"Psh.. akala ko babantayan mo ako.." salubong ni gangster nang magising ako. Nakatulog pala ako.
Tumayo siya at kinuha ang bag ko.
"Tara.." yaya niya.
"S-saan?"
"Lunch.."
Tanghali na pala, hindi na kami naka-attend ng klase.
Habang naglalakad kami pinagtitinginan na naman siya. Siya lang talaga, kasi as usual nasa likod lang niya ako.. sumusunod sa kanya.
Baka nagu-gwapuhan na naman sa kanya o baka dahil sa bandage niya sa noo.. o baka naman dahil.. dala niya ang shoulder bag ko?
Oo dala niya.. hindi ko nga alam kung anong nakain nito.
"Ako na ang oorder.." saad niya ng makarating na kami sa canteen, hindi na niya ako hinintay sumagot at nagdiretso na sa unahan ng pila, hindi naman umangal ang mga estudyanteng nasingitan niya.
Dapat pala palagi siyang nasusugatan para bumait..
Adobo, rice, graham, Chuckie and water ang inorder niya para sa'kin.
Lahat paborito ko, paano niya naman kaya nalaman?
Oo nga pala.. ito ang madalas kong inoorder baka natandaan niya lang.
"Hindi ka kakain?" I asked.
Coke-in-can lang kasi ang inorder niya.
"Wala akong gana.."
Tinaasan ko naman siya ng kilay.
Himala, dinedma niya ang spaghetti?
"What?" he asked then stared at me.
Natigilan naman ako.
*dugudug.. dugudug*
*dugudug.. dugudug*
*dugudug.. dugudug*
For the first time, tinitigan niya ako.
His eyes, kakaiba ngayon parang ang lungkot?
Natitigan ko na siya dati, pero emotionless.. blangko.
Bakit naman siya malulungkot?
"M-may problema ka ba?" I asked.
Umiwas naman siya ng tingin.
"Ang panget mo!" he said.
O_____O
Ano daw? Ako, panget?!
"Ikaw ang panget! Tsk, katangahan ang pinairal sa pakikialam sa gulo.."
"If that's your way of saying thank you, then, you're welcome.."
Sapol! Hindi pa nga pala ako nakakapagpasalamat.
"T-thank you"
Dinedma lang naman ako at kinuha ang bag ko at ginawang unan.
Matutulog na naman? Bahala siya.. basta ako kakain.
Susubo pa lang sana ako ng biglang..
"Beh!" humihingal na umupo si Abby sa tabi ko.. "Okay ka lang ba? Nabalitaan ko ang nangyari, may masakit ba sa'yo? Totoo bang sinampal ka ni Jas?"
"Ha? paano mong-----"
"Kanina pa kasing pinag-uusapan ng mga tsismoso't tsismosa at alam mo ba nakick-out na din sila kanina!"
"Talaga? Alam mo bang----"
"At Beh alam mo bang anak pala ni Mr. Kim 'yung nurse sa clinic? Teka, doon ka ba galing kaya hindi ka pumasok?"
'yun na nga ang sasabihin ko pero mukhang ayaw niya akong pagsalitain.
"Saka Beh, narinig ko rin na gumawa daw kayo ng eksena ni Floyd! Ang daming kinilig nung buhatin ka daw niya papuntang clinic.. grabe Beh, anong feeling?"
"Kasi Beh---"
"Beh, ang swerte mo talaga.. ano na? Bakit hindi ka magsalita dyan?"
Binatukan ko nga.
"Para san 'yun Beh?"
"Daldal mo.. ayaw mo akong pagsalitain.."
"S-sorry Beh, nadala lang.. oh game kwento na.."
"Sino ka?"
O____O – Abby
Mukhang ngayon lang niya napansin na may kasama ako.. sobrang daldal kasi.
"Ah-ah.. ako si Abby.. bestfriend ni—Krisha.." nauutal na turan nito.
Tumango naman si gangster at kinuha 'yung coke niya at uminom ulit.
"Gwapo ba ako?"
O_____O – kami ni Abby
"What? I'am just asking.." painosente namang wika nito ng mapansin ang reaction namin sa tanong niya.
"O-oo sobra." nakangiti namang sagot ni Abby ng makarecover.
Tumawa naman si gangster..
'yung tawang para ng walang bukas..
Halos lahat ng tao sa canteen natulala sa kanya.. 'yung iba sinamantala ang pagkakataon at kinuha ang mga cellphone nila, nagvideo at nagpicture.
Minsan lang kasi itong tumawa, madalas seryoso at nakasimangot.
kaya lang,
bakit naman ito natatawa, wala namang nakakatawa ah?
*dugudug.. dugudug*
*dugudug.. dugudug*
*dugudug.. dugudug*
Ano na naman Mr. Heart?
Ngayon mo lang ding siya nakitang tumawa? Epal ka na naman, kay Arvic ka lang DAPAT tumibok!
"I like you.." turan nito kay Abby ng tumigil na sa pagtawa. "Nakakatawa ka kasi.."
Namula naman si Abby at natulala.. crush niya kasi ito e. So, ibig sabihin.. MU na sila?
"That's why, from now on, we're friends.. here" then, kinuha niya ang pagkain KO at ibinigay kay Abby.
"Akin 'yan ah!" protesta ko.
"Kanina.. ngayon sa kanya na.."
"Bakit?"
"Bakit hindi? Ako naman ang bumili niyan.."
"ihhh, sabi mo sa'kin 'yun ah.."
"Psh.. ingay!"
Tapos ipinatong na naman niya ang ulo niya sa bag ko.
"ang sama sama mo!" turan ko.
"I know.." tugon naman niya..
Naiinis naman akong tumayo para bumili ulit ng pagkain.
Asar!
Ang sama sama sama sama talaga ng gangster na ito!