QUEESZHA's P O V " Wow! Ang ganda nga rito! Sana mapanatili ninyo ang lugar na ito na tahimik at payapa. Para iyong mga nalulumbay ay makakita pa ng pwede nilang mapuntahan at makapag muni- muni. " bulalas kong wika kay Poli nang tumungo kami sa tabing dagat at maramdaman ng talampakan ko ang pinong buhangin na hinahampas ng mabining alon. " Oo! Kahit na kami na lang sa lugar na ito ang hindi pa nagbebenta ng property. " naka ngiti subalit bakas sa balbas saradong mukha niya ang lungkot " Huh!? Bakit!? Ang ganda nga e! Pwede itong i- develop na magandang resort! " tugon ko pa na may halong excitement, pansamtala ko ngang nakalimutan ang tungkol sa aking family problem. " Oo nga e! Iyan din ang balak ko. Ang mga katabi namin kasi rito ibinenta na nila ang kanilang mga lupain at ari- ar

