Tulad nga ng kanyang inaasahan, mangiyak-ngiyak pa si Zaff habang namamaalam siya para umalis. Kahit masakit sa loob ay kailangan niyang gawin iyon, para sa anak at para na din sa kanyang pamilya. "Tatawagan mo ako madalas Mommy, ha?" ungot nito. "Oo naman po, baby. Everytime na may bakanteng oras ako, tatawagan agad kita." She nuzzled her face on his neck. Nakakaramadam kasi siya ng kaginhawahan kapag ginagawa niya iyon. Humihikbi-hikbi pa ito habang nakatanaw sa kanya habang papasok ng kotse ng kanyang daddy. Nagpahatid na lang siya sa driver. Ayaw na din niyang ihatid siya ng mga ito at lalo lamang mahihirapan ang anak kapag nasa airport na siya. She wave her last good bye bago siya tuluyang pumasok sa kotse. Umusal siya ng lihim na panalangin na sana ligtas

