Subsob sa sahig ang mukha ni Oune na sa maliit niyang katawan ay alam niyang wala na siyang takas pa sa pinunong elemento. Takot man itong mawala ay mas nanaig ang hinagpis sa kanyang puso sapagkat hindi niya maililigtas ang nag iisang kapatid na bihag ng isa pang malakas na elemento sa kanilang mundo. Mahina man siya at may maliit na pangangatawan ay nag isip siya ng paraan upang mailigtas ang kanyang kapatid. Si Isagani lamang ang pumasok sa kanyang isip. Alam niyang ang kapagyarihan nito ang siyang tanging tatapat sa elementong bumihag sa kanyang kapatid. “Patawarin mo ako, Aine. Hindi ko nagagawa ang ipinangako kong pagligtas sa iyo. Hindi na naman magtatagumpay ang kapatid mo. Kung sana lang, kahit sino, kahit mamatay pa ako, mailigtas ka lang ay payapa akong mamaalam sa mundong it

