"Sana gumaan na ang pakiramdam mo rito." Ngumiti si Landon bago niya buksan ang pintuan ng sasakyan nagdala sa kanilang dalawa sa lugar na hindi niya ipinaalam sa dalaga. Ang sabi lang niya ay dadalhin niya si Eeya sa isang bakasyon. Pagbukas ng pinto ay bumungad kay Eeya ang maliwanag na kalangitan na hinaharanan ng mga ibong nakikipag sayaw sa hangin. Amoy ang simoy ng sariwang hangin na lalong pinapabango ng mga bulaklak na may matitingkad na kulay. Hindi man sigurado kung nasaang lugar sila pero isa lang ang alam ni Eeya. Alam niyang ginawa ito ni Landon para mapagaan ang loob niya. "Napaka ganda rito, Landon," wika ni Eeya habang inaalalayan niya ang kamay ko sa pagbaba ko sa sasakyan. "Natutuwa ako na nagustuhan mo ang surpresa ko." "Pero hindi ba dapat akong maghanda para sa o

