Chapter 15 - My Heart

2841 Words
I am finding out that maybe I was wrong That I've fallen down and I can't do this alone Stay with me This is what I need please Kinaumagahan ay sabik si Aina para dalawin si Theo. She couldn't wait anymore for another day not to see her beloved. Pababa siya ng hagdan ng maabutan niyang pinagagalitan ang kaniyang Ate Annika sa bandang b****a ng kwarto nito. "Uwi ba ba ito ng matinong babae ha Annisia Katarina?" sigaw ni Mayor Virgilio sa anak na umaga na umuwi dahil galing sa party. "I'm sorry dad. Umulan lang po talaga kagabi kaya nahirapan akong makahanap ng cab and wala ring signal-" nagtaas ng kamay si Mayor Virgilio bilang pag-amba ng sampal mabuti na lang at pinigilan siya ng kaniyang asawa. "Virgilio! Tama na yan! Ang puso mo!" pag-awat ni Anthelma sa asawa. "You are grounded! Hindi ka makakalabas ulit hangga't hindi ko sinasabi! Mag-vovoice at piano lessons ka bilang parusa! Naiintindihan mo?" sigaw pa nito na umalingawngaw sa buong mansion. Iniwas na lamang ni Aina ang tingin doon at mas piniling tahimik na bumaba ng hagdan. Naaawa siya sakaniyang ate pero wala naman siyang magawa. Magagalit pa ito sakaniya kapag nagpakita ito ng pag-aalala. Nagpahatid siya sakanilang driver patungo sa mansion ng mga Valentino. Hawak ang isang box ng cake ay nakangiti siyang sumilip sa gate ng mansion. "Hello po. Sino pong nandiyan?" tanong niya sa mga guwardya. "Ikaw ba yung girlfriend ni Sir Theo?" tanong nito kaya agad naman siyang pinamulahan ng mukha. "Ah, opo. Nandiyan po ba siya?" "Opo, Mam! Kumpleto ang magkakapatid diyan! Wala nga lang yung sina Donya Emiliana. Tuloy po kayo!" pinagbuksan siya ng gate kaya masaya naman siyang pumasok sa loob. Dirediretso siyang naglalakad sa loob at agad na lumawak ang ngiti ng makasalubong si Andra na kalalabas lang ng kusina. Kakawayan niya sana ito ng mapansin na nakasimangot ang kaibigan. "Andra!" "Andra! Huy!" ulit niyang tawag sa nakatulalang kaibigan. Doon niya palang naagaw ang atensyon nito. "U-uy! Nandiyan ka pala..." bakas ang tamlay sa boses nito. "Is there something wrong, Andra?" kuryosong tanong ni Aina. Nagdadalawang isip man ay hindi na napigilang maluha ni Andra. "Anong nangyari?" nag-aalala niyang tanong. "Aina, kausapin mo naman si Kuya Theo. Kagabi pa nagmumukmok sa kwarto niya. Ayaw kumain, ayaw lumabas o makipag-usap sa sino man samin kahit kay Kuya or Mommy. Baka sakaling mapabago mo isip niya." Patuloy pa rin ang iyak ni Andra. "Sige, ako na bahala. Wag ka ng umiyak." Pagsamo niya rito habang hinhagod ang likuran nito. Tinalikuran na ni Aina si Andra at nagmamadaling pinanik ang grand staircase. Hindi na siya kumatok at basta na lang binuksan ang pinto. Naabutan niya si Theo na nakaupo sa kama at nakayuko. Nakatukod ang siko sa dalawang tuhod na tila malaki ang dinadalang problema. Hindi na siya nagpatumpik pa at agad na lumapit kay Theo at lumuhod sakaniyang harapan. "Theo! Anong nangyari? Ayos ka lang ba? Hindi ka pa raw kumakain simula kagabi? May problema ba?" Bumuntong hininga na lamang si Theo at malungkot na nginitian si Aina. She cupped Aina's face and slowly planted a kiss on her lips. Napapikit na lamang si Aina ng magdampi ang labi nilang dalawa. She didn't expect it pero hinayaan niya na lang. Bakas ang lungkot sa halik ng lalakeng mahal niya. "Ano bang problema?" malungkot at nag-aalalang tanong ni Aina matapos nilang mahiwalay sa halik. "Namiss kita..." marahang sambit ni Theo. He gently reached Aina's hands and made her seat beside him. "Ano ba kasing problema?" tanong muli ni Aina pero hindi siya nito sinagot bagkus ay nilagay lamang ang kaniyang mukha sa balikat ng dalaga. "Wala, Namimiss lang kita." Bulong nito sa tenga niya. "Talaga?" Tumango lamang ito at niyapos lamang si Aina. Deep in her heart, She knew there is something wrong with Theo. Hindi siya sanay na matamlay ito at may dinaramdam. Sakanilang dalawa ay siya ang palaging nangunguna sa relasyon, kaya naman hindi siya mapakali dahil alam niyang may itinatago ito sakaniya. "Kung talagang wala, bumaba tayo para kumain. Ipagluluto kita." Nginitian ni Aina si Theo. "I would love that." Kahit papano ay nasiyahan naman si Aina dahil napapayag na niya si Theo para kumain sa dining. Bilang kapalit ay ipagluluto niya ito kahit simpleng putahe siguro? Hindi siya masiyadong marunong dahil may tagaluto naman sila sa bahay pero madali lang naman ata basta may internet? Nang makarating sila sa kusina aliw na tinignan ni Theo ang dalaga. Kahit papaano ay nawala ang bigat na kaniyang nararamdaman. Sa sitwasyon niya ngayon alam niyang si Aina lang ang makakapagpasaya at makakapagpagaan ng pakiramdaman niya. "Hmm. Diyan ka lang sa counter top, okay? Panoorin mo lang ako!" nakangiting bida ni Aina sa sarili. "Sigurado kang kaya mo?" mapanuyang sabi ni Theo. "Aba! Minamaliit mo ako ha! Watch me!" mayabang na sabi naman ni Aina. Tumalikod na ito at nagtungo sa refrigerator at maghanap ng sangkap para magluto. She scan what's inside and found a lot of varieties. Ang problema lang ay hindi niya alam kung ano ang lulutuin. Ano bang pinaka-madali? Adobo kaya? That's much easier right? Binuksan niya ang freezer at kumuha ng manok. Hinugasan niya ito ay nilagay sa isang bowl para mapainit sa microwave. Matapos 'nun ay nagsimula na niyang isearch ang ingredients at procedure. Nakahanap naman siya ng pinakamadaling tutorial sa youtube. Nilagay niya ito sa mataas na parte ng kusina para maayos niyang mapanood ang video. Sinilip niya si Theo sa counter top na nakapalumbaba at nakatingin lang sakaniya. "Sigurado ka bang kaya mo? I can cook instead." Nakangiting sabi ni Theo. "Ako na ngang bahala!" kinindatan ni Aina si Theo at saka tumalikod para isuot ang apron na nakasabit. Ang sabi sa tutorial ay maghiwa muna ng sibuyas at bawang. Tapos sunod ay i-chop ang manok para pakuluan. This is quite easy, Saad niya sakaniyang isipan. She chopped the onion and garlic bigger than the usual slices. Wala naman kasi talaga siyang alam sa kusina kaya bara-bara ang paghiwa niya pero akala niya ay ayos na iyon. Sunod ay nilagyan niya ng tubig ang kaserola kasabay ng mga hiniwang manok Punong-puno ito at halos umapaw na sa dami. Tahimik lang naman siyang pinanonood ni Theo. Gusto niya ng pakialaman ni Aina pero ayaw niya naman magtampo ito. He knew she's not used of doing these kind of things but he could see she's really trying. "Kaya pa?" pang-asar ni Theo. "Oo naman noh!" kahit hindi na siya sigurado ay um-oo na lang siya. Lumabas muna si Theo para kuhanin ang naiwang gamit ni Aina sakaniyang kwarto. Abala siya sa panonood ng video tutorial kaya hindi niya napansin na umapaw na ang tubig na kanina niya pa pinakukuluan. "Oh my god!" natataranta niyang sabi. Dinaluhan niya ang nagkalat na tubig sa may gas stove. Natatarantang pinatay ang tubig, umapaw na ito pati ang mga karne ay nagkalat na sa sahig at paligid ng stove. "Hala!" halos mangiyak niyang sabi. Akmang hahawakan niya ang kaldero ng wala man lang pot holder o basahan ngunit bago pa man siya mapaso at malapnos ang balat ay may marahas na humila sakaniyang braso. "Ano bang ginagawa mo??!!" halos maputulan ng ugat si Thiago sa galit. "Th-thiago... Ano... Kasi... I'm trying to cook here. Kaso nagfail eh, hindi ko napansin na-" "Ano ba kasing alam mo sa pagluluto? Why do you always barge into things that you do not know and end up messing it?!" napalunok na lamang si Aina para pigilan ang namumuong luha sakaniyang mata. "Kuya!" napalingon silang dalawa sa nakakunot na noong si Theo. Mabilis niyang dinaluhan si Aina at pinunasan ang luhang tumulo sakaniyang mata. "Are you alright?" marahang tanong ni Theo. Tumango lamang si Aina. Binalingan niya naman ang kaniyang kapatid. "Umalis ka na, kami ng bahala rito." Nakatitig lamang si Thiago sa nakayukong si Aina samantalang si Theo ay mariin ang tingin sakaniyang kuya. "Anong nangyayari bakit kayo sumisigaw?" sumilip na rin si Andra at nilapitan ang kaibigan. "Si-sinubukan ko kasing ipagluto si Theo. Kaso hindi ko napansin na kumulo na pala ng sobra yung tubig. Umapaw tuloy pati yung mga manok nagkalat na sa sahig."dismayadong paliwanag ni Aina. "Kasi nga hindi mo alam ang mga ganitong bagay!" sigaw muli ni Thiago. "Sabi ng tama na kuya!" ngitngit na sambit ni Theo. "Tss." Inis na sabi na lamang ni Thiago sabay tinalikuran na silang tatlo. "Hay! Huwag mo ng isipin yun, Aina. Grumpy naman talaga si Kuya. Kay Millie lang mabait yun. Order na lang tayong pizza?" nakangiting sabi ni Andra. "That's sounds great, Tawagin mo na lang sila manang para linisin ito." Tumango naman si Andra sa utos ng kaniyang kapatid bago umalis. Hinarap ni Theo si AIna at hinawakan sa magkabilang balikat. "You sure you okay? What else did he said?" umiling lamang si Aina. "Ayos lang, Theo. Kasalanan ko naman. Wag ka ng magalit sa Kuya mo. Sulitin na lang natin itong oras na magkasama tayo." Pilit ngumiti si Aina. Napaisip si Aina at inalala kung paano siya galit na hinablot ni Thiago kanina. Nakita niya sa mga mata nito ang galit at inis dahil sa ginawa niya. Hindi niya naman sinasadya iyon pero kung makapagreact ito ay kala mo ano na ang ginawa niya! Kahit kailan talaga ang lalakeng iyon! Hinding-hindi niya makakasundo! Bilib na siya kay Milliecent kung paano natagalan nito ang ugali niya! Nanatili silang tatlo sa kwarto ni Andra nang dumating na ang pizza na inorder nila. Nag-set up sila ng projector at nanood ng movie. Nakaupo si Andra sakaniyang malaking beanie bag samantalang ang magkasintahan naman ay nakaupo sa couch. Nakahilig si Aina kay Theo at nakaakbay sakaniya. Sumapit ang gabi, natapos na nila ang movie. Si Andra ay nakatulog na sakaniyang higaan samantalang nananatiling gising sina Theo at AIna. "Where's Frankie by the way?" tanong ni Aina. "Nasa vet, iniiwan namin siya nila mommy dun for grooming. Tara sa garden?" aya ni Theo na sinangayunan ni Aina. Humiga ang dalawa sa sun lounger at tumingala sa nagkikislapang bituin sa langit. Ang repleksyon ng tubig sa buwan ay nakakadagdag liwanag pa sa kabuuan ng gabi. Kumuha ng malaking scarf si Theo at binalot kay Aina. Nakahiga si Aina sa dibdib ni Theo habang nakabalot naman ang mga braso nito sakaniya. Their fingers are intertwined like they don't want to be away with each other. "Aina..." he whispered. "Hmm..." "If one day I'd be far from you, would you still love me like this?" seryosong tanong ni Theo. Akmang mag-aangat ng tingin sakaniya si Aina pero pinigilan niya ito. "Huwag mo na akong tignan. Matotorpe ako niyan eh." Malumanay na sabi nito. Aina chuckled. "Hmm... If one day you'd be far from me? Siyempre naman mamahalin pa rin kita. Distance doesn't define love. Kahit malayo ka, kahit wala ka na sa tabi ko, even I can no longer touch you. Dahil kahit naman malapit ka o malayo, you will always have my heart, Theo." Everything's new to her when she's with Theo. "Same with me, Aina. Always know that wherever I go. No matter how far it is. You will always have my heart." namamaos na sabi ni Theo. Ang matutong umibig at ibigin pabalik ay isa sa mga hindi pinagsisisihan ni Aina'ng nagawa sa buong buhay niya. Theo on the other hand felt guilty. Hinayaan niyang mahalin siya ni Aina gayong ngayon ay nalaman niya na wala pala siyang sapat na kakayahan na alagaan siyang mabuti. Kinaumagahan ay enrollment day na. Si Andra at Aina ay incoming Grade 9 students na kaya may usapan silang sabay mag-eenroll. "Si Theo?" bungad ni Aina kay Andra kaya sumimangot naman ang kaibigan. "Si Kuya agad? Magkasama lang kayo kahapon ah! Hindi mo man lang ako kamustahin! Parang nagsisisi na ako na pinush ko kayong dalawa." tampo kunwari ni Andra. Tumawa lamang si Aina at pabirong hinila ang buhok niya. "Sira. Sabi niya kasi ngayon din siya mag-eenroll." "Ngayon nga, sila ni Kuya Thiago. Nasa Business Ad building lang ang dalawang yun. Oh baka kasama ni Kuya Thiago si Millie? Ewan ko. Nandito na rin ba ate mo?" tanong ni Andra bago isinakbit ang kamay sa braso ni Aina. Patuloy na silang naglakad tungo sa pasilyo papuntang registration office. "Oo, sabay kaming nagpunta rito. Kasama na siguro niya si Brad." "Kamusta pala siya? Medyo tahimik siya sa social media lately. Madalas kasi siya magpost ng selfies or pictures nila ni Kuya Brad. Kaya medyo, nakakapanibago." patuloy ni Andra. Naalala ni Aina kung paano pinagalitan ng kaniyang Ama ang ate niya. Ayaw niyang ikwento ito kanino man dahil mapapahiya siya panigurado. "Ah... Ayos lang siya. Focus lang kasi siya sa piano lessons niya lately." hilaw na tumawa si Aina. Nagkibit balikat lang ang kaibigam niya. Maayos naman nakapag-enroll ang dalawa ng biglang tumunog ang cellphone ni Aina. Theo: Locker area. Meet me here. Sumilay ang ngiti sa labi ni Aina. Mabilis niyang nilapitan ang kaibigan na kasalukuyang nakikipag-usap kay Javier. "Andra! Punta lang ako kay Theo!" sigaw nito sa kaibigan sabay takbo. Lakad takbo ang ginawa niya para makarating sa locker area. Madadaanan ang lumang music room kung saan niya nakita noon si Thiago. Nilingon niya ito at tinatak na pumasok roon mamaya. Napangiti siya ng natanaw si Theo na nakasandal sa puno. Nakapamulsa ito at ang kulay tsokolate nitong buhok ay kumikinang kapag nasisikatan ng araw. "Theo!" sigaw niya at tumakbo papalapit sabay yakap. Hindi siya niyakap pabalik nito kaya bahagya siyang natigilan. Tinignan niya ang lalake at ngumiti padin. "Kanina ka pa rito?" masaya niyang tanong. "Not really." pilit na ngiti naman ni Theo. "Oh. Tara don sa may plaza? May kainan daw na bago-" pinadausdos ni Aina ang kamay sa palad ni Theo para hawakan. Hindi gumalaw si Theo sa kinatatayuan niya kaya napalingon na si Aina. "May problema ba?" "There is something I need to tell." seryosong sabi ni Theo bago binasa ang kaniyang labi. "A-ano y-yon?" takang tanong ni Aina. "Let's cool-off." matigas na sabi Theo. Cool-off? Pamilyar siya sa salitang yan. Nadidinig niya si Andra kapag nagkekwento na madalas siyang nakikipag-cool off sa mga lalakeng pansamantalang nagiging kasintahan niya. Iyon bang pansamantala siyang makikipaghiwalay at babalikan niya ito kapag naisipan o kaya naman ay hindi na babalikan. Ang iba ay nakikipag-cool off para makapag-isip at malinaw ang isipan. "A-ano? J-joke ba yan? Haha. Oo na! Nakakatawa na! Halika na-" hahawakan sanang muli ni Aina ang kamay niya ngunit iniwas niya ito. "I am serious, Aina." malungkot siyang tinignan ni Theo. "P-pero bakit? We were so sweet last night. Anong..." "Sa Manila ako pinag-aaral ni Mama sa college. Sabi niya ay kung gusto ko raw mag-take over sa V Entertainment ay sa doon ako mag-aral." paliwanag ni Theo. "Oh ano naman? Anong kinalaman non sa relasyon natin?!" nangilid ang luha sakaniyang mata. "The reason is, I want this to take seriously Aina. Palaging si Kuya Thiago ang nakikita kong ineenganyo nilang humawak sa negosyo. Ako, gusto ko rin. Kaya ngayon binigyan ako ni Mama ng option ay ayaw palagpasin. At tingin ko, magiging destruction itong relasyon nating dalawa." malungkot na sabi ni Theo. Parehas silang naluluha na. "A-ano? Destruction?" halos nanghihinang sabi ni Aina. "I'm... I'm so sorry-" isang malakas na tulak ang ginawa ni Aina kay Theo. "ANG KAPAL MO! PINAHULOG MO AKO SAYO TAPOS SASABIHIN MO DESTRUCTION AKO? KAYA KO NAMAN EH! KUNG AALIS KA PWEDE NAMAN YON DIBA? LDR NGA TAWAG NILA DON EH! KAGABI LANG HALOS AYAW MONG HUMIWALAY SAKIN! TAPOS GANYAN? NAPAKABABAW NAMAN NG PAGMAMAHAL MO NA YAN!" sigaw ni Aina sabay palis ng luha. "Aina-" Theo reached for her but she turned her back and runaway. Mabilis siyang tumakbo at pumasok sa lumang music room. Kumalabog ang pinto ng sinandal niya ang sarili doon at pinadausdos ang sarili pababa habang umiiyak. Hikbi at hagulgol ang umaalingawngaw sa buong silid. Nilukot niya ang kaniya dibdib dahil sa labis na sakit na kaniyang nararamdaman. Ganun kadali lang bang bitawan siya? Akala niya ay puro saya lang ang pagmamahal. Nagkakamali pala siya. Nanghihina man ay pilit siyang tumayo at lumapit sa may piani at umupo sa may tapat non. Andito pa rin ang Begonia na nilagay niya. Hindi pa lanta at tila palaging nadidiligan. Sino naman kaya ang pupunta sa lugar na ito bukod sakanila ni Thiago. Panay pa rin ang hikbi niya ng biglang umingit ang pinto ay niluwa si Thiago. Umusbong ang galit sakaniyang sistema kaya galit niya itong sinugod. "Umalis ka!" sigaw niya. Kunot noo siyang tinignan ni Thiago. "Dahil sayo! Aalis na si Theo! Dahil sayo iniwan niya ako! Dahil pabida ka! Inaagaw mo ang pagkakataon na dapat sakaniya!" humagulgol siya at napaupo dahil sa labis na pag-iyak. Taka man sa sinabi ni Aina ay niyuko niya ito ay sinilip ang basang mukha dahil sa luha. "Walang sapat na dahilan para mang-iwan kung talagang mahal ka ng isang tao." tinaliman siya ng tingin ni Aina. Dumukot si Thiago sakaniyang bulsa at saka iniabot kay Aina. Agad naman itong hinablot ni Aina para punasan ang luha at sipon. She can't believe that she already experienced her first heartbreak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD