SHEREE MASAYA na pinapanuod ko ang aking mag-ama habang nagtatampisaw sa tubig. Hindi naman kalakihan ang ilog dito pero napakalinaw at sobrang ng tubig. Dati na akong dinala dito ni Jarred. "Mommy, come here!" Sigaw ni Jaime habang nakipagaharutan sa kanyang ama. Nginitian ko lang ito. Tumayo ako at hinubad ang suot kong pajama. Hinubad ko na rin ang aking t-shirt. Nahagip agad ng aking tingin si Jarred na nakatitig sa akin. Lumusong na ako sa tubig at sinakay ko sa aking likuran si Jaime. "Yeyyy!" Tuwang sigaw ng anak ko habang nakayapos ito ng mahigpit. "I like it there!" Turo sa akin ni Jaime. "Okay," natatawang umahon na kami. Habang naglalaro sa tabi si Jaime, nagpatuloy naman ako sa pagligo. "J-Jarred!" Nagulat pa ako dahil bigla lamang sumulpot sa aking harapan si Jarred

