Hindi magawang sagutin ni Alejandro ang tanong na iyon ni Rosaline. Alangan namang sanihin niyang ang kuya nito ang may kasalanan kung bakit may pasa siya sa mukha at nananakit ang buo niyang katawan dahil sa pambubugbog nito sa kanya kagabi. Kung hindi lang umawat si Seb tsaka si Alexander, baka tinuluyan na siya nito. Hindi naman niya ito masisisi, eh. Sinaktan niya ang kapatid nito kaya naiintindihan niya ang galit nito sa kanya dahil kung siya man, galit sa sarili niya dahil nagawa niyang saktan ang babaeng nagpakita ng tunay na pagmamahal sa kanya. "What happen to your face?" tanong ulit ni Rosaline. Umiling lang si Alejandro, "Nothing serious." Napakunot ang noo ng dalaga, napapailing dahil mukhang alam na niya kung sino ang may kakagawan ng mga pasa nito. Pasimple n

