labi niya. Mapula ang kulay niya at parang ang sarap halikan. Oh my gosh! What am i thinking?! Tumikhim ako kaya napakurap siya. " i'm done." sabi ko sakanya kahit hindi ko alam kung bakit sinabi ko yun. Napangiti siya ng malaki na nagpalabas ng dimples niya at pantay pantay na mapuputing ngipin. "Ngingiti ka lang ba diyan habang buhay?" walang emosyong tanong ko sakanya. Napatayo naman siya agad " Sasabay ako." Sabi niya at sumunod sakin palabas ng Cafeteria. "San tayo pupunta?" Tanong niya sakin habang nakasunod sa likod. Binaling ko lang sakanya ang tingin ko para silipin siya at nagpatuloy na sa paglalakad. "Ganyan ka ba talaga? Hindi ka palasalita? " Tanong na namang niya sakin. Huminto ako at malamig ang tingin na binigay sakanya. " ikaw ganyan ka ba talaga kadaldal?" Seryoso ang mukha ko pero hindi man lang nababakasan ng takot o ilang ang mukha niya. "Gusto kasi kitang kausap. Ayaw mo ba ng madaldal? Pwede naman akong maging tahimik kung gusto mo?" Naninimbang niyang tanong at tingin. Kumunot ang noo . "Bahala ka sa buhay mo." sagot ko at naglakad ulit. Papunta talaga ako ngayon sa Library. Eto ang tambayan ko pampalipas oras. "Do you want to meet my friends?" Mahinang bulong niya. Nasa Library na kami ngayon. Nakaupo kami sa sahig na may Carpet sa bandang dulo. Pinaningkitan ko siya ng mata. Bakit masyado na ata siyang feeling close? "At bakit ko naman gugustuhing makita ang mga kaibigan mo? Sumabit ka na nga sakin isasabit mo pa sila? Abusado ka na yata mister. " sabi ko at inirapan siya. Natawa siya sa reaksyon ko. May nakakatawa ba? Bakit parang walang effect sakanya ang takot na nararamdaman sakin ng ibang tao? ilang oras palang kaming magkasama pero parang attach na attach na siya. "Ang cute mo!" natatawang sabi niya at saglit na pinisil ang tungki ng ilong ko. Nagulat ako at nanlaki ang mga mata. "Hey what did you do?! Don't you ever touch me!" paasik na sigaw ko sakanya. Tumayo ako ng salubong ang mga kilay at tinitigan ko siya ng masama. " Don't follow me! i'm warning you. "pagkasabi ko ay naglakad ako palabas ng Library. Pumunta nalang ako ng Opisina ko at binuksan ang isang pinto doon at humiga sa kama. Hinawakan ko ang dibdib ko at sobrang bilis ng kabog nito . Anong nangyayari? Wala ito. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko hindi dahil sa ka ba kundi dahil sa galit! Oo tama dahil sa galit! Bakit ko ba hinayaang makalapit sakin ang lalaking yun ! ---*

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook