EPISODE 53 SURPRISE EVENT LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. “Adler, wala akong dalang damit!” “That’s not a problem, Lara. You can just wear a simple dress at the wedding reception.” Oh my God! am I really hearing this from Adler? Wala nga akong dalang damit! Hindi ako makapaniwala na iyong maleta ko na nilagyan ng aking mga damit ay hindi nadala rito sa Spain. Ang dami kong nilagay ro’n na mga damit dahil alam kong may pupuntahan kami ni Adler dito sa Spain at hindi nga ako nagkamali, may pupuntahan nga kaming event. Ang problema nga lang ay wala akong damit! Sino ba kasi ang naglagay ng mga bagahe sa likod ng sasakyan? Hindi ko na kasi napansin dahil agad na akong pumasok sa loob at inaantok na rin ako no’ng papunta pa kami sa airport. Sh*t! Ano na ang susuotin ko? Wala akong pamalit.

