EPISODE 14 “D-Daddy Adler?” tawag ni Ambrose kay Adler. Bago pa ako makapagsalita ay tumakbo na si Ambrose papunta kay Adler at niyakap ito sa may beywang. Nang tingnan ko ang reaksyon sa pagmumukha ni Adler ay nakita ko itong natigilan sa ginawa ni Ambrose at nakaawang din ang kanyang bibig na para bang hindi niya alam kung ano ang gagawin o ano ang kanyang sasabihin. Please, huwag mo sanang itulak palayo si Ambrose. Alam na ni Ambrose na nawalan ka ng alaala kaya ramdam na niya ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Pero sana naman ay hindi itulak palayo ni Adler si Ambrose dahil sigurado akong masasaktan ang anak namin kapag ginawa niya iyon. “D-Daddy, akala ko hindi ka na magpapakita sa amin. I missed you so much, Daddy!” narinig ko ang paghikbi ni Ambrose habang yakap pa rin ng m

