QUEESZHA's P O V " Marami pong salamat at thank God, wala naman po palang problema! " mangiyak- ngiyak na sambit ko sa aking kausap, marami pa rin itong ibinilin bago tinapos ang aming pag- uusap. " Si Doc po ba na kausap natin kanina ang kausap mo, Mommy? " magalang na usisa ni Queensay pag harap ko sa gawi ng pinto Nandoon pala siya at nakatayo kaya sapantaha kong narinig niya ang iba naming napag- usapan ng doktor. Bahagya pa nga akong kinabahan. " Ehem! " pag- aalis ko muna ng bara sa aking lalamuna, " O- Oo, anak, w- wala ka naman daw sakit. " pina sigla ko pa ang tinig ko para hindi siya mag- alala. " Wala naman po talaga akong sakit e! " nagkanda haba pa ang ngusong tugon niya sabay salat sa leeg Akala siguro niya ay lagnat na sakit ang tinutukoy ko. Kaya mahina na lamang a

