QUEESZHA'S P O V " Hello, babe! " matamis ang ngiting bati ni Shiloh sa akin nang makarating siya sa aming bahay after work, nakaupo ako sa sofa at busy sa panonood ng balita sa telebisyon. Sandali lamang akong lumingon sa kanya tsaka ko inirapan at ibinalik sa monitor ng telebisyon ang aking mga mata. Tumabi naman siya nang upo sa akin tsaka natatawang niyakap ako. " For you! I miss you, babe. " inabot niya sa akin ang isang bungkos ng iba't ibang klaseng bulaklak sabay kagat ng marahan sa aking tainga. " Babe! " kunwari ko naman siyang tinulak palayo dahil nakiliti ako, " Hmmpp! Ano 'to!? Suhol!? " galit- galitan ko namang wika nang mahawakan ang bigay niyang bulaklak " Medyo! " natatawa pa rin niyang wika tsaka niya ako niyakap at pinag hahalikan sa aking buong mukha. " Hhmmm!

