JARRED "Why did you come back? Para kunin ang anak ko?" diin na tanong ko sa babaeng hanggang ngayon, siya pa rin ang laman sa puso ko. "J-Jarred." "Kung balak mo kunin si Jaime Will, nagkakamali ka," Galit na saad ko rito. Lumapit naman sa akin ang kasamang babae ni Sheree. Tinanggal nito ang sumbrero, at humarap sa akin. "Tamari?" gulat na saad ko naman. Ngumiti lang ito sa akin. "M-Magkakilala kayo?" Tanong ko sabay tingin kay Sheree. Si Tamari naman ang sumagot. "Yes." "A-Aalis na kami," mahinang saad ni Sheree. "Bye, mommy!" Panay ang halik ni Jaime sa mukha ng kan'yang mukha. Humarap naman si Sheree sa akin. "Hindi ko siya kukunin sa'yo. Alam kong mas ligtas si Jaime sa piling mo, J-Jarred." Umiwas naman ako ng tingin. Huminga ako ng malalim at diretsong tiningnan ito sa

