THIRD PERSON's P O V Natuloy nga ang pamamasyal ng mag- ina sa mall kinabukasan, hinayaan naman sila ng pamilya ni Queeszha na makapag- bonding na mag- ina. Pambawi na rin kasi iyon ni Queeszha sa anak sa halos isang taon nilang magka layo. Bago pa man sila umalis na mag- ina sa bahay ay dumating si Shiloh. Gusto man nitong sumama sa kanyang mag- ina ay hindi pumayag si Queeszha. Kaya kahit anong pamimilit niya ay wala siyang nagawa lalo na nang tumawag ng barangay tanod ang pamilya ng dating asawa. Napilitan siyang umalis kaysa nga naman Pulis pa ang magpa layas sa kanya sa bahay ng dating mga byenan. " Hhmmm! Ang sarap nitong ice cream, Mommy! Na- miss ko po ito! " naka ngiting sambit ni Queensay habang nasa isang ice creane house silang mag- ina " Wala bang ganyan sa lugar na tin

