Kabanata 31

1506 Words
Tapos na pagligo at pag aayos ang mga kaibigan ni Eeya habang siya ay pagising pa lang mula sa tulog na tila hindi rin siya nakapagpahinga. "Mukha kang binangungot," ani Rea habang pinagmamasdan ang pagising ng kanyang kaibigan. Bagong gising pa lang ngunit hangos hangos si Eeya sa mainit na gabi sa kanyang panaginip. "Ang natatandaan ko lang ay nakasama ko sa siya sa panaginip," aniya sa isip. "Eeya! May sakit ka ba?" Pag aalala ni Amalia na agad na lumapit sa dalaga. "Namumula ang mukha mo!" Ramdam pa rin ni Eeya ang panginginig ng kanyang katawan. Alam niya sa isip na may nangyari sa kanila ni Isagani sa kanyang panaginip ngunit wala itong matandaan. Niyakap niya ang sarili upang magpakalma. "A-Ayos lang ako," bulong nito. "Kailangan ko lang ng ilang sandali para magkalma ako," aniya sa isip. "Siguro naman ngayon ay nakabawi na si Isagani mula sa panghihina niya."   Gising na maging si Isagani na matapos ang kanilang mainit na gabi ay nagpasyang lumayo sandali sa dalaga. Nakahiga ito sa ilalim ng puno, tanaw ang paglagasgas ng mga dahon sa samyo ng malamig na hangin. "Bakit gan'on? Hindi ako gumaling. Nanghihina pa rin ang katawan ko." Hindi nagpigil si Isagani sa bugso ng kanyang damdamin nang sunggaban siya ng halik ni Eeya sa kanyang panaginip. Nag aapoy ang kanilang damdamin sa pagsalo sa mainit na gabi. "Hindi ko maintindihan. Ilang beses naming ginawa pero... Hindi pa ba sapat?" Huminga nang malalim si Isagani, tanging laman ng kanyang isip ang mga tanong na hindi niya magawang masagot. Tanging ang alam niya ay hindi magiging sapat ang isang mainit na gabi kung mayroong pag aalinlangan. "Eeya, nagdadalawang isip ka ba sa pagmamahal mo sa akin?" Tuwang tuwa ang lahat ng mag aaral sa nakatutuwang empleyado ng templo na siyang magdadala sa kanila sa iba pang lugar na maaari nilang mapuntahan. Hindi lamang dahil may angkin itong kagwapuhan ay maging dahil sa nakatutuwang costume nito na tila isa itong lobo. "Eeya, siya 'yong--" Agad na tinakpan ni Eeya ang bibig ni Rea. "Huwag kang maingay. Huwag mo na lang pansinin."   "Ang gwapo naman niya!" nagniningning ang mga mata ni Amalia na manghang mangha sa lalaki sa kanilang harapan. Hindi ito nag atubiling lumapit ang dalaga sa gwapong lalaki. "Zorro nga ba ang pangalan mo?" tanong nito nang marinig ang mga babaeng kamag aral na katulad niya ay aliw na aliw kay Zorro. Nakangiting humarap sa kanya ang binata. "Tama. Ako nga si Zorro. Kung hindi ninyo alam ang pangalan ko ay lobo sa espanyol," wika nito. Lalong manangha ang mga nakapalibot na kababaihan sa kanya. "Nakatutuwa dahil ang totoo n'yan ay isa akong tunay na--" Mabilis na tinakpan ni Eeya ang bibig ni Zorro na alam kung saan papunta ang kanyang sasabihin. "Magaling sa trabaho! Katulad ni Zorro sa pelikula!" sabat ni Eeya nang mapagtakpan ang elemento. "Ah kaya naman pala." "Akma naman ang pangalan mo lalo pa't napaka gwapo mo!" Tumango tango na lamang si Eeya na nakahinga nang maluwag dahil napagtakpan niya ang elemento. Bahagya niyang itinulak palayo si Zorro sa mga kamag aral nang makausap nang mag isa. "Nababaliw ka na ba?  Hindi mo ba naiisip kung ano ang pwedeng mangyari kung nalaman nila ang katotohanan tungkol sa pagkatao mo?" Sinapo na lamang ni Eeya ang kanyang ulo na unti unti nang sumasakit dahil nakikita niyang magiging problema ang paglakapit sa kanya ni Zorro. Nakadagdag pa na hindi pa niya nakikita si Isagani simula pagkagising niya. "Pasensya na. Hindi ko intensyon na maging problema mo sa pagtulong ko sa mga kaibigan mo." Batid ni Eeya na mabait man ang turing sa kanya ni Zorro ay kailangan niya pa ring maging alerto. Hindi niya ito kilala at hindi niya alam ang tunay nitong intensyon sa paglapit sa kanya. Nagpasya si Eeya na manatiling malapit sa elemento nang mamanmanan niya ito.   Sa kanilang paglilibot at hindi magawa ni Eeya na matuwa sa ganda ng paligid. Maaliwas ang palibot ng templo na tunay na nakakagaan ng pakiramdam ngunit sa likod ng kanyang isip ay naroroon si Isagani. "Nasaan ka ba, Isagani? Anong nangyari?" aniya sa isip habang pinagmamasdan ang marahang agos ng ilog na nagmula sa isang talon na nahihimlay sa gitna ng kagubatan. "Hindi naman ito marahil sa nangyari kagabi 'di ba? Nakuha mo ang kailangan mo pero bakit wala ka?" Kinain ng lungkot ang kanyang damdamin na hindi man niya naisin ay naging dahilan upang tumulo ang kanyang luha. "Hindi na ba ako sapat kaya naghanap ka na ng iba? Hindi kaya naramdaman mo ang pag aalinlangan ko?" Napayuko na lamang si Eeya sa patuloy na pag agos ng kanyang mga luha. Lingid sa kanyang kaalaman ay nasa likod na niya si Zorro na nararamdaman ang hinagpis ng dalaga. "Iniisip mo ba siya? Si Isagani?" Inangat ni Eeya ang kanyang tingin sa binata na mariin ang tingin sa kanya. "Talaga bang mahal mo ang isang elementong tulad niya?" "Kasintahan ko si Isagani. Pero hindi kami pareho ng tingin sa relasyon namin." Hindi alam ni Eeya kung bakit niya sinasabi ang personal na bagay sa isang bagong kakilala ngunit iyon lang ang paraan na kanyang naiisip nang mawala ang bigat sa kanyang dibdib. "Napakaraming nangyari. Noong una ay wala nang problema, pero kasalanan ko rin kasi. Kaya ngayon ay napunta kami sa ganitong sitwasyon na para na lang akong pagkain sa kanya na kailangan niya tapos iiwan na lang." Nagkuyom ng mga palad si Zorro nang makita ang sakit na nararamdaman ng dalaga. "Kung ganon ay ginagamit ka lang pala niya!" Pinilit itago ni Eeya ang sakit na nararamdaman sa matipid na ngiti. "Nga pala, sa palagay ko ay nagkamali ka ng pagkakilala sa akin. Hindi ako ang hinahanap mo. Isa lamang akong mahinang klaseng tagapangalaga ng templo." “Hindi! Hindi ako nagkakamali! Ikaw na mismo ang nagsabi, isa kang tagapangalaga ng templo!” bulalas ni Zorro. Pinakalma ni Zorro ang kanyang sarili bago muling nagsalita. “Pero dahil may iniibig ka na, wala na akong magagawa kundi ang sumuko… pero sana pagbigyan mo ako sa isang hiling ko.”   Dinala ni Zorro si Eeya sa isang tagong templo na hindi pinapayagang bisitahin ng mga turista sa mga oras na iyon. Nakilala ni Eeya ang babaylan na nangangalaga roon at biglaan man ay humiling si Eeya na sumayaw sa templo upang magpasalamat. Nagdalawang isip man ang babaylan ngunit nang sinabi ni Eeya na isa siyang tagapangalaga ng templo sa kanilang bayan ay pumayag ito. Dinalhan niya ang dalaga ng espesyal na damit at mga kagamitan na kailangan sa kanyang alay na sayaw. Malayo man si Zorro sa templo ay pinagmamasdan niya ang pag uusap ng dalawa at tahimik na hinintay ang pagsayaw ni Eeya. Muling naramdaman ni Zorro ang panghihina ng kanyang katawan na kanyang agad na niyakap. “S-Sandali na lang… Hindi pa ako pwedeng mawala. Kailangan ko pang mapatunayan na siya nga ang matagal ko ng hinahanap.” Nanghihina man ay nabuhayan ng loob si Zorro nang marinig ang pagtunog ng kuliling na nagpataas sa kanyang mga tainga. Sinundan niya ang tunog at sa malawak na espasyo ng templo ay nakita niya ang paglabas ni Eeya suot ang magarang damit na pamilyar sa kanya. Lumakas ang t***k ng kanyang puso nang makita ang marahang pagsayaw ni Eeya. Halos hindi na kumurap si Zorro mapagmasdan lamang ang bawat kumpas ng mga kamay ni Eeya. Sunod ang kanyang tingin sa bawat hakbang ng kanyang mga paa. Ang malalam na mga mata ng dalaga sa bawat pagpapatunog nito sa kuliling na nasa kanyang kamay ay tila ba nangungusap sa puso ni Zorro na nagpapatotoo na siya nga ang kanyang hinahanap. “Ikaw nga!”   Tuwang tuwa ang babaylan na tagapangalaga nang matapos ang sayaw ni Eeya. Ilang taon na rin nang may huling tagapangala ang nagsayaw sa templo na sadyang ikinatuwa niya. “Napakaganda ng sayaw mo, Hija! Isa ka ngang tunay na anak ng babaylan!” Ngumiti man si Eeya ay tuon naman ang atensyon niya kay Zorro na siyangd dahilan ng pagsayaw niya sa templo. Ngunit wala ito sa paligid na kanyang ikinainis. Sa muling pagpasok ni Eeya sa loob ng templo ay yumuko ito sa babaylan. “Pasensya na po sa biglaan kong hling na pagsayaw sa templo ninyo.” “Isang karangalan ang mahandugan ng sayaw ng isang tulad mo, Hija. Bakit ka nga pala naparito?” Umupo nang maayos si Eeya. “Bakasyon po na gawa ng paaralan namin. Kahapon pa po dapat ako bibisita sa mga templo pero naligaw ako at may nangyari.” “Dahil ba sa elemento?” Nakahalukipkip na tanong nga babaylan. “P-Paano po ninyo nalaman?” nagtatakang tanong ni Eeya. “Ilang taon din na palaging ginagambala ang templo ng elemento. Binabasbasan ko man at pinaparusahan pero bumabalik pa rin siya. Ang sabi ng anak kong si Aya  ay nagbagong anyo ito at naging isang lobo.” Kapansin pansin ang paglungkot ng mukha ng babaylan sa kanyang pagkwento. “Anak? May anak po kayo? Nasaan po siya?” “Namatay siya dalawang taon na ang nakalilipas.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD