Dahil sa sobrang pagod, matagal siyang nakatulog.Hindi na niya namalayan ang mga sunod na nangyari. Nagising na lang siya sa isang silid kung saan hindi siya pamilyar. Kinusot niya ang mga mata sa pag-aakalang nananaginip lang siya. Wala kasing katapusang tubig ang nakikita niya sa harapan niya. Sakto namang pasok ni Alejandro, may dala itong pagkain nila. "Where are we?" Lumapit ito sa kanya at hinawi ang buhok niyang tumatabing sa sa mukha niya pagkatapos ay itinali nito ang kanyang buhok. "Kain na tayo..." "Where are we, Alejandro?" Nainis siya sa hindi nito pagsagot sa kanyang tanong. "Bali." "Indonesia?" hiyaw niya. "Anong ginagawa natin dito, Alejandro? May pasok ako mamayang hapon!" "I had everything cove

