“Noon pa man mahina na talaga ang katawan ng anak ko. Alam naming pareho na darating ang araw na kinatatakutan namin. Ilang doktor na rin ang napuntahan namin at lahat sila wala ng magagawa pa sa kondinsyon niya. Ipinagmamalaki ko ang anak ko. Sadayang napakabait niya kahit kanino.” Bahagyang ngumiti ang matanda at tinigna si Eeya. “Magkahawig kayo. Nang makita kitang sumayaw, nakita ko ang anak ko sa `yo. Pakiramdam ko ay nagbalik siya.”
Doon ay napatunayan ni Eeya ang kanyang hinala na napagkamalan lamang siya ni Zorro. At ang anak ng babaylan sa templong iyon ang hinahanap niya. “Paano ko ito ipapaliwanag sa kanya?” bulong ni Eeya sa sarili.
Pababa na ng templo si Eeya nang makita niya si Isagani na kumaway pa sa kanya. “Isagani!”
“Anong ginagawa mo rito?” bungad na tanong nito.
Patakbong lumapit si Eeya. “I-Iyan din dapat ang itatanong ko sa `yo! Saan ka ba nagpunta? Bakit ngayon ka lang nagpakita?”
Yakap ang naging sagot ng binata sa kanyang kasintahan. “Eeya, patawarin mo ako at bigla akong nawala. Alam kong nalulungkot ka.” Naramdaman na lamang ni Eeya ang maiinit na palad ng binata na siyang humawak sa kanyang mga pisngi. “Hinding hindi na kita iiwan pa. Hindi na ako magiging problema pa sa `yo. Mananatili ako sa tabi mo habang nabubuhay ako.”
Hindi magpasidlan ang tuwa sa damdamin ni Eeya sa mga salitang binitawan ni Isagani na nagpalambot sa kanyang mga tuhod. Ang pagdiin ng mga palad ni Isagani sa kanyang mukha ay ramdam niya ang pagmamahal nito.
“Eeya! Hindi ako `yan! Magpaglinlang na lobo!” Mula sa hindi kalayuan ay narinig ni Eeya ang maliit na boses ni Isagani. Doon lamang niya naalala na muling nagbalik si Isagani sa pagiging maliit ng katawan nito.
“I-Isagani!” Itinulak ni Eeya si Zorro na unti unti na ring nagbabalik sa kanyang tunay na anyo.
“Istorbo,” bulalas nito nang balingan niya ito ng tingin.
Sa naknyang nakikita ay lalong nanghina si Isagani na napaluhod pa sa lupa. Walang anu ano ay lumapit ang lobo sa kanya at dinakma ito gamit ang kanyang dalawang kamay.
“Z-Zorro! Anong ginagawa mo?!” PIlitin man ni Eeya na alisin ang pagkakahawak ni Zorro kay Isagani ay hindi niya magawa sapagkat walang balak si Zorro na pakawalan ang balakid sa kanilang dalawa ng dalaga.
“Zorro! Sumagot ka!”
Pinagmasdan ni Zorro si Isagni na hirap na sa paghinga sa kanyang mahigpit na pagkakahawak dito. “Hindi ko magawang mapangiti si Eeya dahil sa `yo!
Lalong hinigpitan ni Zorro ang kanyang mga kamay na pumatid sa natitirang hininga ni Isagani. “Bitawan mo siya! Anong bang ginawa ni Isagani sa `yo para gawin mo `yan?!”
“Dahil hindi ka tunay na mahal ng lalaking ito! Ikaw na ang nagsabi na pakiramdam mo ay magkaiba kayo ng pananaw sa relasyon ninyo! Mahal mo siya pero ginagawa ka lamang niyang pagkain para makakuha ng kapangyarihan sa `yo!”
Napauring si Eeya sapagkat totoong iyon ang nararamdaman niya. “T-Totoong iyan ang nararamdaman ko pero…”
“Kung mamamatay ang elementong ito, hinding hindi ka na iiyak pa, Eeya!”
Ngunit ang isipin pa lamang na wala si ISagani sa kanyang tabi ay hindi nakakaya ni Eeya. Mahal na mahal niya si Isagani at hindi nito makakaya na mawala ang binata sa kanyang piling. “H-Hindi ganyan ang nais ko.”
“Kung mmawawala ang elementong ito, hindi ka na masasaktan pa!”
Naramdaman na lamang ni Eeya ang mga luhang mabilis na umagos mula sa kanyang mga mata. “Z-Zorro, huwag… Hindi iyan ang nais ko. Walang kinalaman dito ang tungkol doon! Mahal ko si Isagani! Siya lang ang gusto kong makasama habang buhay!”
Natigilan si Zorro sa pagpapahirap niya kay Isagani nang tignan niya ang dalaga. “Taksil,” bulong nito.
“E-Eeya, m-mhal mo na ako?”
HIndi man mawari ni Isagani kung bakit sa kanyang narinig ay tila ba mabilis na umagos ang kanyang kapangyarihan sa buo niyang katawan. “E-Eeya…”
“Isagani! Mahal kita!”
Sa pagsigaw ni Eeya ay nagliwanag ang katawan ni Isagani dahilan upang mabitawan siya ni Zorro. Nasira man ang maliit na damit ni Isagani ay nagawa ito ng panibago sa kanyang muling paglaki. “Ramdam ko ang lakas ko ngayon.”
Taliwas sa paniniwala ni Isagani na tanging sa p********k lamang sa panaginip ng kanyang kasintahan siya makakakuha ng kapangyarihan ang kanyang nararananasan. Labis labis pa ang kapangyarihang kanyang natanggap na nagmula lamang sa mga salita ng dalaga na tumagos sa kanyang puso.
Pinagmasdan niya ang dalaga na nakatitig sa kanya. “Ito ang mas kailangan ko. Ang pagmamahal mo ang magpapalakas sa akin,” aniya sa isip.
Ngumiti ito bago tuluyang harapin ang lobo. “At para naman sa `yo.” Walang anu ano ay sinakmal niya ang leeg ni Zorro upang maghiganti. “Nililinlang mo hanggang ngayon si Eeya! Ako naman ngayon ang sasakal sa `yo hanggang sa kamatayan!”
“Isagani! Itigil mo `yan!”
Tanging nais ni Eeya ang magkalinawan silang tatlo sa hindi pagkakaintindihan ngunit sa kanyang nakikita ay malabong makapagpaliwanag siya.
“Ang pinakamamahal mong tagapangala ng templo ay namatay na ilang taon na ang lumipas.” Pagbubunyag ni Isagni.
Nanlaki ang mga mata ni Zorro na hindi makapaniwala sa kanyang narinig. “I-Imposible… Ano bang kasinungalingan `yang pinag sasasabi mo?!”
Ngumisi si Isagani. “Hindi ba’t makakabuti kung matatapos na ang buhay mo ngayon dahil sa kabilang buhay pwede mo na siyang makasama.”
Umiling ang lobo. “H-Hindi. Nagsisinungaling ka lang!”
“Hindi ako katulad mo, Lobo. Masyado kang nalunod sa pagmamahal mo para sa tagapangala ng templo na hindi mo na napansin na iba ang amoy ni Eeya. Bilang isang elemento ay napansin mo dapat iyon. Sa mundong ito, pakiramdaman mong muli, wala na ang prisensya ng taong mahal mo!”
Ibulong man ng kanyang damdamin ay ayaw tanggapin ni Zorro na totoong wala na ang babaeng pinakamamahal niya. Totoong nabulag siya sa kagustuhan na muling makita at makasama ang mahal niya na hindi na niya pinansin na kaiba ang amoy ni Eeya sa kanya. Wangis man at parehong nagpakita ng kabaitan sa kanya ang dalawang tagapangala ng templo ay batid niya ngayon na tunay na magkaibang tao ang dalawa.
Hinawakan ni Zorro ang kamay na nakasakmal sa kanyang leeg at mapwersang inilayo ito sa kanya. “Bitawan mo ako!”
Upang ikubli ang pighati ay mabilis na tumalikod si Zorro at lumayo sa dalawa. Maraming mga tanong ang lumipad sa kanyang isip. Ilang beses na siyang humiling sa diyos na muli niyang makita ang dalaga. Nang makita niya si Eeya ay inakala niyang natupad na ang kanyang hiling. Gayunpaman ay hindi maikukubli na sa sandaling panahon na nakilala niya si Eeya ay itinuring niya itong kaibigan. Ang kagustuhan niyang makita at makasama ang babaeng mahal niya ay ibinuhos niya sa dalaga.
“Hindi na mahalaga kung iniwan mo akong mag isa. Tatanggapin ko kahit pa magalit ka sa akin. Ang nais ko lamang ay maging masaya ka.”
Ngunit hindi kaila na ang pagmamahal ni Eeya ay hindi para sa kanya. Batid ni Zorro na may pagkakapareho sila ng dalaga. Buo ang loob nila sa mga mahal nila. Sila ang nagsisilbing liwanag sa kanilang buhay. Ngunit ang pagkawala ng kanyang mahal ay tuluyang nagpadilim sa kanyang mundo.
Sa pagtakbo ni Zorro sa pusod ng kagubatan ay doon niya nakita ang puntod ng kanyang mahal. Nakaukit dito ang kanyang pangalan. “Aya,” bulong nito. Nanginginig ang mga paa ni Zorro nang marahan niyang lapitan ang lapida nito upang hawakan ang nakaukit na simbolo ng lobo.
Napaluhod at yumuko na lamang si Zorro sa lapida ni Aya upang doon ihubos ang sakit na kanyang nararamdaman. Ang mga luha ng pighati at pagluluksa na bumasa sa simbolong nakaukit na nagpapatunay na magpahanggang sa huli ay hindi siya nakalimutan ng babaeng pinakamamahal niya.
Sa pagpatak ng ulan na naramdaman ni Zorro ang huling patak ng kayang lakas. Bumalik ang katawan nito sa pagiging lobo at tuluyang nahiga sa basang lupa. “H-Hindi ka na mag iisa, Aya. Narito na ako. Hindi na ako lalayo. Muli na tayong magsasama at kailanman ay hinding hindi na maghihiwalay pa.”