Wala silang imikan habang nasa sasakyan. Mahigpit ang kapit niya sa upuan at sa seatbelt niya. Halos paliparin na ni Alejandro ang sasakyan dahil sa bilis nitong magmaneho. "Alejandro, please, slow down the car." Panay ang pakiusap niya rito ngunit tila wala itong naririnig. Napaigtad siya ng sunod-sunod nitong binusinahan ang kotse sa kanilang harapan. Ramdam niya ang galit nito base na rin sa pagtatagis ng mga bagang nito pati na ang mahigpit na pagkakakapit nito sa manibela. Natatakot na siya na anumang sandali ay sasabog na ito. "Alejandro, makinig ka naman!" She tried to raise her voice so he could hear her but that just angered him more. Mabalasik ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Pinaghahamapas nito ang manibela ng sasakyan. Mabuti na lang at walang

