Foolish heart, hear me calling
Stop before you start falling
Foolish heart, heed my warning
You've been wrong before
Don't be wrong anymore
"Hindi ka ba talaga sasama? You still have time, Aina. Pwede ka pa naming daanan." kanina pa ako kinukumbinsi ni Andra pero kailangan kong panindigan ang desisyon ko.
"Kung sasama ako, baka hindi ko na siya hayaang umalis." mapait akong ngumiti habang nasa may teresa na aking kwarto.
This is the night where Theo will finally leave. Parang kailan lang ay hawak ko siya ngayon ay pinapalaya ko na.
May mga tao talaga pala na hindi para sa atin kahit na naranasan natin ang makasama sila.
Minabuti kong mapag-isa at makapag-isip. Dinala ako ng aking mga paa sa dalampasigan. Medyo matagal na rin ng huli akong tumambay rito.
I embraced myself as the cold ocean winds enveloped me. I looked up the sky and saw how the stars twinkles.
Unti-unti ng nanlabo ang aking mata dahil sa mga luhang nagbadya.
"Masakit rin palang magmahal..." bulong ko sa hangin.
I smiled bitterly as I wiped away the tears that run in my cheeks.
Salamat at pinaramdam mo sa akin kung paano mahalin. Kung paano magmahal pabalik, Theo.
I stared at the night sky once more while playing on my necklace's pendant.
Hindi man kita nahatid o nakita man lang sa huling pagkakataon. Gaya nga ng sabi mo, as long as I am wearing this necklace. Parang kasama na rin kita.
Pinilit kong itawid ang pagpasok sa eskwela nang wala si Theo. Sa katunayan, mas pinili kong gugulin ang sarili sa pag-aaral. Madalas sabihin ni Andra na mula raw umalis ang kuya niya nag-iba na ako.
Mas naging matured raw at seryoso kumpara sa masiyahin at isip batang Aina. Hindi ko naman iyon napapansin o talaga ngang nawalan na lang ako ng gana mula nung umalis si Theo.
Hindi naman nila ako masisisi, malaking parte ng buhay ko sa Alberta ang nagugol ko kasama siya. Kaya naman ng umalis siya ay malaking parte rin ng buhay ko ang nagbago.
"Aina! Sige na please? Samahan mo na ako!" hila-hila ni Andra ang manggas ng polo uniform ko.
"Andra, I still have works to do. At isa pa, bakit may oras ka pang mag-ikot? May exam tayo bukas ah." nakangisi kong tanong.
Hinawi niya lamang ang kaniyang buhok at nag-iwas ng tingin.
"A-ah K-kasi..." nginitian ko na lamang siya at hinalikan sa pisngi.
"Una na ko sayo ah?" tinapik ko na lamang ang kaniyang balikat at saka tinalikuran.
Halos kalahating taon na mula ng umalis si Theo pero parang kahapon lang. Kalahating taon na rin at Grade 10 na kami ni Andra. Tapos college na.
Nakakita ako ng bato at naisipang sipain hanggang makarating sa music room. Madalas, doon ako nag-aaral habang nakikinig sa music o kaya naman tumutugtog ako ng kung ano-ano.
Pinihit ko ang pinto ng lumang music room at saka pumasok sa loob. In-on ko ang ilaw at ang electric fan at saka nilapag ang gamit sa isang upuan.
Nilapitan ko ang Begonia sa ibabaw ng piano at saka binuksan ang mineral water na aking hawak.
"Uhaw ka na ba? Sorry na-late ako ha." para man akong baliw na kinakausap ang halaman.
Nagsimula na akong magsulat at magbasa. Inabala ko ang aking sarili para sa pagtatapos ng taon ay wala na akong masiyadong iisipin.
Lumipas ang oras at ramdam ko na ang pagdilim dahil wala ng liwanag mula sa bintana. Humikab ako at nag-inat dahil napagpasyahan kong umuwi na.
Isa-isa kong niligpit ang aking gamit sa aking bag. At saka naisipan ng umalis.
Sinarado ko ang pinto at halos mapalundag naman ako sa gulat dahil nakita ko si Thiago. Nakasandal sa labas ng music room at nakapamulsa. Nakayuko ito at tila kanina pa naghihintay.
Ano naman ang ginagawa ng isang 'to rito? Kanina pa dapat uwian nila ah.
"Thiago?" nag-angat siya ng tingin at saka humikab.
"Let's go." tipid niyang sabi at saka ibinaba ang paang nakasandal sa dingding.
Nagsimula na siyang maglakad pero pinigilan ko siya.
"Teka! Let's go? Where?" taka kong tanong.
Tamad niya akong nilingon at kunot pa ang noo.
"Home. Where else? Ihahatid kita. Ayos na ba?" bakas ang irita sakaniyang boses.
Napabuntong hininga na lamang ako. Sino bang may sabi na ihatid mo ako? Hindi ko alam kung bakit sumunod naman ako sa paglalakad niya. Sa haba ng kaniyang binti ay halos tinatakbo ko ang distansya namin.
"Teka!" hangos kong pigil ulit.
"Nasaan si Millie? Bakit ako ang ihahatid mo?"
"Naihatid ko na. Pwede ba? Can we just go home now? Ano bang ginagawa mo sa lumang music room at gabi ka na lumalabas? What if someone barge inside there and do something bad to you? Makakasigaw ka ba ng tulong? Kaya mo bang depensahan ang sarili mo?" napanganga ako kung paano ko nakita ang galit sakaniyang mata.
"Nag-aaral kasi ako!" sigaw ko pabalik.
Kahit kailan ka talaga!
"Then you should have ask someone to be with you! Andra, Annika o Ako!"
"Bakit dadating ka ba? Sasamahan mo ba ko?"
"Of course I will! Damn it! Bakit hindi? Ganun ba talaga kasama ang tingin mo sakin that's why I'm getting this treatment from you?" humahangos niyang sinabi ang mga yan leaving me speechless and guilty.
Napaiwas ako ng tingin dahil alam ko deep inside me. Totoo ang mga sinabi niya, hindi ko siya pinapansin masiyado. Madalas rin akong mairita sakaniya kaya as much as possible ayaw ko siyang nakikita.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin maiwasang sisihin siya kung bakit iniwan ako ni Theo 6 months ago. Si Theo ay nagpapakandahirap tanggapin ni Donya Emiliana pero siya tanggap na tanggap at wala man lang problema.
"From now on, don't go around Alberta alone. Stick with me." seryosong utos ni Thiago.
May kung ano sa sarili ko ang umiikot at hindi mapakali. Stick with him? Hindi naman pwede yun. Girlfriend niya si Millie kaya hindi naman pwedeng nakabuntot ako lagi sakaniya.
Napaangat ako ng tingin at sinubukang salubungin ang mariin niyang titig.
"Theo said that's the least thing he could do for you. Ako na daw ang bahala sayo." nag-angat baba naman ang ulo ko sakaniyang sinabi.
Kaya pala, hindi niya ako sasamahan dahil gusto niya. Sasamahan niya ako dahil sinabi ni Theo sakaniya.
"Hindi mo naman yun kailangan sundin. May sarili kang isip, sana ay sinabi mong ayaw mong gawin. Kaya ko na ang sarili ko. Hindi na ako yung dating isip bata na sinasabi mo. Salamat na lang." lalagpasan ko na sana siya ng hinigit niya ako.
"Kung hindi na nga ikaw ang isip bata na sinasabi ko. Sasama ka nalang sakin ng matiwasay kung ayaw mong bitbitin kita papasok sa kotse." napalunok ako sakaniyang sinabi.
Si Thiago ay iba kay Theo. Ibang-iba. If Theo is gentle and soft. Thiago is rugged and ruthless. Kapag sinabi niya ay gagawin niya.
Hindi na ako umangal pa. Wala din naman akong magagawa. Ayaw ko namang makita ng mga estudyante ng Alberta na nakasakay ako sa likuran ni Thiago na parang sako ng bigas.
Tahimik lang ako sa sasakyan hanggang makarating sa tapat ng bahay.
"Thanks." bulong ko sabay mabilis na lumabas.
Halos singhutin ko na ang hangin pagkababa ng sasakyan. Hindi ako nakahinga ng maayos habang nasa loob.
"Inutusan siya ni Theo? Tss. Kung napipilitan siya hindi ko naman siya pinipilit!" irita kong sabi at saka nagmartsa papasok ng mansyon.
"Stick with him? At bakit ko siya susundin?" inis kong binalibag ang bag ko sa aking kama.
Nagvibrate naman ang aking cellphone at tinignan kung sino iyon.
Unknown:
I'm sorry for the harsh words. Like i said, stick with me. Goodnight.
Parang tambol naman ang puso ko. Hindi ako maaaring magkamali. Si Thiago ito.
Humiga naman ako sa aking kama at saka inis na nagtipa.
Ako:
Gaya nga ng sabi ko. Ayoko!
Hinagis ko ang aking cellphone sa bedside at saka pumikit ng mariin.
"Go Jaime!!!" halos makitilan na ng ugat si Andra sa aking tabi.
Kasalukuyan kaming nasa covered court at nanonood ng laban nila Thiago at Brandon laban sa kabilang unibersidad.
"Ang hilid mo sa "J" ano? What happened to Javier?" tanong ko dahil bago na naman ang boylet nitong si Andra.
"Wala na yun!" sambit ni Andra na parang damit lang yung naiwala niya.
Napaisip tuloy ako. Bakit kahit matagal nang umalis si Theo hindi pa din ako nakakalimot? Hindi ko pa rin siya kayang palitan. Siya pa rin ang mahal ko.
"Andra! Aina!" humahangos naman si Milliecent na lumapit samin.
"Millie!"
"Sama kayo mamaya ha? May kaunting salo-salo sa bahay." nahihiyang sambit ni Millie. Nilagay niya rin ang takas na buhok sa likuran ng kaniyang tenga.
"Bakit anong meron?" naunahan ako ni Andra magtanong.
"It's her birthday." napalingon kaming tatlo kay Thiago na papalapit. Tapos na pala ang laro nila hindi namin napansin.
Ang pawis niya ay tagaktak pero hindi siya mukhang dugyot. Nasa dugo talaga nila ang maging maaliwalas parin kahit pawisan na.
Pinupunasan niya ang kaniyang pawis. Mula sa ulo,leeg,batok,balikat at hanggang braso ay kinuskos niya muna bago pinadausdos ang kamay sa baywang ni Millie.
Hindi ko alam kung bakit ako naduduwal ng makita ko iyon. May sakit ka ba Aina? Sanay ka naman na makita silang ganyan bakit ngayon ay bumabaliktad ang sikmura mo.
"Omo! Happy birthday!" tili ni Andra.
"H-happy birthday, Mil." ngiti ko sakaniya.
"Thank you! Aasahan ko kayo mamaya ha." kindat nito at saka nila kami tinalikuran.
Sinundan ko ng tingin ang dalawa. Kung paano sila masayang nag-uusap magkahawak ang kamay. Namimiss ko lang siguro si Theo kaya ako nagkakaganito.
"Aina! Huy!"
"Ah!"
"Bakit tulala ka? Lapitan ko lang si Jaime ah. Mauna ka na sa room." tumango ako at saka kumaripas ng takbo si Andra tungo kay Jaime.
Sinabihan ko rin si Ate Annika at Brandon na inimbitahan kami sa birthday ni Millie. Pumayag naman sila at sinabi kong sa sasakyan ako ni Brandon sasabay.
Ayaw kong maging thirdweel ano. Kung ipipilit niya na sakanila ako sasakay.
Si Andra ay kay Jaime sasabay. Isasama niya raw ito kaya may ibang kaibigan rin si Jaime na isasama. Ayos lang naman iyon kay Millie.
Si Millie ay kay Thiago malamang. Kaya ako? Kina Brandon na lang ako sasabay.
"Sundan niyo lang kami ha. Basta kapag nakita niyo na yung..." patuloy ang pagbigay ni Millie ng instruction sa grupo.
Tumunog naman ang aking cellphone kaya sinilip ko ito. Nanlaki ang aking mata.
Thiago:
Get in now.
Nag-angat ako ng tingin kay Thiago at naabutan kong magkasalubong ang kilay niya. Problema nito?
Ako:
A.yo.ko!
Nagmamadali kong itinago ang cellphone ko sa aking bag at tinakbo ang kotse ni Brandon at pumasok roon.
Nakahinga ako ng maluwag at saka pasimpleng sinilip ang bintana kung saan naguusap pa din sila.
Kala mo ha! Belat!
Nag-vibrate muli ang aking cellphone.
Thiago:
Sa susunod magiging sako ng bigas ka na talaga. Mark my word.
Nang makarating kami sa bahay nila Milliecent ay hindi ako makapaniwala. I am expecting a huge and grand house but no. Sobrang simple ng bahay nila. Yari lang sa kahot ito at halatang buhay probinsya sila rito.
Nahirapan pa ngang makapasok ang mga sasakyan nila dahil sa kapal ng putik patungo rito.
"Is this there house?" tanong ni Ate Annika.
"I think so? It's simpler than I thought." sagot naman ni Brandon.
Isa-isa ng bumaba ang aming grupo. Sa pangunguna ni Millie ay sumunod naman kami sakaniya.
"Tuloy kayo!" maligaya niyang sabi.
Nasa bungad naman ang kaniyang mga magulang. Simple lang din sila. Nakasuot ng duster ang kaniyang Ina samantalang ang Ama ay mukhang galing pa sa pagsasaka.
"Magandang gabi po." bati ko sakanila at saka nagmano.
Ganoon rin ang ginawa nila Ate at Brandon. Nilibot ko ang aking paningin. May alaga silang aso at baboy na nakakulong sa gilid.
Maraming halaman sa harapan ng kanilang bahay. May mga manok rin na paikot-ikot lang sa aming paanan.
"Nandun sa may likuran yung mga pagkain. Hindi na kayo makapasok sa loob kasi masikip eh. Tara?" aya ni Millie.
Marami rin siyang handa. Kadalasan ganito ang handa kapag naiimbitahan sila Daddy sa fiestahan.
Kaunti lang ang kinuha ni Ate Annika. Maselan kasi siya sa pagkain. Kaunti lang din ang kinain ko hindi dahil maselan ako, kundi dahil wala akong gana.
Pinapaikot ko ang tinidor sa aking pancit nang agawin ni Andra ang eksena.
"Cheers naman diyan! Happy birthday, Millie! Wooooo!" sigaw nito na parang sira.
Pansin kong nakailang ladies drink na rin siya. Sagot ng mga boys na kasama niya.
Inangat naman nila Ate Annika ang kanikanilang bote ng beer at nakicheers na rin. At dahil hindi ako umiinom, iniangat ko padin ang mango juice ko.
"Aina! Madaya ka! Kahit tikim lang! Promise hindi mapait! Parang juice lang din." kindat pa nito sabay hakbang patungo sakin.
"P-pero-"
"Ops! Bawal umangal! Minsan lang yan. Okay lang naman diba, Annika?"
"Yup. Hindi naman kita isusumbong." nakangising sambit ni Ate.
Wala naman akong magawa. Halos lahat ng atensyon ay nasa akin na dahil lang sa alak na to. Hinablot ko na ito mula sa pagkakahawak ni Andra.
"That's my girl!" sigaw nito sabay angat ulit ng inumin.
"Happy birthday, Millie! Cheers!" sigaw ulit ni Andra.
"Salamat! Salamat sainyo!" masayang sambit naman ni Millie.
Sabay-sabay kaming uminom sa aming bote. Ang inaakala kong juice nga ay pait ang aking nalasahan. Kahit kailan ka talaga, Andra!
"Teka! Teka! Kuya ano? Kiss naman diyan!" udyok ni Andra.
Nagtawanan ang grupo maliban sakin. Hindi ko alam. Kung bakit hindi nakakatawa para sakin yun.
Huwag kang bitter, Aina. Tumawa ka!
"Andra, ano ka ba!" saway ni Millie sakaniya.
"Birthday mo naman! Sige na! Isa lang! Torpe ka kuya!" tuya pa nito.
"I don't mind. Birthday mo naman. That's my gift to you." Ngumisi lamang si Thiago.
"Yabang mo kuya! Puro ka ganyan!"
Pinalo lamang ni Millie ang kaniyang dibdib. Napalunok ako nang makita ko kung paano nilagay ni Thiago ang kaniyang kamay sa batok ni Millie.
Mabilisan niya itong dinampian ng halik. Kitang-kita ko kung paano gumalaw ang mga labi nila para sa ibang posisyon pa at pinagpatuloy pa nila ito. Parang walang nanonood sakanila.
Bakit ang init? Kanina presko naman ah? Hindi ako makahinga. Para akong natutuyuan ng lalamunan. Pinaypay ko ang aking kamay sa aking mukha at binuksan ang unang butones ng aking uniporme.
Nauuhaw ako.
Naghiyawan ang grupo dahil sa kung paano walang kahirap ibinuka ni Thiago ang bibig ni Millie at isinuot ang dila nya roon. Nilaro niya ito na para bang lollipop.
Napalunok ako. Humigpit ang hawak ko sa aking bote. Next thing I knew? Tinutungga ko na ang bote ng beer hanggang sa kahulihang patak nito. Padarag kong ibinaba ang bote sa lamesa kaya naglikha ito ng ingay.
Nagulat ang lahat kaya napatingin sila sa akin.
"So-sorry. Cr lang ako." mabilis akong umalis doon at pumasok sa loob ng bahay nila Millie.
Huminga ako ng malalim ng makapasok sa loob ng banyo. Napatingin ako sa salamin at tinitigan ang namumula kong mukha.
Ganito pala ang epekto ng alak sakin. Nag-iinit. Hindi mapakali at namumula.
Naghilamos na lamang ako ng mukha at saka dinukot ang panyo mula sa bulsa. Binulatlat ko iyon saka marahang idinampi sa aking mukha.
Nang guminhawa na ang aking pakiramdam ay pinihit ko na ang pinto upang makalabas.
"Are you good?"
"Oh my!" sapo ko ang dibdib dahil sa gulat.
Nilingon ko si Thiago na nakasandal sa may kahoy na lamesa.
"Naubos mo yung beer mo." nag-iwas ako ng tingin at saka humakbang.
"Ah! Yun ba? Oo! Ganun lang pala lasa nun? Ang lamig kasi eh! Napreskuhan ako pagtapos kong inumin. Hehe." pilit kong tawa.
Halos malusaw naman ang binti ko ng tumayo siya ng tuwid. Napalunok ako at pilit nilaro ang mga daliri.
Bakit hindi ka mapakali Aina? Si Thiago lang yan! Wag kang pasindak sa mahangin na to!
Marahan siyang lumapit sa akin at unti-unting yumuko. Inelebel niya ang kaniyang mukha sa akin. I looked away.
"You are so red." he chuckled.
Hinawakan ko naman ang aking mukha pero pinigilan niya iyon.
"Looks good on you though." tumuwid na siya ng tayo at saka iniabot sa akin ang isang baso ng malamig na tubig.
Tinalikuran niya ako at umalis. Tinungga ko ang malamig na tubig. Sana ay inihilamos ko na lang pala para nahimasmasan.