PUTING kisame ang namulatan ko nang magising ako. Base sa itsura ng kwarto ay alam kong nasa hospital ako. Hindi ko alam kung bakit ako nandirito ngayon, pero ang tanging natatandaan ko lang ay nawalan ako ng malay pagkatapos kong maalala 'yung mga ala-alang naalala ko kagabi. Kumirot ang puso ko nang maalala ko ang senaryong naalala ko kagabi at pumatak ang mga luha ko. Totoo pala talaga ang mga sinabi ni Beckham na ang misyon ko ay ang patayin siya. Nasa ganu'ng tagpo nang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Jordan. Nagulat pa siya nang maabutan ako sa ganu'ng tagpo. "Apple, bakit ka umiiyak?" agad niya akong dinaluhan. "Totoo pala na pinagtangkaan kong patayin si Beckham." "Alam ko ang tungkol dyan, Apple. Pero nasabi mo noon sa akin na hindi mo kayang gawin 'yon dahil mahal mo s

