"Anak,kailangan mong umuwi. Si Zaffiro, inaapoy ng lagnat." Muntik nang mabitawan ni Rosaline ang hawak niyang cellphone ng marinig ang sinabi ng ama sa kabilang linya. Mabilis niyang dinampot ang lahat ng mahahalagang papeles at basta na lang iyong isinilid sa kanyang bag. "Ladies and gentlemen, we'll resume the meeting as soon as possible. Something urgent came up." Hindi na niya inantay ang sasabihin ng mga ito at mabilis siyang nagtatakbo patungo sa kanyang kotse. Nanginginig ang mga daliri niya dahil sa sobrang kaba. Binuksan niya ang cellphone ng makita ang pangalan ng kanyang daddy. Itinext nito ang ospital kung saan dinala ng mga ito ang anak niya. Wala na siyang pakialam kung ilang sasakyan ang nilagpasan niya, ang mahalaga ng mga oras na iyon ay makara

