Don't stray
Don't ever go away
I should be much to smart for this
You know it gets the better
Of me sometimes
When you and I collide
I fall into an ocean of you
Pull me out in time
Don't let me drown
Let me down
I say its all because of you and here I go
Nanggagalaiti akong pumasok sa loob ng aking kwarto. Ano ang gusto niyang iparating? Isa pa, masiyado siyang bulgar! How could he say those words to me? Easily f**k with her? With Milliecent? Mas Malala pa siya kay Andra pagdating sa kabulgaran! Bipolar siguro ang lalakeng iyon! Kung minsan ay kay bait minsan naman ay napakasungit! Ibang-ibang siya kay Theo! Teka? Bakit ko ba siya ikinukumpara? Magkaiba talaga sila ano! Sa uagali pa lang! Oo pumasok ako sa kwarto ni Theo pero kagustuhan ko iyon at isa pa we just cuddled gaya nga ng sinasabi ni Andra! Bahala siya sa buhay niya!
Mabilis lang lumipas ang bakasyon at malapit na naman ang pasukan. Pero bago iyon ay tutulong muna si Daddy na ikampanya ang kaibigan niyang kandidato na si Tito Nelson bilang konsehal. Hindi na sana ako sasama pero dahil wala naman akong ginagawa sa bahay ay sumama na rin ako sakanila. Ate Annika on the other hand stayed at home and invited some of her friends that I am not familiar with.
"Nga pala Aina, you are closed with the Valentino's right?" nagulat ako sa tanong ni mommy habang nasa sasakyan kami.
"Yes, Mommy. Why?" kuryoso kong tanong.
"I think they'll be there? You are aware that we we're block mates back then right? Nabalitaan yata ni Emiliana na may kampanya kami sa bayan. She immediately asked if I want to have celebrities para mas maraming tao ang manood. Of course I said yes!" mommy happily said.
I just nod. Napakabait naman ni Tita Emiliana. Siya pa talaga ang nag-alok na magpadala ng mga artista para sa kampanya. Sasama kaya si Andra? Si Theo kaya?
Hinugot ko ang aking cellphone at nagtipa.
Ako:
Sasama ka sa campaign?
Mabilis naman sumagot si Theo.
Theo:
Gusto ko. Kasi alam kong nandon ka. Pero inutusan ako ni Mama bigla. Tsk!
Napangiti ako. Naiimagine ko tuloy siya na nakakunot ang noo at seryoso ang pagmumukha. Nanginig muli ang aking cellphone kaya sinilip ko ito agad.
Theo:
I miss you so fuckin' much.
Aina:
No need to curse! I miss you too.
Nakangiti kong binalik ang aking cellphone sa aking purse. Nakasuot ako ng campaign shirt na medyo maluwag sakin kaya binuhol ko ito sa gitna. Tinernohan ko lang ng ripped jeans at white sneakers. Pinusod ko ang aking mahabang buhok at nagsuot lang ng headband para hindi kumawala ang mga takas na buhok. Makailang beses na rin kasi akong nakasama sa kampanya nila Daddy kaya alam ko ang dapat sinusuot sa ganito. Mainit at magulo kaya hindi uubra kung magbestida pa ako.
Naunang bumaba ang mga security guard para aligiran ang paligid ng lugar at ng sasakyan. Maging sa pagbaba namin ay pinalibutan kami ng mga naglalakihan at nagtatangkaran na body guards. Ilang minuto lang ay sinugod na kami ng mga residente ng barangay. Ang aming lokasyon ay sa isang covered court ng pambublikong eskwelahan.
Ibang-ibang ito sa Alberta kung saan kami nag-aaral. Makaluma na at sra-sira ang ibang parte ng paaralan. Halatang ilang bagyo na ang naranasan nito. Ito ang gustong tutukan nila Daddy kaya lang ay mas nagfofocus siya sa mga malalaking issue na kinakaharap ng Alberta gaya ng droga at korupsiyon . Kaya ng malaman niya na tatakbo si Tito Nelson at isa ito sa mga plataporma niya ay walang pagdadalawang isio niya itong sinuportahan.
Dinumog kami ng mga residente dahil sa relief na aming dala at sa ilang mga tao na gustong humingi ng tulong pinansiyal kay Daddy. Ganito naman palagi kapag kampanya. Kailangan naming gumawa ng paraan para iboto kami ng tao. Hindi kailanman nagbigay ng pera si Daddy bilang relief dahil ayaw niyang mabalita na nanunuhol siya para sa boto. Mas gusto naming ang pagkain o damit na talagang mapapakinabangan ng mga residente.
May isang tent na nakalaan para samin. Sa labas 'non ay mga body guards din naman na nakabantay. Maya-maya pa ay may tatlong sasakyan na dumating. Isang delivery truck, isang malaking van at isang magarang sasakyan. Pinapayungan lang kami ng isang katulong dahil sa sobrang katirikan ng araw.
"That truck contains the relief donations of the Valentino's." rinig kong bulong ni Mommy kay Daddy kaya hindi ko na kailangan ko pang magtanong.
Nagtilian naman ang mga tao at alam ko na kung bakit. Sa isang itim na van lumabas ang sikat na mga artista. Si Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
"Mom! Dad! Is that really KathNiel? Oh my God!" halos pahisterya kong sabi.
"Yes anak, kailangan ay sikat na artista ang ibigay nila para dagsain tayo ng tao. Don't worry you'll get to take a photo with them later." Nakangiting sagot ni Daddy.
Hindi ko alam na dadagsa pa talaga sila ng Alberta para rito. Sabagay, kung si Tita Emiliana ang nagsabi ay wala silang magagawa kung hindi ay mawawalan sila ng trabaho. Dumiretso muna sila sa tent nila dahil hindi pa sila ang magtatanghal.
Inabutan naman ako ng isang volunteer ng buko juice dahil sa uhaw ay agad ko itong ininom. Unang bumaba sa magarang sasakyan si Tita Emiliana. Inalalayan siya ng kaniyang body guards. Halos mabuga ko naman ang iniinom na buko ng lumabas sa back seat ang hindi ko inaasahang sasama sa ganitong klaseng pagtitipon.
I-it's Thiago!
Nanlaki ang aking mata! Bakit siya pa?
Iniba ko ng direksyon ang aking mata nang makitang papalapit sila sa aming gawi. Pero hindi nakatakas sa aking porma niyang angat sa lahat. Kung hindi ko siya kilala ay mapagkakamalan ko siyang kabilang kina Daniel Padilla eh. Nakasuot siya ng itim na Lacoste polo shirt at faded slim fit jeans na tinernohan ng Adidas shoes. Hinagod niya ang kaniyang buhok gamit ang kamay bago tinanggal ang itim na shades. Kala mo commercial model! Teka bakit ko ba siya tinititigan?
"Emiliana!"
"Anthelma!"
Our mother's dramatically exchanged hugs and kisses. Hindi ko sila masiyadong binigyang pansin dahil ayaw kong makasalubong ang mga mapanuri at nakakainis na mata ni Thiago.
"Thank you so much for your donations and for the celebrities you got me! I owe you big time!" rinig kong sabi ni Mommy.
"That's not a problem! Para naman wala tayong pinagsamahan kung makapagsalita ka!" at nagtawanan pa sila.
Nakita ko sa bandang dulo na namimigay na ang ilang volunteer ng mga relief goods. Para mawala ang atensyon ko sakanila ay nagpaalam ako kay Mommy na tutulong ako. Pinayagan naman niya ako kaya mabilis akong pumunta roon.
Isa sa mahirap kapag ganito ay ang pagkakataon na nag-aagawan at nagkakagulo ang mga tao para lang mabigyan sila. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil kung mahirap naman talaga ang pamumuhay nila ay mag-aagawan talaga sila sa kung ano ang maibibigay namin.
"Nako, Miss Alaina!" gulat na sabi ng isang volunteer.
"Pinayagan ako nila mommy, ate." Kinindatan ko lamang siya.
Kumuha ako sa isang malaking kahon na naglalaman ng mga supot. Medyo mabigat rin ito gawa ng may lamang bigas at delata. Nasa tabi naming ay barricade kung saan nasa labas ang mga nakapilang mga tao.
"Ate! Ate! Penge na kami niyan kanina pa kami nakapila dito eh!" nataranta ako sa aking narinig.
Nillingon ko ang payat at agresibong lalake na pilit akong inaabot.
"Ah.. Kuya... You'll have yours when your turn comes.. Uh-"
"Huwag mo na kaming inglesin amin na yan!" nagulat ako ng hablutin niya ang braso ko para abutin ang plastic na hawak ko.
Napapikit ako sa higpit ng pagkakahawak at pagkabigla sa nangyari. Sa gulat ko ay hindi ko na namalayan ang biglang sulpot na si Thiago. Hinawakan niya ang kamay ng lalake at ramdam ko na mahigpit yon dahil sa pagkakalukot ng mukha nito.
"A-aray!" inda nung lalake. Nanumbalik ako sa ulirat ng makitang parang tinatanaw kami ng aming mga magulang.
"Thiago! Tama na yan! We're making a commotion here! Baka makaapekto sa campaign!" mariing bulong ko sakaniya habang nakahawak sakaniyang braso.
Nagtagal ang kaniyang nanglilisik na mata sa lalake bago marahas na bitawan.
Nakahinga ako ng maluwag ng bumitaw rin siya. Lukot pa rin ang mukha ng lalake at hinihimas ang palapulsuan. Parang pansamantalang tumigil ang ang daloy ng dugo niya ah.
"It's either all of you will wait for your turn, or you will not get anything at all. You choose." mariin niyang ingles na ikinatahimik ng kaninang magulo na residente.
Nagulat naman ako ng bumaling siya sa akin. Hindi ko tinagpo ang kaniyang mga tingin. Ayaw ko nga! Matapos ng mga sinabi niya kagabi susulpot na lang siya basta dito?
"Dito na ako sa relief goods. Dun ka na sa mga bata para mamigay ng school supplies." inis ko siyang nilingon.
"At bakit kita susundin? Ako ang anak ng nangangampanya! Kaya-"
"Kung ayaw mo talagang magkagulo ulit dito at masira ang kampanya na 'to. Susunod ka sa gusto kong mangyari." mariin at nakangisi niyang sabi.
Umirap na lamang ako at tinalikuran siya roon. Pumunta na ako sa mga nakapilang bata na naghihintay na mahandugan ng mga gamit sa eskwela. I can't believe I lose over him again! Nakakainis talaga siya!
Pagod, pawis at gutom akong bumalik sa tent. Nakakapagod talagang mamigay lalo kapag mahaba ang pila. Umupo ako sa isang monoblock chair at tumapat sa electri fan para mapreskuhan. Humingi rin ako ng isang malamig na mineral water sa isang volunteer at agad itong nilagok. Pinahiran ko ang pawis sa aking noo. All in all I was really happy that I helped.
Kasalukuyan akong umiinom ng may naglapag ng styro sa aking harapan. It was him again! Bakit ba kung nasaan ako nandito siya?
"Eat." tipid niyang sabi sabay hila rin ng upuan at tumabi sa akin.
Kaswal niyang binuksan ang kaniyang pagkain at sumubo ng ilang beses. Nang makita niya sigurong hindi ako gumagalaw ay saka niya ako binalingan.
"Ano yan?"
"Can't you see? Ampalaya with egg." sarkatisko niyang sabi sabay sumubo ulit.
"I don't eat vegetables!"
"And so? You have no other options. Kakain ka o papakainin kita." ngisi niya bago sumubo at uminom.
Tinignan ko ang pagkain sa styro niya. Kumakalam na rin naman ang sikmura ko. I am not really picky about food I just want to piss him but as if I have a choice right?
Binuksan ko na rin ang aking styro at kumain ng tahimik.
It was not... bad at all.
"Oh! Bakit dito na kayo kumain? Pwede naman tayo dumaan sa resto!" napabaling kami sa magkakasama na aming magulang sa b****a ng tent.
"Gutom na kami, Ma." tipid na sagot ni Thiago.
"Oh siya, pagtapos niyan ay dumiretso na kayo sa kotse para makauwi na tayo. Alaina, you can join your at Tita Emiliana's car since Nelson and the team will be joining us." hindi na ako nakapagprotesta sa sinabing iyon. Wala naman akong choice.
Ang driver at si Tita Emiliana sa harapan samantalang ako at si Thiago sa likuran. Halos isang dipa ang layo naming dalawa. Ayaw ko ngang dumikit sakaniya! Kung sana ay si Theo ang nandito eh di sana mas naging masaya. Namimiss ko na si Theo. Dadalaw ulit ako sakaniya bukas. Hay.
Sa pagod ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Kumportable akong nakatulog kahit sa aalog-alog na dinaanan namin kanina. Unti-unti kong dinilat ang aking mata. Napakunot ang aking noo dahil sa hindi pamilyar na panlalakeng amoy. Napabalikwas agad ako!
Nakatulog ako sa balikat ni Thiago!
"May laway ka pa oh." panunuya niya.
Umirap lang ako saka humiwalay sa pagkakasandal sakaniya.
Nang makarating sa mansyon ay humalik ako sa pisngi ni Tita Emiliana bago bumaba. Hindi ako nagpaalam kay Thiago. Bahala siya.
Chineck ko ang aking cellphone para sa anumang mensahe sana na galing kay Theo pero wala. Namimiss ko na talaga siya. Ganito pala kapag may kasintahan pero tago. Kailangan mong maghintay kung kailan kayo magkikita ulit. This is driving me insane.