Hindi makatingin ng diretso si Rosaline kay Alejandro ng lumabas ito ng banyo. Nagpatay-malisya siya, kunwari may kung ano-anong kinukutingting. "I need to go," pamamaalam nito. "But I'll be back later. "You should be," tugon ni Rosaline. "Ayokong umiyak na naman ang anak ko dahil sa paghahanap sa'yo." Lihim na napangiti ang binata. Naglakad siya sa bandang likuran nito, yumuko siya upang magpantay ang kanilang mukha saka pabulong na nagsalita, "Ikaw, hindi mo ba ako mami-miss?" Matatalim na irap ang isinagot nito sa kanya. Naglakad ito palayo sa kanya. "Umalis ka na kung aalis ka. Kung ano-anong kalokohan ang pumapasok sa kukute mo." Mabuti na lang at hindi siya nagkanda-utal utal habang nagsasalita. Sa totoo lang kasi, hindi siya mapakali sa presence na dul

