JARRED THREE YEARS AGO. "Daddy! Daddy!" "Hey, baby! Be careful," natatawang saad ko kay Jaime habang tumatakbo palapit sa akin. "Daddy, I missed you!" nakasimangot na saad niya. Mahina naman akong napatawa. Dalawang araw na hindi kami nagkita dahil may business trip ako sa Thailand. I already end up my career as a doctor. Mas pinili ko na lang asikasuhin ang mga negosyo ko and syempre kay Jaime. Mas gusto ko pa rin na hands on ako sa kan'ya. "I'm sorry, son. Babawi si Daddy. Pupunta tayo sa mall, and manood tayo ng sine." "Really? Yeheey!" Napangiti naman ako sa masayang mukha ni Jaime Will. Kahit alam kong anak ko ito kay Sheree, gumawa pa rin ako ng DNA test. Napagtalunan kasi namin ito ni Mommy. Ayaw niya tanggapin si Jaime. At lumabas na mag-tatay nga kami. But, after a w

