"BAKIT mo naman tinanggap dito si Apple bilang kasambahay mo?!" galit na tanong ni Jordan sa akin matapos nitong makausap si Apple.
"Totoo ba 'yon, Beckham?" hindi rin makapaniwalang tanong ni Beckett.
"Oo totoo," walang emosyon kong sagot.
"Pero bakit?" si Beckett.
"Bakit hindi?"
"Natural na hindi kasi kasal pa rin kayo. Mag-asawa pa rin kayo! Kaya hindi tama na gawin mo siyang katulong dito sa bahay mo!"
"At anong gusto mo, tanggapin ko na lang siya na parang walang nangyari noon? Baka nakakalimutan ninyo na mas pinili niya sumama kay Luca noon."
Nagbuntong-hininga si Jordan. "It was two years ago, Beckham. At meron siyang amnesia!"
"Hindi kayo sigurado. Maaaring nagpapanggap lang siya dahil may kailangan siyang gawin."
"Nagpapanggap? Pinaimbestigahan mo na ba siya?" si Beckett.
"Inutusan ko na so Masod na gawin 'yan."
"Napa-check-up mo na ba siya?" si Beckett ulit.
"Hindi."
Muling nagbuntong-hininga si Jordan. "Ako na lang ang magpapa-check up kay Apple."
Walang emosyong tumingin ko sa kanya. "Pumayag ba 'ko?"
"Pumayag ka man o hindi, ipapa-ckeck up ko siya. Kung wala kang malasakit sa kanya, mabuti pang doon na lang siya tumira sa amin."
"You can't do that. I'm not allowing you."
"Bakit hindi?"
"Dahil ako ang may karapatan sa kanya."
"Dahil asawa ka? But you're not considering her as your wife!"
"Baby..." awat ni Beckett kay Jordan. "Alam natin na hindi tama ang desisyon ni Beckham, pero tama siya na siya ang my karapatan na magdesisyon para kay Apple."
"Pero—" mariin na pumikit si Jordan at kalaunan ay masama niya akong tiningnan.
Dinuro niya ako. "Binabalaan kita, Beckham. Kapag hindi mo trinato ng tama ang kaibigan ko, ako ang maakalaban mo!"
Katok sa pinto ang nagpatigil sa amin. Bumukas iyon at pumasok si Apple.
"Luto na 'yung ulam at kanin. Kain na kayo," nakangiting sabi nito.
"Susunod kami," sabi niya.
Masama akong muling tiningnan ni Jordan pagkasara ni Apple ng bago, at bago ito lumabas ng opisina ko.
"KAIN ka na rin, Apple. Saluhan mo kami," anyaya ni Jordan sa kanya.
Saglit akong tumingin kay Beckham. "Sige mauna na kayo, Jordan. Mamaya na lang ako," sabi ko.
Tiningnan ni Jordan si Beckham. "Beckham?"
Nagbuntong-hininga si Beckham. "Sumabay ka na sa amin, Apple," anito.
"See? Halika na. Sabayan mo na kami sa pagkain."
"Pero kasi nakakahiya."
"Huwag ka ng mahiya, Apple," si Beckett, ang asawa ni Jordan.
"Halika na!" Hinila ako ni Jordan at ipinaupo sa tabi nito. "Kain na," anito na inabutan ako ng plato at kutsara.
Wala na rin ako nagawa kundi ang kumain kasama nila.
"Hindi ka pa rin nagbabago. Masarap ka pa rin magluto. Diba, Beckham?" sabi ni Jordan. Pero hindi sumagot si Beckham.
"Mabuti naman at nagustohan ninyo. Kahit man ako noon hindi makapaniwala nang magluto ako sa karindiryang pinapasukan ko. Gustong-gusto kong niluluto ang sinigang."
Lahat ay natigilan sa sinabi kong iyon na para bang may mali sa sinabi ko.
"Sinigang? Bakit sinigang?" si Jordan.
Nagkibit ako ng balikat. "Hindi ko rin alam. Parang nakasanayan ko na 'yung lutuin noon."
"Alam mo bang paboritong ulam 'yon ni Beckham?" si Jordan ulit.
Napatingin ako kay Beckham na nakatingin din pala sa akin. "Talaga? Huwag kang mag-alala iyon ang lulutuin ko bukas."
Inalis nito ang tingin sa akin. "I'm not asking you to do that. Ayokong lutuan mo ko ng sinigang," walang emosyong sabi nito. Tinapos muna nito ang nginunguya bago tumayo at walang paalam na umalis.
"May nasabi ba ako na masama?"
"Wala. Huwag mo na lang intimdihin si Beckham. Ganu'n lang talaga ang ugali niya."
"Ganu'n ba? Okay."
Pagkatapos namin kumain at magligpit ay nagkwentuhan pa kami ni Jordan bago sila nagpasyang umuwi na. Sinabi naman nito na papasyal ulit sila kapag may pagkakataon ulit.
Napabuntong hininga ako nang tahimik na naman ang napakalaking bahay ni Beckham. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad akong pumasok sa banyo para sana tawagan ang estrangherong lalaki pero out of coverage ito. Nanlulumo akong lumabas ng banyo, pero laking gulat ko nang mabungaran ko sa loob ng kwarto si Beckham.
"Anak ng kalabaw!"
Walang emosyon ang mga mata nitong nakatingin sa akin. "Why took you so long?"
"Umh... Kailangan ko bang idetalye pa sa'yo kung ano ang ginawa ko sa banyo?" hinaluan ko ng inis ang boses ko. Tsaka hindi porket kasambahay lang ako rito eh wala na akong privacy sa sarili kong kwarto!
"Lilipat ka na ng kwarto," anito na ikinatigil ko.
"Bakit?"
"Dahil ayaw ni Jordan na rito ka natutulog, kaya ililipat kita ng kwarto sa ikalawang palapag."
"Dahil lang sa ayaw ni Jordan kaya mo ko ililipat ng kwarto? Bakit? Sa'yo okay lang ba Sir— I mean, Beckham?"
"Ayos lang din sa'kin."
"A-ayos na ho ako rito. Komportable naman ako rito kaya walang problema."
"Ililipat kita ng kwarto sa ayaw at sa gusto mo."
"Pero ayos na talaga ako rito—"
"Lilipat ka o paaalisin kita rito sa pamamahay ko?" mariin nitong tanong.
Kuyom ang kamaong nagbuntong-hininga ako. Kahit ayaw ko wala naman ako magagawa. Hindi pwedeng mapalayas ako rito kaya kailangan kong sumunod sa lahat ng gusto niya.
"Okay. Ikaw ang masusunod."
"Kunin mo ang mga gamit mo at pagkatapos ay sumunod ka sa'kin," anito na nagpatiuna ng lumabas ng kwarto ko.
Dahil sa wala naman akong damit maliban sa mga uniform, iyon lang ang binitbit ko at lumabas na ng kwarto at pagkatapos ay sumunod na ako kay Beckham hanggang sa dalhin niya ako sa ikalawang palapag.
"Ito ang magiging kwarto mo," anito nang buksan nito ang pinto ng magiging kwarto ko raw.
Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. "Wala bang mas maliit? Parang masyado itong malaki para sa akin."
"Wala. Dito kita nilagay para mas madali kitang matatawag. Nasa kabila lang ang kwarto ko."
Akala ko may sasabihin pa sia sa akin pero nakatitig lang siya. Ang mga mata nito ay nangungusap na hindi ko maintindihan. Kung minsan hindi ko rin siya maintindihan. Minsan walang emosyon ang mga mata niya at ngayon naman parang may lungkot siyang nakikita sa mga mata nito.
"May sasabihin ka pa ba?" tanong ko. Naiilang na rin kasi ako sa posisyon namin ngayon.
Tumikhim ito at mabilis na inalis sa akin ang mga tingin. "Magpahinga ka na." Iyon lang at tinalikuran na niya ako at pumasok na siya sa kwarto niya.
Kibit balikat na pumasok na rin ako sa bagong kwartong ibinigay niya sa akin. Pagkapasok ko, nilibot ko ng tingin ang buong paligid, tinitingnan ko kung meron bang nakatagong cctv sa paligid, pero laking pasalamat ko dahil wala akong nakita.
Nagpunta na ako sa banyo para mag-half bath at ng makatulog na ako ng maaga dahil bukas maaga na naman akong gigising para sa mga gawaing bahay ko.
PABALIKWAS akong bumangon nang magising akong matingkad na ang haring araw. Tinanghali ako ng gising!
Dali akong umalis sa ibabaw ng kama at tumakbo papunta sa banyo para mabilis na maligo. Pagkatapos kong maligo at makapagbihis, ay dali na akong bumaba sa kusina. Pero natigilan ako nang may ibang tao akong naabutan. Isa siyang babae na sa tingin ko ay nasa mid fifty na siya.
"Hi po," bati ko sa kanya.
Kunot ang noong nilingon niya ako. "Ikaw marahil si Apple?"
Tumango ako. "Opo."
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na ikinailing ko. Sino ba ang babaeng ito?
"Bakit ganyan ang suot mo?" tanong niya dahilan para tingnan ko ang suot kong uniporme.
May mali ba sa suot ko?
"Umh...ganito po ang suot ko dahil kasambahay po ako rito ni Beckham— I mean ni Sir Beckham."
Lalong lumalim ang gitlang sa noo nito. "Kasambahay? I thought..."
"Vanessa, nandito ka pala," sabi ni Beckham na kapapasok lang sa kusina.
"Oo. Pasensya na at pumasok na ako ng walang paalam at nangialam dito sa kusina mo. May pinuntahan kasi ako rito kaya dumaan na ako rito para ibaba ang mga pinamili kong prutas at ibang pagkain," sagot ng ginang.
"I already told you, you don't have to do that."
"Pero gusto kong gawin ito dahil pamilya tayo," nakangiting sagot ng ginang na hindi na sumagot pa si Beckham.
Pamilya? Ina ba ito ni Beckham? Pero bakit Vanessa lang ang awag nito?
"Nasabi na rin kasi sa akin ni Jordan na nahanap mo na ang asa—"
"Vanessa, let's talk," sabi ni Beckham na tumalikod na at naglakad palabas ng kusina.
"Kumain ka na ng umagahan ha? Babalik ako kaagad," anito bago sinundan si Beckham.
Naguguluhan na sinundan niya lang ito ng tingin. Pero imbis na kumain na ay pinagpatuloy niya ang naudlot na pagluluto ng ginang at eksaktong tapos na siyang magluto nang bumalik ang dalawa sa kusina.
"Kain na ho," sabi ko na naghahain na ng plato sa lamesa.
"Sumabay ka na sa amin kumain, Apple," anyaya ng ginang sa akin.
Napatingin ako kay Beckham. Bakit ba ang bait ng trato nila sa akin? Dahil ba sa kilala talaga nila ako?
"Sumabay ka na," segunda ni Beckham nang maupo ito sa mahabang lamesa.
"S-sige ho, kukuha lang ako ng plato." Mabilis akong kumuha ng plato at kubyertos sa kusina at agad na bumalik sa dining room.
"Masyadong alaki itong bahay mo para si Apple langang maglinis," sabi ng ginang.
"Alam mong ayokong may ibang tao sa paligid ko. I'm not comfortable with that."
"Pero—"
"This is my house, Vanessa. Kung ano man ang desisyon ko iyon ang gagawin ko sa pamamahay ko," nababakas na ang pagkairita sa boses ni Beckham.
"Umh... Ma'am, ayos lang naman po ako. Kaya ko naman po ang gawaing bahay dito," singit ko, dahil alam ko na ako ang pinagtatalunan nilang dalawa.
"Ganu'n ba? Bueno, hindi na ako mangingialam pa. Basta kung kailangan ninyo ng makakasama pa rito just tell me."
"I don't need anyone else," mariing sagot ni Beckham.
Kung ganu'n bakit niya ako tinanggap dito?
Wala ng nagsalita pa at tinapos na namin ang kinakain namin. Kasama kong nagligpit ng pinagkainan si Ma'am Vanessa. Kahit sinabi ko sa kanyang ako na ang bahalang magligpit ay ayaw niya akong hayaan na kumilos na mag-isa.
"Maraming salamat ho, Ma'am, sa pagtulong sa akin na magligpit," sabi ko pagkatapos naming mailigpit ang pinagkainan namin.
"Walang problema. Isa pa tawagin mo na lang akong mama," anito na ikinatigil ko.
Mama? Bakit mama?
"M-mama? Bakit naman ho?"
Tipid niya akong nginitian. "Step mother ako ni Beckham. Well, kailan lang kami magkaayos at alam kong hindi pa niya ako lubusang natatanggap bilang asawa ng ama niya kaya naiintindihan ko kung ganu'n pa rin ang pakitungo niya sa akin."
Hinawakan niya ako sa kamay. "Masaya ako nang sabihin sa akin ni Jordan na buhay ka. At masaya rin akong nakilala kita. Nasabi na rin niya sa akin na may amnesia ka, kaya naiintindihan ko kung wala kang alam sa mga nangyayari."
Wala akong naisatinig sa mga sinabi niya, dahil totoong naguguluhan na ako sa mga nangyayari sa paligid ko. Para akong ligaw na pusa na hindi alam kung saan tutungo.
"Bueno, aalis na rin ako. Ikaw na muna ang bahala kay Beckham. Habaan mo pa sana ang pasensya mo sa kanya," anito.
"Mag-iingat ho kayo, Ma'am—"
"Mama. Call me mama."
"Mag-iingat ho kayo, mama."
Malapad niya akong nginitian. "Better. Aalis na ako. Ikaw na ang bahalang magsabi kay Beckham."
"Oho."
Hinatid ko siya sa pinto at nanatili roon hanggang sa tuluyang mawala ang sasakyan sa paningin ko. Pagkatapos ay ginawa ko na ang trabaho ko. Pagkatapos kong maglinis sa unan at ikalawang palapag ay kumatok ako sa kwarto ni Beckham para hingiin ang mga labahin niyang damit para malabhan ko na.
Pero bukas ang pinto kaya marahan ko iyong tinulak pabukas. "Beckham?" tawag ko sa kanya pero walang sumagot.
"Beckham?" muli kong tawag na humakbang papasok sa kwarto.
"Bakit nandito ka?"
Napapiksi ako at mabilis itong nilingon. Kalalabas lang nito sa banyo at bagong paligo ito. Hindi ko mapigilan ang mga mata kong hindi tumingin sa ibabang katawan nito na tanging twalya lang ang tumatapi.
"Like what you saw?"
Pinamulahan ako ng mukha. Ano ba, Apple, para ka namang teenager sa inaakto mo! Sita ko sa sarili ko. Inalis ko ang tingin sa katawan niya at itinuon na lang sa mga mata nito. Pero bakit may nakikita siyang pagnanasa sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya? O baka imahinasyon lang niya iyon dahil imposible naman na magkaroon ng pagnanasa sa kanya si Beckham.
But his eyes were beautiful. Kahit titigan niya ang berder nitong mga mata ay hindi siya magsasawa.
"Bakit nandito ka sa kwarto ko, Apple?" tanong nito na nagpakurap-kurap ng mga mata ko.
"'Yung labahin mo. Oo, 'yun nga! Kukunin ko sana ang mga labahin mo para malabhan ko na."
"Hindi mo na kailangan gawin 'yon." Pinunasan nito ang basang buhok.
"Bakit?" tanong ko naman.
"May kukuha ng damit ko bukas para ipalaba."
"Pero trabaho ko 'yon, Sir Beckham."
Natatakot ako na kapag wala na akong gagawin dito ay baka paalisin na niya ako.
"I told you to call me Beckham didn't I? Mahirap bang gawin 'yon, Apple?"
Nayuko ako at marahan na umiling. "Sorry."
"Fuck."
Nahimigan kong sabi niya na nilagpasan ako. Gusto kong itanong sa kanya kung bakit niya ako tinanggap dito kung nakikita ko naman na may galit siya sa akin? Pero pinangungunahan ako ng takot na baka iyon pa ang maging dahilan para mapaalis ako rito. Hindi ako pwedeng umalis dito na hindi ko nagagawa kung ano ang dapat kong gawin.
"Bakit hindi ka pa umaalis? May kailanan ka pa?" tanong niya sa akin ng lingunin niya ako.
Mabilis ang ginawa kong pagkilos na lumabas na ng kwarto nito.