Kabanata 20

1659 Words
Hindi rin nagpahuli si Nume at Chacha sa pagsangga sa kanilang ginoo. Kitang kita nina Eeya at Isagani ang pagmamahal na mayroon ang mga elemento na kanyang inaalagaan. Ang hindi lamang nila maintindihan kung bakit nais pa rin ng babaylan na sirain ang mundo ng mga elemento. “Ginoo, gamitin mo ang lakas ko para manumbalik ang kapangyarihan mo,” ani Lyxa nang walang pag aalinlagan. “Ako rin, Ginoo,” ani Nume. “Ako! Ako!” sigaw naman ni Chacha. May panghihina mang nararamdaman si Joaquin ay nakalayo ito hinarap ang kanyang mga elemento. “Hindi na kailangan pa. Tapos na ang laban at natalo na ako.” Batid ni Joaquin na natalo na siya sa dalawang laban na kanilang sinimulan. Natalo na siya sa laban para sa puso ni Eeya. At sa pagbukas ng lagusan sa likuran ni Isagani ay siyang tatak ng pagkapanalo nito sa pagprotekta sa kanyang mundo. Mula sa nagbukas na lagusan ay lumabas ang iba’t ibang klaseng elemento upang lumaban sa likod ng kanilang pinuno. Magkakaiba ang hugis at itsura ng mga elementong humarap sa kanila. “Pinunong Isagani! Nakita namin ang lahat! Handa kang isakripisyo ang buhay mo para sa  mundo nating mga elemento,” bulalas ng babaeng elemento na pinaghalong palaka at tao ang itsura. “Nakita rin namin ang katapangang ipinakita ng iyong kapareha! Isa siyang tagapangalaga ng templo pero handa siyang makipaglaban para protektahan tayong mga elemento. Wala akong takot na nararamdaman sa kanya,” sigaw naman ng isa pang elemento na walang mukha. Lumapit ang iba pa sa kinatatayunan nina Isagani at Eeya at sinumulan ang pagyuko sa kanilang dalawa. “Simula ngayon ay iaalay namin ang aming mga buhay para sa inyong dalawa.” Tumayo si Isagani at nilapitan si Eeya upang parehong humarap sa mga elementong nakayuko sa kanila. “Aasahan namin ang katapatan ninyo,” seryosong wika ni Isagani. “Sa ngayon ay bumalik na muna kayo sa lagusan. Hindi makakabuti ang paglabas ninyo sa mundo ng mga mortal.” “Masusunod, Pinuno.” Tumayo at isa isang umalis ang mga elemento pabalik sa lagusan upang sundin ang utos ng kanilang pinuno. Walang takot ang kanilang mga puso sa kabila ng prisensya ng malakas na babaylan sapagkat alam nilang hindi na lamang si Isagani ang magtatanggol sa kanila dahil naroroon na rin ang kanyang kapareha na si Eeya. Sa pag alis ng mga elemento ay hindi nakaligtaan ni Isagani ang kanyang katunggali. Humarap siya rito at naglakad palapit sa kanya, hindi alintana ang mga kasamahan nito na sa isang tingin lamang ay umiwas sa kanya. “Joaquin, huwag kang pakampante na para bang wala kang kaguluhang sinimulan dito. Tinanggap mo man ang pagkatalo mo ay alam mo pa rin ang sikreto naming mga elemento.” Umasta si Lyxa na lalapit kay Isagani ngunit sa isang taas lang ng kanyang daliri ay napako ang babaeng elemento sa kanyang kinatatayuan. “Subukan mong saktan ang ginoo. Ikakamatay ko man ay sisirain ko ang kapangyarihan ng harang mo.” Bahagyang ngumiti si Joaquin na ikinanis lamang lalo ni Isagani. “Totoo ang nararamdaman ko para kay Eeya ngunit pumili na siya at tatanggapin ko ang desisyon niya. Ngunit hindi mo ba nakikita? Ang nangyari ay nagresulta ng kagandahan para sa `yo. Nakapag desisyon si Eeya at maswerte kang ikaw ang napili niya. Nakita ng mga kapwa mo elemento ang dedikasyon mo bilang kanilang pinuno. Hindi mangyayari ang lahat kung hindi ko nalaman ang sikreto ninyo.” “Ayan ka na naman sa mga mababango mong salita! Wala ng patutunguhan pa kung bibilugin mo lang ang ulo ko!” giit ni Isagani, “Alam kong pagdududahan mo ako. Pero nais kong alalahanin mo ang ginawa kong kadena na kumulong sa iyo. Hindi ganoon kalakas iyon kumpara noong una. Kasama ang lahat sa plano ko.” Muling ngumiti ang binata. Bahagyang umurong si Isagani na unti unti ng naiisip na maaring totoo ang sinsabi ng babaylan sa kanya. Sa panghihina pa ring nararamdaman ay bahagyang nalawan ng balanse ang binata na agad namang hinawakan nina Nume at Chacha. “Hindi ko inaasahan na ganito ka pala kalakas. Napahina mo ang kapangyarihan ko nang ganito.” Agad na inalis ni Isagani ang kapangyarihang nakapataw kay Lyxa upang matulungan niya ang babaylan. Noon lamang naisip ng elemento na totoo ngang hindi siya nahirapan sa pagsira sa kadena. Nasaktan man siya at nanghina ay agad siyang gumaling. Natawa na lamang si Isagani at napatakip na lamang ng mukha. “Siraulo ka. Bakit ka gumawa ng palabas? Napaniwala mo ako na seryoso ka sa laban. Muntik na kitang napatay. Muntik ko na ring mapatay ang sarili ko.” Gulong gulo man sa intensyon ng babaylan ay unti unti ng naniniwala si Isagani sa binata. “Huwag ninyong gawin biro ang ganito ka seryosong bagay,” ani Eeya. “Ano ba talaga ang dahilan mo, Joaquin?” Sandaling tinignan ni Joaquin ang kanyang mga kasamahang elemento at ngumiti. “Ang totoo n`yan ay nais kong malaman ang lagusan dahil sa kanila. Ayokong habang buhay silang nasa puder ko. Karapatan nilang makahanap ng kapareha at lumigaya. Nasa hustong edad na si Lyxa para bumuo ng pamilya. Si Nume at Chacha naman ay dapat nakikipaglaro sa mga kaedad at kauri niya.” Napabalikwas si Lyxa sa kanyang narinig. “Ginoo! Ano bang pinagsasabi mo?” “Isagani, ngayon tapos na ang misyon ko sa bayang ito ay babalik na ako sa siyudad. Nais kong isama mo sila sa lagusan pabalik sa mundo ng mga elemento. Palalayain ko sila at huwag mo na ring alalahanin ang sikretong nalaman ko sa inyong mundo. Mas mahalaga sa akin ang kaligayahan nila.” Hindi napigilan ni Lyxa ang magkahalong galit at lungkot na kanyang nararamdaman sa narinig mula sa kanyang ginoo. “Ang kaligayahan ko ay ang pagsilbihan ka, Ginoo! Hindi ko hiling na bumalik sa mundo namin. Kusa kong ibinigay ang pangala ko sa `yo para pagsilbihan ka bahang buhay!” Bata man ang tingin ng lahat kay Nume ay malawak ang kanyang pag unawa sa nangyayari. “Ginoo, alam kong makulit ako at palaging gumagaw ang gulo… pero simula ng mapunta ako sa puder mo ay doon ko lang naramdaman ang magkaroon ng tunay na pamilya. Hindi ko kailangan ng iba pang pamilya!” Tumulo ang luha sa kanyang mga mata. “Hindi ako babalik! Dito lang ako!” sigaw naman ni Chacha. Nagkalma man si Lyxa ay hindi pa rin niya napigilan ang mga luhang bumuhos mula sa kanyang mga mata. “Batid ko kaligayahan namin ang iniisip mo sa paggawa nito pero sana ay nagtanong ka muna. Hindi kami karapat dapat para sa mga naranasan mong paghihirap sa laban matunton lang ang lagusan,” aniya na lumapit na kay Joaquin upang yakapin ito. Lumundag din ng yakap sina Nume at Chacha sa kanilang ginoo na malugod niyang ginantihan nang mahigpit na yakap. “Alam kong magiging ganito kayo kaya hindi ko na ipinaalam pa ang plano ko. Inakala kong makakaya kong makitang umalis kayo. Masaya ako sa desisyon ninyong manatili sa puder ko. Kung sakali mang dumating ang araw na nais n`yo ng bumalik sa mundo ninyo ay ibibigay ko ang kalayaan ninyo.” Ang mga luha ay mabilis na napalitan ng ngiti nang marinig nila ang salita ng kanilang ginoo. Hindi naiwasan ni Eeya ang maluha sa kanyang nasasaksihan. Una palang ay alam niyang may mabuting puso ito at sa kabila ng paglaban niya kay Isagani ay naniniwala pa rin sya rito. “Posible nga talaga ang mapalapit ang isang elemento sa isang mortal, may kakayahan man o wala. Nakakatuwa naman.” Malaking ebidensya man ang nakikitang pagmamahal ni Isagani ng mga elemento sa babaylan ay hindi pa rin niya ito magawang pagkatiwalaan ng lubos. Batid ni Joaquin ang pagtingin sa kanya ni Isagani. Wala man itong sabihin ay nababasa niya sa kanyang mukha na may pagdududa pa rin ito sa kanya. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanyang mga kasamahang elemento para lumapit kay Isagani. “Alam kong hindi mo man ako magawang pagkatiwalaan ngayon ay darating din ang araw na mabubuo iyon.” Bahagya niyang tinapik ang balikat nito. “Hanggang sa dumating ang araw na iyon at sa muli nating pagkikita ay sana alagaan mo nang mabuti si Eeya. Natalo mo ako. Isang karangalan ang matalo ng isang malakas na elemento.” Inabot ni Joaquin kay Isagani ang dahon na nakuha niya sa elementong nakalaban. “Hindi ko na ito kailangan.” Tinanggap iyon ni Isagani nang ngiti sa mga labi. “Kung wala ito ay hindi sila makakapasok sa lagusan. Gayunpaman, kung nais nilang bumalik at malugod ko silang tatanggapin basta susunod sila sa mga alituntunin ko.” Natutuwa man sa pagkakasundo na nakikita niya mula sa dalawang magkatunggali ay batid niyang kailangang niyang ipaayos ang muling pagkasira ng templo. Lumapit siya sa dalawa upang ituro ang templo. Bahagyang itinulak ni Joaquin si Isagani. “Siya na lamang ang bahala sa pag aayos sa templo.” Saka ito tumawa. “Reponsibilidad mo na `yan bilang kasintahan niya.” Malambing na ngumiti si Joaquin kay Eeya na namumula pa ang mga pisngi sa paglapit ni Isagani sa kanya. “Nakakapanghinayang man na hindi ako ang napili mo at sana maging magkaibigan pa rin tayo. Basta ba hindi magagalit ang kasintahan mo.” “Oo naman. Maraming salamat sa pag alaga sa akin.” Niyakap ni Isagani si Eeya na para bang wala ng makakakuha pa nito sa kanya. “Sige na. Umalis na kayo.” “Paalam, Eeya. Makinig ka klase at mag aral nang mabuti,” paalala pa nito bago tuluyang umalis kasama sina Lyxa, Nume, at Chacha. Malungkot man si Eeya habang tanaw ang pag alis ng tatlo ay ang yakap ni Isagani ang nagpakalma sa kanyang damdamin. Kumalas si Isagani sa kanyang pagkakayakap sa dalaga at marahang hinawakan ang kamay nito. “Huwag ka ng malungkot. Hindi ka na muli pang mag iisa. Narito na ako. Makakasama mo habang buhay.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD