QUEESZHA's P O V " Hhmmm! Sarap! Na- miss ko ang ganitong luto mo! " nasasarapang sambit ni Poli sa ulam " Ipapa alala mo na naman ang lugar natin! " warning ko sa kanya habang kumakain na kami ng hapunan Naligo lamang siya pagka- out namin sa trabaho tsaka tumungo na rito sa bahay ko. Hindi na nahintay na dumilim ang paligid na dati niyang ginagawa. Kaya naman tinulungan na niya akong mag luto. Nilunok muna niya ang kinakain na nasa bibig bago sumagot, " Hindi mo naman iyon pwedeng iwasan o balewalain. Naging parte iyon ng buhay natin pareho, paano kung magkaroon tayo ng mga supling? Tapos tanungin nila kung saan tayo nagka kilala? O, ano ang isasagot natin? Tapos kayo naman ni Queensay, paano kung tanungin din nila kung sakali kung saan kayo tumira noon? " " Anak ka d'yan! " paira

