Hindi mawari ni Eeya kung bakit bigla na lamang nag iba ang kanyang pakiramdam gayong dati naman niyang nakakasama si Isagani sa templo. Natayo si Eeya sa harapan ng salamin matapos itong maligo at makapagbihis. Nasa silid niya si Isagani at kasalukuyang nagpapahinga. Inamin niya ang nararamdaman niya para sa elemento at batid niyang tuwang tuwa si Isagani ngunit dahil din doon ay alam niyang maaaring may gawin ito sa pagkapilyo niya.
“Bakit ang tagal mong lumabas?” Halos mapaludag si Eeya nang maramdaman niya ang mainit na hininga ni Isagani na bigla na lamang lumitaw sa kanyang likuran.
“May masakit ba sa `yo? Nasakta ka ba sa laban namin kanina?” Nararamadaman ni Isagani ang panginginig ng katawan ni Eeya na nakadikit sa kanya.
“W-Wala.” Bahagyang umusog si Eeya para makalayo sa elemento. Ngunit muling lumapit si Isagani sa kanya at hinawakan pa ang mga balikat nito.
“Bakit ka nanginginig?”
Nang maramdaman ni Eeya ang init ng mga palad ng elemento ay bigla na lamang niyang nagamit ang kanyang kapangyarihang hindi niya pa lubusang nalalaman ang paggamit. Nagliwanag ang buong templo na sumirit pa sa sira sirang parte nito na natamo sa laban. Nang maghupa ang liwanag ay noon lamang napagtanto ni Eeya na nagamit niya ang kanyang kapangyarihan at wala si Isagani sa paligid.
“I-Isagani. Nasaan ka?!” Luminga linga si Eeya sa tahimik na paligid ngunit walang sumasagot sa kanyang tawag. “Anong nangyayari? Nasaan si Isagani?”
Hindi mainindihan ni Eeya kung ano ba ang nagawa niya at kung bakit bigla na lamang nawala si Isagani. Batid niyang makakaya niyang gawin ang pagpapawala sa isang elemento ngunit wala iyon sa loob niya. Hindi niya sinasadya ang pagpapakawala ng kanyang kapangyarihan. Hindi man niya alam kung anong klaseng pagbasbas ang kanyang nagawa ngunit sa paglaho ni Isagani ay naiisip niyang baka tuluyan na niya itong napakawalan.
“Isagani! Lumabas ka na! Hindi ako nakikipaglaro!”
Napaluhod na lamang si Eeya nang walang sumagot sa kanyang sigaw. Batid niyang sa tagal niyang pagngangalaga sa templo ay hindi niya pa nagagawang magamit nang lubos ang kanyang kapangyarihan. “H-Hindi ko sinasdya…” lumuluha nitong bulong.
“Anong ginawa mo?!” Natigil sa pagtangis si Eeya nang makarinig siya ng maliit na boses na kahit maliit ang tinig na iyon ay pamilyar sa kanya.
“Isagani?” Naririnig man niya ito ay wala pa rin ito sa paligid.
Nagulat na lamang si Eeya nang may gumapang sa kanyang mga binti. At sa kanyang pagyuko rito ay laking gulat niya nang makita niya si Isagani na bigla na lamang lumiit ang katawan na para bang isa lamang itong manikang gumagalaw.
“A-Anong nangyari sa `yo?” May pagtataka man ay hindi napigilan ni Eeya na matawa sa kanyang nakikita. “Bakit ang liit mo?” Binuhat niya ito na sakto na lamang sa kanyang mga palad.
“Ikaw ang may gawa nito! Ibalik mo ako sa dati!” Pagwawala nito.
Noon ay naalala niya ang nabasa niya noon sa sagradong libro ng kanyang lola tungkol sa kapangyarihang taglay nila upang paliitin ang isang elemento.
“Eeya! Ibalik mo ko sa dati! Pagsisisihan mo ito!” galit na bulalas ng elemento na nagpupumiglas sa pagkakahawak sa kanya ng dalaga.
Sa pagpupumiglas nito ay nakita iyon ni Eeya na katawa tawa sapagkat para itong manika na nais niyang yakapin na lamang at laruin. Ikinagalit ni Isagani ang pagtawang iyon ng dalaga. Itinaas niya ang dalawang kamay upang pakitaan ito ng kanyang kapangyarihan nang matigil sa pagtawa ngunit kakarampot na hangin lamang ang kumawala sa kanyang kamay na lalong nagpalakas sa tawa ni Eeya.
“A-Anong nangyayari? Bakit hindi ko magamit ang kapangyarihan ko?” ani Isagani na pinipilit pa ring gamitin ang kanyang kapangyarihan kahit pa halos wala ng hangin ang lumabas rito.
“Hindi lang katawan mo ang lumiit, maging ang kapangyarihan mo ay nabawasan din,” ani Eeya na habol hininga dahil sa pagtawa.
“Hindi ako nakikipaglaro, Eeya! Ibalik mo na ako sa dati!”
“Hindi ko alam kung paano.”
“Ano?!”
Nabasa man noon ni Eeya ang tamang salita upang ibalik si Isagani sa dati ay hindi na niya iyon maalala. Takot din ito na subukan dahil baka lalong mapalala ang sitwasyon kung gagawin niya iyon nang hindi nakasisiguro sa salitang sasabihin niya.
“Eeya, sa likod mo!” Natigil sa pag iisip ang dalaga nang makita niyang may itinuturo si Isagani sa kanyang likura. Ngunit nang lingunin niya ito ay wala naman siyang nakita.
“Ano? Wala naman.” Muli siyang tumingin kay Isagani. Nakawala si Isagani sa kanyang pagkakahawak.
“Hindi mo ba nakikita? May elemento sa likod mo!” Walang halong pagbibiro si Isagani sa kanyang sinasabi. Totoong may elemento sa likod ng dalaga at batid niyang hindi lamang iyon basta basta isang elemento kundi isang malakas na kalaban.
Muling lumingon si Eeya ngunit wala pa rin siyang nakikita. “Huwag mo nga akong takutin. Kahit anong gawin mo ay hindi pa kita maibabalik sa dati mong anyo. Kailangan ko munang aralin muli ang salita para maibalik ka nang maayos.”
Napagtanto ni Isagani na totoo ngang hindi nakikita ni Eeya ang malakas na elemento sa kanyang likuran sapagkat lumipad na ang elemento na isa lamang malaking ulo sa kanyang mukha at tinitigan na ito ngunit wala man lang reaksyon ang dalaga.
“Hindi mo nakikita? Hindi mo ba nararamdaman?” pagtataka ni Isagani.
Hindi na siya sinagot pa ni Eeya dahil sa pag aakala na nagbibiro lamang ito. Lingid sa kanyang kaalaman ay umaaligid sa kanya ang isang malakas na elemento na hindi lamang kilala ni Isagani kundi isa sa mga malakas niyang katungali sa kanilang mundo. Lumaki pa lalo ang ulo na elemento at lumabas ang mga hibla ng buhok nito na nagmimistulang mga kamay niya.
“Isagani, nagkita rin tayo ulit sa wakas. Nakakatawa nga sapagkat inaasahan kong mas malakas ka na ngayon matapos ang libong taong hindi tayo nagkita. Pero halata naman na ngayon ay mas malakas ako. Pabor sa akin ang itsura mo ngayon,” wika nito na nang lumapit kay Isagani na sa kabila ng pagiging maliit ng katawan nito ay walang takot niya itong hinarap.
“Siya ba ang may gawa nito?” Muling lumingon ang ulong elemento kay Eeya saka ito nilapitan. “Isang tagapangalaga ng templo ay pinag alayan mo ng iyong pangalan? Talagang bumaba na ang tingin mo sa sarili mo. Nakakwtuwa naman. Hindi rin malakas ang isang ito.” Gumapang ang mga hilba ng buhok nito sa balikat ni Eeya na ikinagalit ni Isagani.
“Huwag mo siyang hahawakan!”
Ngunit ang balala ni Isagani ay lalo lamang naging dahilan upang matuwa ang elemento. “Kung kainin ko kaya siya, siguro ay mas lalakas ako.” Ibinuka nito ang kanyang bibig na may matatalim na mga ngipin.
“Huwag mo ng subukan!” Tinakbo niya ang elemento upang labanan ito ngunit dahil sa mababang kapangyarihan ay hindi man lang niya nagawang makalapit. Tumilapon si Isagani nang makalapit ito sa kapangyarihang pumapalibot sa ulong elemento.
“Isagani!” Hindi man maintindihan ni Eeya ang ginagawa ni Isagani ay agad niya itong kinuha sa kanyang palad. “Anong nangyari sa `yo? Gumising ka!” Duguan ang binata na sadyang ipinagtataka ni Eeya sapagkat wala siyang makitang dahilan para magkaganoon iyon.
“Mahina ka ng talaga!”
Bigla na lamang naramdaman ni Eeya ang malakas na prisesnya sa paligid na dahilan upang matigilan ito upang pakiramdaman pa iyon nang maiigi. Hindi man niya nakikita ay alam na niyang may ibang elemento sa paligid at nasa likuran niya ito.
“Nararamdaman ko siya,” bulong ni Eeya. Pumikit ito upang lalong maramdaman ang elementong dahilan kung bakit nasaktan si Isagani.
“Ako na ang pinakamalakas na elemento ngayon!” Malakas na tawa ng ulong elemento.
“Ikaw ang may gawa kay Isagani nito,” ani Eeya na nananatili pa ring nakapikit.
“Kakainin ko ang babaeng ito nang maging mas malakas ako!” Sa pagkakatong iyon ay narinig na rin siya ni Eeya.
At sa pagmulat niya sa kanyang mga mata at paglingon sa kanyang likuran ay nakita niya ang ulong elemento. Napaurong si Eeya sa takot nang makita ang itsura ng elementong kanilang kasama.
“A-Anong klase kang elemento? Mas malala pa ang itsura mo sa naisip ko.”
“Nakita mo siya dahil hawak mo ako. Mahina man ako ngayon ay ako pa rin ang daan para makita mo ang mga malalakas na elemento mula sa mundo ko. Kaya huwag mo akong bitawan,” ani Isagani na nagkaroon na ng malay.
Tumango si Eeya. “Mabuti pa ay paalisin mo na siya. Itago mo muna ako sa damit mo.”
Agad na nakaramdaman ng pamumula si Eeya nang ang itinuro ni Isagani ay ang dibdib niya na tanging nakakapitan niya dahil tuwalya lamang ang kanyang suot. “N-Ngayon lang `to dahil may kalaban na elemento. Huwag kang gumawa ng kung anu ano at d`yan ka lang!” babala ni Eeya.
Isinuksok ni Eeya ang binata sa kanyang dibdib na kung saan nakadikit pa rin ang katawan nito sa kanyang balat upang hindi mawala ang ulong elemento sa kanyang paningin. Sa muli niyang pagharap sa kalabang elemento ay batid nito ang kanyang galit. Hindi man maliwanag sa kanya kung bakit ito naroroon at kung ano ang nais niya ay alam ni Eeya na kailangan niyang mabasbasan ito. Magtagumpay man siya o hindi ay ang mahalaga ay maglaho ito.
Ang pagbabasbas sa elemento ay magagawa niya sapagkat sinanay na siya ng kanyang lola. Mga salita man ang pagsasanay na ginawa niya at batid niya iba ang sitwasyon ngayon dahil gagamitin na niya iyon sa totoong elementong na sa kanyang harapan.
Itinukop ni Eeya ng magkabila niyang palad at tahimik na dinasal ang mga salitang sinaulo niya mula pagkabata. Kalakip ang lakas ng loob at tuon ang isip sa kanyang nais ay nagawa niyang mapaglaho ang ulong elemento. Hindi man iyon tuluyang namatay ay naglaho iyon sa kanyang paningin at pakiramdaman.
Sa pagmulat niya sa mga mata ay tumakas ang ulong elemento bago pa ito tuluyang mabasbasan ni Eeya. “Isagani! Nagawa ko! Nagawa ko siyang mapalayas!”
Nang tignan ni Eeya ang kanyang dibdib na kung naroroon si Isagani ay mabibigat ang paghinga nito at kapansin pansin ang kanyang panghihina.