EPISODE 54 TE AMO LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. WHAT? Kasal ko ngayon? I thought… I thought kasal ng pinsan ni Adler na si Liam ang pupuntahan namin ngayon?! “Lara, anak!” Nanlaki ang aking mga mata at bahagyang napaawang sa aking bibig nang makita ko ang babaeng papalapit sa akin ngayon. Nang makalapit siya sa akin ay agad niya akong sinalubong ng isang mainit na yakap at hinalikan niya ako sa aking pisngi. Nang matapos na niya akong yakapin ay hinawakan niya ang magkabila kong balikat at nginitian ako. “M-Mom, what are you doing here? I thought you were in Finland?” hindi makapaniwala kong tanong sa aking ina. Muli siyang ngumiti sa akin at hinaplos niya rin ang aking pisngi. “Lara, hahayaan ko bang makasal ang panganay ko nang wala ako? Hindi. Kahit ilang kilometro pa ang layo n

