EPISODE 8 DENVER ARISON “You’re my husband.” “I want you, Adler.” F*ck! Bakit ba palagi kong naririnig ang boses niya sa aking ulo? Minsan naman ay makikita ko na lang siya sa ibabaw ng table ko habang kinikindatan ako, o hindi naman ay tinatawag ako gamit ang kanyang nakakaakit na boses. Hindi ako makapagtrabaho ng maayos at wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi sa meeting kanina sa may conference room. F*ck! Nababaliw na ata ako. “Lord D.” Agad akong napaayos sa aking pag-upo at bahagyang niluwagan ang suot kong necktie nang pumasok ang aking secretary sa loob ng aking opisina. Siya iyong pinapunta ko nang gustong makipagkita ni Lara Laureen kay Denver Arison. I don’t want to take a risk to show up, so I ask him to pretend to be me. Mukhang hindi nagalingan sa pag a-arte ni B

