Awang awa man sa naging pagpapataw ni Amil kay Isagani ay naging malaking kaginhawaan kay Eeya ang pagbabalik sa maliit na katawan ng kanyang kasintahan. Nagkaroon ito ng dahilan upang maglinay linay sa kanyang mga nais gawin sa dalaga na sadyang ikinatuwa ni Eeya sapagkat hindi na nito ibinabalik ang dapat mangyari sa nakatakdang araw. Nasa kalagitnaan ng tulog sa hapon si Isagani nang marinig niya ang pagbukas ng pintuan ng silid ni Eeya. Nang bumaling siya ng tingin dito ay nakaupo na ang dalaga sa kanyang mesa at tila ba may kinakalkal sa kanyang mga dalang gamit. Nakakuha ng mga sulat si Eeya sa dalawang lalaking kamag aral na matagal na niyang nakikita ngunit hindi naman niya talaga kakilala kaya laking gulat nito nang abutan siya ng mga ito ng sulat. Minabuti na ni Eeya na basahi

