Nagpupuyos ang kalooban ni Rosaline ng makapasok siya sa kwarto nilang mag-ina. Naiinis siya! Nahihiya rin. Pakiramdam niya, sinisilaban ng apoy ang buo niyang katawan dahil sa sobrang kahihiyan. Ang lakas ng loob ni Alejandro na sabihin ang mga katagang 'yon! We made love three times in a row! She might get pregnant. And that I wish to marry her right away! Ang lakas ng loob nitong sabihin iyon sa harapan ng kanilang magulang. Gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa dahil mahimbing nang natutulog si Zaff sa ibabaw ng kama nila. Umupo siya sa gilid noon para lang magitla nang biglang may kumatok sa pintuan. Kasunod noon ay ang pagtawag ni Alejandro sa kanya. "Open the door, baby," sambit nito sa labas ng pinto. Naglakad siya patungo sa pinto saka pabulong na nagsalita,

