NAALIMPUNGATAN ako sa kasagsagan ng madaling araw. Pabalikwas akong bumangon habang hinahabol ko ang aking paghinga.
Nanaginip kasi ako na may humahabol sa akin sa kadiliman at gustong patayin ang mga taong importante sa buhay ko. Meron daw akong tinatawag na lalaki pero hindi ko na maalala kung sino siya at ang lalaki na nasa panaginip ko ay walang mukha.
Tinuyo ko ang luhang naglandasan sa pisngi ko at pilit kong pinakalma ang sarili ko bago ako umalis sa kama at nagtungo sa terehas na kanuog ng kwarto ko.
Pagkalabas ko, agad akong humugot ng malamig na hangin at tsaka marahan ko iyong ibinuga. Kung meron lang ako kahit isang alam tungkol sa sarili ko, baka hindi ako gaano nahihirapan ng ganito.
"Why you're still awake?"
Nabaling ang tingin ko sa kabilang terrace kung saan katabi ng kwarto ko ang kwarto ni Beckham. Nakatayo ito roon habang may hawak itong baso na nagalaman ng alak.
"Nagising lang ako," sagot ko.
"You're crying?"
Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya. "H-hindi. Napuwing lang ako," pagsisinungaling ko.
Muli akong napatingin sa gawi niya nang sumampa sa si Beckham sa batong railing.
"Anong gagawin mo? Baka mahulog ka!" Nag-aalalang sabi ko sa kanya.
Pero walang salitang tumalon siya sa kinaroroonan ko ngayon. "See, I'm fine. Sanay akong ginagawa ito noong palihim akong nagpupunta sa bahay mo noon diba? Oh! Hindi mo nga pala maalala."
"Nagpupunta ka sa bahay ko noon ng palihim? Bakit?" taka kong tanong.
Hindi siya nagsalita at tumabi lang siya sa akin.
"Hindi mo na naman sasabihin kung bakit ka palihim na pumupunta noon sa bahay?"
Nilingon niya ako. "Tell me, why you're still awake?"
"Nanaginip kasi ako ng hindi maganda."
"Ano naman ang napaginipan mo?"
Kinuwento ko sa kanya kung ano ang napaginipan ko.
"Hindi mo na talaga maalala kung sino 'yung lalaki sa panaginip mo?"
Umiling ako. "Hindi. Hindi mo ba sasabihin sa akin kung bakit ka palihim na pumupunta sa bahay ko noon? Beckham, galit ka ba sa'kin? May nagawa ba ako sa'yo a hindi maganda noon?"
Uumiwas siya ng tingin sa akin. "Why did you think I'm mad at you?"
"Nararamdaman ko kasi na may galit ka sa paraan ng pakikipag-usap mo sa'kin. Iba rin ang tingin na ibinibigay mo sa'kin. Kaya tinatanong ko kung may nagawa ba ako sa'yo noon na hindi maganda."
"I don't want to talk about it."
"Bakit?"
Tiningnan niya ako. "I told you, I don't want to talk about it," mariin nitong sabi.
"Pero bakit nga? Gusto ko malaman para hindi naman ako nag-iisip. Akala mo ba madali lang para sa akin na walang maalala? Wala akong alam sa pagkatao ko. Para akong ligaw na pusa na hindi alam kung saan pupunta. Pakiramdam ko nasa kumunoy ako na unti-onting nilalamon, Beckham."
"Akala mo rin ba na madali para sa akin na nandito ka? 'Yung pakiramdam na buhay ako pero para akong pinapatay ng paulit-ulit sa tuwing nakikita kita."
Bakit ganito? Nararamdaman ko ang bigat na nararamdaman niya. Yung sakit sa bawat salitang sinasabi niya. Ako ba ang dahilan ng lahat ng iyon?
"Pero bakit mo 'ko tinanggap?"
Muli siyang umiwas ng tingin sa akin. "Dahil 'yun ang satingin kong dapat gawin."
Nayuko ako. "M-meron ba akong minahal na lalaki?" maya'y tanong ko.
"Why you ask?"
"Kailangan ko lang malaman."
Tumawa ng pagak si Beckham. "Hindi ko alam kung minahal mo ba talaga ang lalaking 'yon, Apple."
Bigla akong napatingin sa kanya at hinawakan siya sa braso. "Kilala mo siya? Anong ginawa ko sa kanya? Beckham, kailangan kong malaman."
"Para ano pa? Pinagpalit mo lang naman siya sa ibang lalaki."
Natigilan ako. Talaga bang ginawa ko 'yun?
"Sino ang lalaking iyon at ang lalaking ipinalit ko?"
Nangunot ang noo niya. "Why you want to know?"
"Kailangan ko lang. Please, Beckham, kailangan kong malaman kung sino siya."
Galit nitong tinanggal ang kamay ko sa braso niya. "Patay ka na dapat eh. Hindi ko alam kung bakit bumalik ka pa. At isa lang ang nasisiguro ko, may pinaplano kang gawin." Iyon lang at bumalik na siya sa kwarto niya.
Doon punatak ang mga luha ko. Bakit nasaktan ako sa sinabing iyon ni Beckham? Sino ba talaga siya sa buhay ko?
Bumalik ako sa kama ko at doon pinagpatuloy ang pag-iyak. Sa kakaiyak ko hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
HUNI ng ibon ang gumising sa akin kinaumagahan. Marahan akong bumangon dahil pakiramdam ko ang sakit-sakit ng buo kong katawan.
Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-vibrate iyon mula sa ilalim ng unan ko. Kinuha ko iyon at daling tumakbo papasok sa loob ng banyo at doon sinagot ang tawag ng estrangherong lalaki.
"H-hello..."
"Kumusta? Mukhang napapasarap ka ata dyan at nakakalimutan mo na ang pinag-usapan natin," anito.
"H-hindi ko nakakalimutan."
"Baka naman sinabi mo kay Beckham ang totoo? Huwag kang magkakamali, Apple. Tandaan mo, hawak ko sila. Isang pagkakamali mo lang, kayang-kaya kong kitilin ang buhay nila."
"Huwag! W-wala akong sinabi. Pakiusap, wag mo silang sasaktan," umiiyak kong sabi.
"Sumusunod naman ako sa usapan, Apple. Nasa mabuti silang kalagayan. Bibigyan kita ng isang buwan para gawin mo ang pinag-uutos ko sa'yo na patayin si Beckham. Kapag hindi mo nagawa alam mo na kung ano ang kapalit. Mawawala sa'yo ang mga taong dahilan kung bakit ka pa nabubuhay ngayon." Iyon lang at pinutol na nito ang linya.
Nanginginig ang mga kamay ko habang habol ko ang aking hininga. Ang lakas ng pintig ng puso ko dahilan para mas lalo akong mahirapang huming. Kumapit ako sa gilid ng lababo dahil pakiramdam ko tutumba ako ano mang oras.
"Dyos ko, huwag ninyo silang pababayaan. Patawarin mo rin ako sa kasalanang magagawa ko," sabi ko sa hangin at hinihiling na sana marinig akong ng may kapal.
Kailangan kong magpakatatag ngayon. At dapat wag ko munang intindihin ang sarili ko dahil buhay nila ang nakasalaylay sa mga gagawin kong hakbang. Dapat makaisip na ako ng paraan para makuha ko ang loob ni Beckham bago siya pagpaplanuhang patayin.
"AKO? ipapa-check up mo sa doctor?" tanong ko nang sabihin sa akin ni Jordan na dadalhin niya ako sa hospital para ipa-check up daw ang ulo ko.
Dumating ito pagkatapos ng tanghalian.
"Oo. Ayaw mo ba bumalik ang ala-ala mo?"
"G-gusto."
"Ayun naman pala eh. Ano ang pumipigil sa'yo na magpa-check up?"
Tumingin ako kay Beckham na nakaupo sa pang-sahang upuan na nasa sala.
"Si Beckham ba ang dahilan? Pinagbawalan ka ba niya?"
Umiling ako. "Hindi. Ayoko lang bigayan siya ulit ng dahilan para magalit siya sa'kin."
"Sinabi niya sa'yo na galit siya?"
Muli akong umiling. "Kahit naman hindi niya sabihin ramdam ko na galit siya sa'kin."
Nagbuntong-hininga si Jordan. "Huwag mo na lang siya pansinin, Apple."
"Nasaktan ko ba siya noon? May nagawa ba akong hindi maganda sa kanya?" Nagbuntong-hininga ako. "May mga gusto akong malaman, kahit iyon lang mapapanatag na 'ko."
"Tinanong mo ba siya?"
"Wala siyang balak na sabihin. Hindi ko alam kung bakit." Tiningnan ko si Jordan. "Sinabi niya na may lalaki akong minahal pero hindi niya alam kung minahal ko ba talaga yung lalaki at ipinagpalit ko raw sa iba. Jordan, si Beckham ba 'yung lalaking iniwan ko para sumama ako sa iba?"
Hindi siya sumagot. Hinawakan ko ang kamay niya. "Please, Jordan. Kailangan kong malaman. Para na akong mababaliw kakaisip ng mga bagay-bagay."
Marahan siyang tumango. "Yes."
Hindi ako makapaniwala. Kung ganu'n kaya galit sa akin si Beckham dahil may relasyon kami noon at ipinagpalit ko siya sa iba.
"Kilala mo ba kung sino ang lalaking ipinagpalit ko sa kanya?"
"Si Luca."
"Luca? Anong pagkatao niya? Nasaan siya ngayon? Jordan, please tell me."
"Patay na si Luca, Apple."
"P-patay na? Paano siya namatay?" Natigilan ako. "H-hindi kaya dahil sa aksidente? Siya ba ang kasama ko nang mangyari ang aksidente? Iyon ba yung araw na umalis kami tapos doon kami naaksidente? Talaga bang nagmamahalan kami?"
Humugot ng hangin si Jordan at marahas niya iyong ibinuga. "Hindi ko rin alam, Apple. Wala akong maisasagot sa'yo dahil iyon lang din ang alam ko. Walang ibang nakakaalam nun kundi ikaw."
Nanlumo ako. Ang natitira kong pag-asa ay biglang naglaho.
"Apple, pumayag ka na na magpa-check up. Para rin sa'yo 'yon."
Muli akong tumingin kay Beckham. Ngayong nalaman ko na na may relasyon kami noon, pwede ko iyon gamitin para mapalapit sa kanya at makuha muli ang loob niya.
"Ipagpapaalam kita kay Beckham. Tapos bumili na rin tayo ng mga damit mo."
"Okay sige."
Tumayo si Jordan para lapitan si Beckham. Tumingin sa gawi ko si Beckham at ibinalik kay Jordan. Pagkatapos ay nakita ko ang pagtango niya. Nang tingnan ako ni Jordan ngumiti siya ang nag thumb's up. Ibig sabihin pumayag si Beckham.
Naligo ako at isinuot ang dalang damit ni Jordan. Paalis na sana kami nang tawagin ako ni Beckham.
"Huwag mong tangkaing tumakas, Apple," aniya.
Tipid ko siyang nginitian. "Babalik ako, Beckham. Hindi na ulit ako aalis, pangako 'yan."
Sa sinabi kong iyon, nakita ko na natigilan siya. Ibig sabihin may ipekto pa rin ako sa kanya.
"Mabuti na 'yung nakakasiguro."
"Huwag kang mag-alala, hindi ki iaalis ang tingin ko sa kanya, Beckham," si Jordan. Nauna na itong lumabas ng mansion.
"Aalis na kami. Babalik din kami agad," sabi ko na sumunod na kay Jordan.