Hindi man marunong sa paghawak ng espada si Eeya ay mahigpit niya itong hinawakan at itinutok kay Isagani. Hindi natinag ang binata sapagkat tiwala siyang hindi magagawa iyon sa kanya ni Eeya. Ngunit nang tignan niya ito mata sa mata ay nakita niya ang walang kaluluwang si Eeya na galit ang naka ukit sa kanyang mukha. “ISAGANI!” Kalakip ng pagsigaw ni Eeya ang mabilis na paghakbang ng kanyang mga paa patungo sa kanyang kalaban. Umiwas lamang si Isagani na walang balak labanan ang kanyang kasintahan. “Talaga bang nakalimutan mo na ako?!” sigaw niya nang makaiwas kay Eeya. Muling bumaling ng tingin ang dalaga sa kanya upang magpatuloy sa pagwaswas ng hawak niyang espada. “Maraming beses na kitang hinagkan!” Tumingin man si Eeya sa kanya ay nananatiling walang emosyon ang kanyang mga ma

