I'm out of touch, I'm out of love
I'll pick you up when you're getting down
And out of all these things I've done I think I love you better now
Isang gabi ay nagsimula ng mag-impake si Theo ng mga gamit tungo sa Maynila. In few days he will go there and study further the business of their family. Nang may kinuha siya sakaniyang cabinet ay isang maliit na kahon ang nalaglag. Dinampot niya ito at hinawakan. Umupo siya sakaniyang kama bago tinanggal ang laso na nakapalibot rito. Binuksan niya dadah-dahan ang asul na kahon.
Isang kumikinang na kwintas ang laman ‘non at may nakalagay na letrang “T” bilang pendant nito. Ireregalo niya sana ito kay Aina para palagi siya nitong maaalala.
Napapikit siya ng kumirot ng matindi ang kaniyang ulo. Ininda niya ang sobrang sakit. Ayaw niya mang umalis ay kailangan. Para sa negosyo nilang matagal niya ng pinapangarap na mahawakan. At para sakaniyang sarili.
After knowing the truth about his condition he realized that he can’t love Aina like this. Hindi deserve ni Aina ang lalakeng mamahalin siya ngayon pero iiwan rin siya kalaunan. Kung nalaman niya lang ng mas maaga ay sana hindi niya na hinayaang pasukin nila ang mundo ng isa’t-isa. He should have stayed away from her. Aina is so fragile to be hurt.
Isang katok ang pumukaw sakaniya. Sumunghaw mula sa pinto si Thiago na nakaitim na sando at boxer shorts.
“Ito na yung sapatos na gusto mo. Sayo na.” Thiago looked away as he is embarrassed about his clingy act.
Kahit madalas silang may hindi pagkakaintindihan ay hindi maiaalis ang pag-aalala niya sakaniyang kapatid. Mula pa noon ay alam niya na ang hindi pantay na tungo ng kanilang ina sakanilang magkapatid. Mas pabor lagi lahat kay Thiago kumpara kay Theo. Si Thiago lang ang madalas sumusuway para kay Theo mapunta ang pabor.
Napangisi na lamang si Theo nang makita ang dalang kahon ni Thiago na naglalaman ng sapatos na matagal niya ng hinihingi.
“Kuya…” he called.
“Ikaw na ang bahala kay Aina.” Napakunot ng noo si Thiago.
“Bakit ako? Malaki na siya, Yo." inis na sagot nito.
“Kahit na, she may look like a lady on the outside but definitely not inside. She will be needing someone to lean on, to count and depend on, Kapag may umaway sakaniya, ipagtanggol mo. Kapag may bumastos sakaniya, balian mo ng buto. Kapag may lalakeng gustong magmahal sakaniya ng totoo at wala pa ako para panindigan siya, ikaw na bahala. Alamin mo kung kaya ba siyang panindigan at protektahan. Hindi tulad ko, na duwag at mahina para mahalin siya.”seryosong sabi ni Theo sabay malungkot na ngiti.
Supladong nag-iwas ng tingin si Thiago.
“I can’t promise, but I’ll try.” Tipid na sagot nito.
“Please bro. Just this. Kahit sa huli may nagawa man lang ako para sakaniya.”
Mula noong araw na nakipaghiwalay sakaniya si Theo ay halos hindi na kumakain si Aina. Madalas ay sinasabi niya lang sa katulong na naghahatid ng mga pagkain sakaniya ay kung hindi siya busog ay wala siyang gana.
Mugto ang mata at nakatalukbong lang siya ng kumot. Ni hindi niya na nahahawakan ang kaniyang sketch pad at gitira. Parang pansamantala siyang kinuhanan ng rason para ganahan sa mga bagay-bagay.
“Aina, it’s me Annika.” Tawag ni Annika sa kapatid habang nasa labas ng pintuan.
Napabalikwas si Aina sa kama at napatingin sa may pintuan. Hindi niya inaasahan na pupuntahan pa siya nito.
“A-ano y-yun, Ate?” alinlangan niyang sagot.
“Open up!” nagmamadaling lumapit si Aina sa pintuan para pagbuksan ang kaniyang kapatid na nakataas ang kilay.
Marahas na itinulak ni Annika ang pintuan ni Aina para makapasok siya sa loob. Wala naman nagawa si Aina kung hindi papasukin ang kapatid. Sinarado niya ang pinto at nilapitan ito.
“I’ve heard that you haven’t eaten well since last week? Is it because of Theo? Andra told me everything.” Mataray na pagkumpirma ni Annika.
Umiwas lamang ng tingin si Aina at yumuko.
“Know what Aina. Don’t let guys take you as a whole. Just give them a part of yourself so that if they break you. Hindi ka sirang-sira.” Napalingon siya sa kapatid at ngumiti. Si Annika naman ang umiwas ng tingin dahil alam niyang masiyado siyang concern.
“Hindi na ako grounded. Nagpaalam ako ng maayos kina mommy and daddy na paparty dahil may pasok na ulit bukas. Uhh.. Hmm.. Baka… Gusto mong sumama?” alinlangan nitong aya.
Aina smiled widely and almost not believing what her sister said.
“Really, Ate?”
Nag-iwas ng tingin si Annika at hinawi pa ang bangs nito.
“Y-yes… Of course! Para naman malibang at makalimot ka! A-ayaw m-mo b-ba?” iritang tanong nito.
“Siyempre gusto ko! Sige magbibihis lang ako!” nakangiting sabi ni Aina.
“Whatever!” irap ni Annika sabat martsa palabas.
Isang simpleng dress ang sinuot ni Aina. Off shoulder blue dress lang ito hanggang binti na ipinares niya sa doll shoes na kulay asul rin.
Sa labas na nagkita ang magkapatid. Isang pulang mirage ang naghihintay sakanila at sa labas nito ay nakahilig si Brandon. Maya-maya pa ay bumaba rin sina Mayor Virgilio at Anthelma para ihatid paalis ang kanilang dalawang anak.
“Bring home my daughters at exactly 12midnight, Brandon. Safe and sound.” Matigas na bilin ni Mayor Virgilio.
“Will do, Sir.” Yuko ni Brandon.
“We’ll go ahead, Daddy.” Paalam nila Annika sabay halik sa mga pisngi nila.
Nang makarating sa bar ay sinalubong muli sila ng maiingay at nagpapalitang kulay ng mga ilaw. Hindi katulad ng unang punta rito ni AIna ay hindi na siya masiyadong naiilang sa mga sumasayaw sa paligid.
“VIP?” rinig niyang tanong ni Annika kay Brad.
“Yup, as usual.” Nakangising sagot ni Brandon.
Tama nga ang hinala ni Aina. Isang pamilyar na itim na pinto ang binuksan ni Brandon. Pinauna niya ang magkapatid papasok. Isang malaking kwarto ito na may disco ball at sariling DJ! May mga iba pang tao rito?
“Those are Brandon’s friends. Ayaw namin makiparty sa labas kaya we brought the party here in the VIP room.” Nakangising paliwanag ni Annika sa kapatid. Tumango lamang si Aina.
Nagsasayawan, nagkakantahan ang mga tao sa loob ng VIP room. Medyo crowded na nga ito. Dumiretso si Annika at Brandon sa dancefloor samantalang si Aina ay napag-isipang umupo muna.
“Do you have prefer drinks, Ma’am?” nagitla siya ng sumulpot ang waiter sakaniyang tabi.
“Uh…” hindi niya alam kung ano ang iinumin niya. May milk tea ba rito? Saad niya sa isip.
“She’ll have a fruit shake instead.” Napalingon siya sa lalakeng sumabat at umikot ang kaniyang mata ng malaman na si Thiago pala ito.
Nakapamulsa at papalapit sakaniya.
“What kind of fruit shake, Ma’am?” tanong muli ng waiter.
“M-mango na lang.” sagot ni AIna.
Tumango ang waiter at umalis.
“Hindi ba sinabi ko na wag kang nagpupunta rito?” tinaliman ng tingin ni Aina si Thiago at inismiran.
“Hindi ko alam na pag-aari mo pala ito?” sarkatiskong sagot ni Aina.
“And what if I tell you we have a share here? As you not know this place is filled with celebrities too.” Nanahimik si Aina at napaisip.
Oo nga pala, sila ang may hawak ng malaking entertainment group sa buong bansa. Malayang nakakapasok ang mga artista rito sa bar dahil hinahandle nila ang mga ito. Isang paraan rin ng pagpromote sa bar na ito. Nanahimik na lamang si Aina at inismiran muli si Thiago.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Thiago ng padarag na tumayo si Aina mula sa pagkakaupo.
“Wala ka na dun!” masungit na sagot ni Aina at saka dirediretsong lumabas ng VIP room.
Hindi siya makahinga dahil sa sobrang daming tao na parang nasisiraan ng bait kakasayaw. Oo gusto niyang malibang pero hindi niya pa maappreciate ang ganitong paraan. Napagdesisyunan niyang magtungo sa roof deck kung saan niya naisipan magpahingin noong huling punta niya rito.
The cold wind immediately blew her long hair. Bahagya sumabog ito kaya sinikop niya sakabilang banda ng kaniyang balikat. She breathe the fresh air of Alberta while looking at the lights overlooking afar from the city. Bilog na bilog din ang buwan kaya mas lalong pinaganda nito ang gabi,
“ I'm gonna pick up the pieces
And build a Lego house
When things go wrong we can knock it down”
Napalingon siya kung saan nanggaling ang magandang boses na kaniyang narinig. It’s coming from a guy's voice because it’s husky yet cold. She closed her eyes as she listen whole heartedly.
“My three words have two meanings
There's one thing on my mind, it's all for you”
Sa patuloy na pagkanta ng lalake ay napadilat siya ng mata. Nakuryoso siya kung saan nanggaling ang boses at sa kung sino man ang nasa likuran nito. She walked closely and gently to the garden side which the singing voice is very evident to hear.
She saw a guy wearing a black hoody jacket. Nakasuot ang hood nito kaya natatakpan ang ulo. Nasa likuran na siya ng lalake ng biglang huminto ito sa pagkanta at iniangat ang ulo. Akmang aalis na si Aina pero mas mabilis na nahubad ng lalake ang kaniyang hood at humarap kay Aina.
Bakas ang gulat sa mukha ni Aina ng makita siya ng lalakeng iyon.
“Uh.. Tuloy mo lang.. Uh.. Aalis na ako. Sorry-“
“You’re the cute girl last time.” Pagkumpirma ng lalake. Kinunutan lamang siya ni Aina.
“I’m Lance. If you haven’t remember. Iyong kausap kita tapos biglang dumating si Valentino.” Napabilog ang bibig ni Aina sa gulat at tinuro niya pa ito.
“Ah oo! Naalala na kita!” natatawa pa niyang sabi. Lance smiled too.
“Want to join me here?” pag-alok ni Lance at umisog ng kaunti para bigyang espasyo si Aina sakaniyang tabi.
“Okay lang?” sabay upo nito sa tabi.
“Bakit nandito ka? Valentino and friends are inside partying for sure.” Sambit nito sabay kandong muli sa gitara at nilaro ang bawat strings nito. Inayos muna ni Aina ang buhok bago sumagot.
“Naiingayan kasi ako, kaya lumabas muna. Eh narinig kita kaya sinundan ko kung saan nanggagaling yung boses.”
“You lived here in Alberta?”
“Oo, dito na ako lumaki. Dito na rin ako nag-aaral. Ikaw?”
“Galing akong states. Palaaway kasi ako eh, kaya ipinadala muna ako dito ng parents ko.” Natatawa nitong kwento.
“Gusto nila akong pag-aralin pero wala pa akong makitang matinong school. Saka tinatamad pa ako.” Ngisi niya.
“Ikaw talaga! You should study! Sa Alberta University ako nag-aaral. Kung gusto mo mag-enroll ka na rin don.” Kumbinsi ni Aina.
“Will I see you there? Magiging classmate ba kita?” nakangising tanong ni Lance.
“Bakit anong year mo na ba?” nakangiting tanong ni AIna.
“Secret.” Hinampas lang siya ni Aina.
“Aray! Sayang late ka na dumating. Kakatapos lang ng set ko kanina sa baba. Tuwing gabi kasi at free ako. I play acoustic here.” Napanganga si Aina sa mangha.
“Talaga? Alam mo ba? Isa sa mga pangarap ko yan! Makatugtog sa malaking crowd.” Masayang kwento pa niya.
“Wow! You play? Minsan kapag bored ka, Punta ka rito. Jam tayo.” Sambit ni Lance sabay kindat.
“Sige! Mag-papaalam ako kina mommy and daddy!”
“Aina!” napatalon si Aina sa gulat dahil sa baritonong boses na tumawag sakaniya. Nilingon niya si Thiago na nakasuot ng itim na polo shirt at may hawak na beer sa kabilang kamay.
“What?” inis na tanong ni Aina.
“Uuwi na daw kayo!” sigaw pa nito. Ngumisi lamang si Lance.
Possessive Valentino. Sambit niya sakaniyang utak.
Padarag na tumayo si Aina at tinaliman ng tingin si Thiago.
“Sige na, uuwi na raw kami.” Inis na sabi ni Aina.
“Ngats!” simpleng sagot ni Lance.
“Babye!” kaway pa ni Aina.
“Nah, more on see you soon.” Kindat niya.
“I said let’s go!” ulit ni Thiago.
“Andiyan na!” Kahit kailan talaga ‘to!
Pagkabalik sa VIP Room ay lasing na lasing sina Brandon at Annika. Magkayakap na sila at halos maghalikan. Nanlaki ang mata ni Aina ng makita kung paano ibinalot ng kaniyang ate ang kamay sa leeg ni Brandon. Habang si Brandon naman ay naglalaro ang mga haplos sa baywang ni Annika.
Napansin ni Thiago iyon kaya padarag niyang nilapitan ang dalawa at hinila si Brandon patayo.
"The f**k bro!" angal ni Brad.
"It's 11:30 now, Brad. Kung ayaw mong hindi na pasamahin sayo si Annika sa susunod at magrounded siya ulit. Ihahatid na natin sila."
"f**k! Mapapatay ako ng daddy niyo!" tarantang sabi ng lasing na si Brandon.
"Yah! We should go home!" segunda ni Annika.
Pagtayo niya ay halos matumba ito agad naman siya dinaluhan ng kapatid.
"Ate, kaya mo ba?" hinawi lamang ni Annika ang kamay nito.
"Of course, Aina!" hagikgik nito.
"Leave it to me, Baby Ai." kindat ni Brad kay Aina sabay kuha sa kamay ng kaniyang kapatid.
Nauna ng maglakad palabas si Annika at Brandon papalabas ng bar. Si Aina naman ay nakasunod sakanilang likuran. Sa likuran naman niya ay si Thiago na nakapamulsa ay hinahagis sa ere ang susi ng sasakyan.
"Where's the keys?" kapa ni Brad sakaniyang magkabilang bulsa.
"I won't let you drive, Asshole. Get in to the backseat with your girl." iritableng utos ni Thiago sakanya.
"Sure!" nagtawanan naman ang dalawa sabay gegewang na pumasok sa likuran ng kotse.
"Ikaw diyan ka na lang?" panuyang tanong ni Thiago kay Aina.
Umikot lamang ang mata nito sabay padabog na sumakay sa passenger seat katabi ni Thiago.
Umikot si Thiago para sumakay sa kabila. Binuksan na nito ang makina at saka nilingon ang magkayakap na si Annika at Brandon. Tulog na ang dalawa sa sobrang kalasingan.
"Seatbelt on." nilingon siya ni Aina pero sinunod niya na lang ito kaysa magtalo pa sila.
She looked outside the window as Thiago started to maneuver the car. Fall out boy song is playing on the stereo as the silence enveloped the whole car.
Hindi maitago ni Aina ang inis niya kay Thiago. Sinisisi niya pa din ito kung bakit kailangang umalis ni Theo at iwan siya. Ramdam niya ang pagnanais ni Theo na maging katanggap-tanggap sa mata ng kanilang ina kaya handa siyang gawin ito.
Samantalang si Thiago ay pacool lang pero nakukuha pa din ang pabor.
"Found a new friend? Lance is a well known play boy, Aina. You should stop talking to him."
"At sino ka para sabihin kung sino ang dapat kong kausapin? She seems nice to me." depensa ni Aina.
"Si Milliecent hindi basta kumakausap ng hindi niya kilala. That's more a ladylike act." kumulo lalo ang dugo ni Aina.
"Si Millie yon! Magkaiba kami!" inis na bimaba ng sasakyan si Aina ng makararing sa mansion.
Mabuti na lang at nasa ulirat na ang kaniyang kapatid kaya mas madali silang nakaakyat sakanilang kwarto.
Inis na pumasok si Aina sa kwarto niya. Umupo ito sakaniyang kama at saka hinubad ang doll shoes. Hinilot nito ang kaniyang paa bago inihagis ang sarili sa higaan. Nakatingala siya sakaniyang kisame.
"Ikumpara daw ba ako kay Millie." bulong niya sa sarili.
At sa sobrang inis hindi niya namalayan na nahila na pala siya ng antok.
Unang araw ng klase ay panay tawag so Andra kay Aina. Hindi siya mapakali dahil magkaklase na naman sila ngayong taon.
Hindi na magkasabay si Annika at Aina ng pasok dahil college na ang ate niya. Mass Communication ang nakuha ni Annika na course. Ganoon rin si Brandon. Si Thiago naman at Milliecent at kapwa Business Administration ang nakuha.
"Aina!" dinamba ni Andra ng yakap ang kaibigan.
"Namiss kita!" sambit pa nito sabay angkla sa kaibigan.
"Namiss rin kita." ngumiti si Aina sakaniya. Bigla naman nagseryoso ang mukha ni Andra.
"Mamayang gabi na ang flight n Kuya Theo pa-Maynila. Nakapagusap na ba kayo?" nag-iwas lamang ng tingin si Aina sakaniya.
"Wala na kaming dapat pag-usapan Andra. He decided to leave me and I think there's nothing to discuss about that." nanahimik na lang si Andra.
Sa kalagitnaan ng klase ay nagvibrate ang cellphone ni Aina. Pasimple niya itong dinukot at sinilip. Halos tumalsik ang puso niya ng makitang si Theo ito.
Theo:
Can we talk for the last time? Bago ako umalis. 5pm. Old music room. Hintayin kita.
Hindi na nakapagfocus si Aina sakanilang Teacher mula nang magtext si Theo. Hindi siya mapakali. Syempre ay sisiputin niya ito, pero anong sasabihin niya?
"Aina! Mall tayo? May gusto akong bilhin na watch." sambit ni Andra habang nag-aayos ng bag.
"Uh... Pinapauwi ako ni Daddy ng maaga eh. May iuutos ata." pagsisinungaling niya.
"Okay! Kay Javier na lang ako papasama. Una na ako ha!" mabilis na umalis si Andra.
Buti na lang at hindi siya nahalata ng kaibigan. Hindi niya maamin na magkikita sila ni Theo. Hindi niya rin alam kung bakit inilihim niya iyon, ayaw niya sigurong kaawan pa siya.
Kabado si Aina ng naglakad patungo sa lumang music room. Under the shades of the trees standing there is Theo. Wearing a white polo shirt and a khaki shorts.
Theo sadly smiled to Aina.
"I'm glad you came. Thought I wouldn't see you before I leave."
"Mamaya na raw flight mo?" malungkot na tanong ni Aina pilit tinatago ang ambang hikbi.
"Yes. I just wanted to give you this." dinukot ni Theo ang maliit na kahon sakaniyang bulsa at saka nilahad kay Aina.
"A-ano yan?"
"Open it." she did.
Kuminang ang kwintas sakaniyang paningin ng tumama ang pahapon na liwanag rito.
"A-ano to? P-para saan?"
Kinuha ni Theo ang kahon mula sa pagkakahawak niya at saka pinatalikod sakaniya si Aina.
This would be the last time he would be able to touch her. Inamoy niya ang halimuyak ng buhok ni Aina ng tumama ito sakaniya. Hinawi niya ito para isuot sakaniyang leeg ang kwintas.
"I want you to wear me all the time, Aina. Is it too much to asked? Pero hayaan mo nalang akong maging makasarili kahit ngayon lang." pilit na tawa ni Theo.
"Kailangan mo ba talagang umalis?" nangilid na ang luha sa mata ni Aina ng harapin niya si Theo. Hinawakan naman ng binata ang magkabilang kamay niya.
"Patawarin mo 'ko. Kung nalaman ko ng mas maaga hindi na sana kita ginulo. Napakagago ko. Napakagago. Sa tagal na panahon na gustong pasukin ang negosyo namin ngayon lang ako pinayagan ni Mama. Basta ang sabi niya uuwi ako ng Manila. Palagi na lang si Kuya ang napapansin nila kaya ngayong binigyan nila ako ng pagkakataon. Hindi ko na kayang palagpasin." pinunasan ni Theo ang lumandas na luha sa mata niya.
"Kapag matapang na ako para ipaglaban ka. Babalik ako. Habang wala pa ang lalakeng magmamahal sayo ng higit pa sa ibinigay ko. Isuot mo muna yan. Kapag dumating na siya, saka mo lang hubarin."
"I will miss you so damn much." pumiyok na ang boses ni Theo kaya hinila niya na para sa isang mahigpit na yakap si Aina.
Last hug. They both closed their eyes as they feel the body of each other.
"Umalis ka na, baka hindi na kita pakawalan kapag nagtagal ka pa." iyak tawang sabi ni Aina.
"Will you still sketch for me?"
"I'll try." malungkot na ngiti niya.
Tumango na lamang si Theo at saka unti-unting tumalikod. Pigil ang hagulgol ni Aina ng marahang nawala ang imahe ni Theo sakaniyang harapan.
Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng music room at doon humagulgol. Palahaw ng iyak ang maririnig sa buong silid. Saksi ang begonia, piano at si Thiago.
Nakaawang ang pinto kaya kitang-kita niya kung paano nakaupo si Aina at umiiyak.
Marahan niya itong nilapitan. Narinig niya lahat, hindi naman sadya. Pupuntahan niya lang sana ang Begonia pero sila ang naabutan niya.
Tiningala siya ni Aina na namumugto ang mata at parang batang humahagulgol. Dumukot siya ng panyo at inilahad sa dalaga pero imbis na panyo ang kunin nito, hinila nya ang kamay ni Thiago at saka niyakap.
Nanlaki ang mata ni Thiago sa ginawang iyon ni Aina.
"Pa-payakap naman... Sobrang lungkot ko." basang-basa na ang polo ni Thiago. Pero hindi niya alam pero hindi nya nagawang magreklamo. Hindi niya rin alam kung bakit.
"Tss." yun lang ang tanging nasabi niya.