THIRD PERSON's P O V " Good morning, boss! " malaki ang ngiting bati ni Poli kay Queeszha na tila tinutudyo pa niya ito " Hhmmpp! Boss ka d'yan! " kunwaring pairap pang wika nito pero pigil naman ang pag ngiti " Ilabas mo na 'yang tawa mo at baka kung saang butas pa dumaan! " pabirong saad pa ni Poli sabay abot sa nobya ng isang bungkos ng bulaklak at isang tasa ng umuusok na kape " Thank you! " malaki na ang ngiting sambit ni Queeszha, namumula pa nga ang magkabilang pisngi niya na halatang kinikilig Ganoon pa rin kasi ang set up nila, umuwi na si Poli sa bahay nila madilim pa lamang kaya no'ng nagising siya kanina ay wala na ito sa k'wartong ginamit. Kaya rito na sa resort ang sumunod nilang pagkikita. " Bakit?! " natatawang usisa ni Queeszha sa kasintahan, magkaharap na sila s

