Habang nasa biyahe sila pabalik ng bahay, wala silang imikan habang nasa sasakyan. Ngunit kahit wala mang nagsasalita sa kanila, mukhang nagkakaintindihan na sila. Pinanatili ni Rosaline ang kanyang tingin sa kalsada. Hindi siya makatingin ng tuwid kay Alejandro. Nahihiya siya. She was so aggressive earlier that she had already thrown all her inhibitions. Naalala niya bigla kung paano siya humalinghing at umungol kanina. God! Ramdamniya ang pamumula at pag-iinit ng kanyang mukha. "Baby," Napalingon siya sa binata ng magsalita ito. "Are you alright? Kanina ka pang tahimik ah," tanong nito sabay gagap sa kanyang kamay na nasa ibabaw ng kanyang hita. "I'm fine," maikli niyang tugon. Marahil hindi nakuntento si Alejandro sa sagot niya kaya itinigil nito

