Sunod sunod na doorbell ang narinig ni Ella mula sa labas ng kaniyang unit. Tiyak na si Girly na'to dahil inutusan niya itong bumili ng pregnancy test kit. Alas otso na ng umaga at naririto sila ngayon sa condo unit ni Ella. Inabot ni Girly ang isang box ng pregnancy test kit kay Ella. "O, hayan isang box na, para kapag hindi ka pa satisfied sa resulta ulitin mo. Sige na pumasok ka na sa banyo at subukan mo dahil excited na ako maging ninang." Marahang tinulak ni Girly papasok si Ella sa banyo. Parang may drums sa loob ng dibdib ni Ella dahil sa lakas ng pagtibok ng kaniyang puso, daig pang tinatambol ang loob nito. Limang minuto ang hinintay ni Ella bago dahan-dahan iangat ang pregnancy test kit na hawak niya. Nanginginig pa ang kamay niya habang hawak ito. Ilang beses napalunok si El

