"Jackson!" Nai-usal ni Ella habang tigalgal na nakatitig sa mukha ng lalaki. Pinatsadahan nangtingin ni Ella ang kabuuan ni Jackson. Sa tantiya ni Ella ay kasing tangkad ito ni Finyx. Ang lapad ng balikat nito, ang mga braso nito ay parang kasing tigas ng bato. Halos pumutok ang kulay pulang polo long sleeve na suot nito sa laki ng braso nito. Hindi siya makapaniwala na ang dating Jackson na iniinsulto niya no'on. Ngayon ay sobrang gwapo na makinis ang balat nito at pati ang pisngi nito ay napaka pino. Noon pa man ay magandang lalaki si Jackson, mistiso, matangkad at medyo may kalakihan rin ang katawan. Iyon nga lang ay kulang sa ligo at napapabayaan ang sarili. Palibhasa kasi ay lumaking broken family kaya naging basagolero no'on, at tambay sa kanto ng kanilang barangay. "Yes, baby

