QUEESZHA'S P O V " Magandang Umaga po, Mama, Papa. " kiming bati ko sabay kuha ng kanilang kanang kamay at dinala ko sa aking noo. " Mag- bless ka rin, anak, kila lolo at lola. " utos ko naman kay Queensay, sinunod naman niya ako " Kaaawaan kayo ng Diyos! " " Akina nga ang aking apo, hmmm! Ang bango- bango naman niyang baby na 'yan! " binigay ko naman sa kanila sabay pinang gigilan nilang halikan sa leeg, kaya naman napapa bungisngis naman ito. " Kumain na po ba kayo? " usisa ko naman at dito na kami sa may terrace umupo para makapag- araw. Alam naman kasi nilang basta umaga ay nandito talaga kaming mag- ina. Kalahating oras lang naman, basta hindi pa masakit ang sinag ng araw sa balat. " Oo, tapos na. Eto nga pala ang kakanin, humigop na lamang tayo ng kape. " wika nama ng byen

