SHEREE HINDI ko alam kung sinasadya ba na pahirapan ako ni Jarred o sobrang galit lang ito sa akin. "Bakit puro exotic food ang pinapakain mo kay Jaime Will?" Naiiritang tanong ko rito. Pinipigilan ko lang na Magalit o mainis sa kanya. Kagabi doon ako pinatulog sa baba na may papag na nakalagay naman. Tiniis ko ang mga lamok na panay ang kagat sa aking balat. Mabuti na lang, makapal ang kumot na ibinigay sa akin kaya hindi ako nakaramdam ng lamig. "Mas maganda na masanay siya sa buhay probinsya. At puwede ba, hindi nga nagrereklamo ang bata, at Ikaw pa panay ang dada!" "Paano naman magrereklamo iyon kung hindi rin niya alam kung ano ang mga pinapakain mo! For God sake, he's just only three, Jarred!" Gigil na sagot ko naman. "So, ikaw maghanap ng pagkain natin," aniya at tumalikod na

