Nagliliyab sa galit na pinuntahan ni Thiago ang kaniyang ina pagkagaling kina Millie. Kumakain ng hapunan ang kaniyang ina kasama ang kapatid na si Andra habang ang ama ay nasa business meeting abroad. Mabilis naman siyang hinarangan ng mga body guard ng kanilang pamilya nang makita ang itsura nitong tila galing giyera. Tinapunan niya ng matatalim na tingin ang dalawang guard na parehas nakaitim na suit and tie. "Tabi." Mapagbanta nitong utos sa dalawa. Napansin agad iyon ni Andra kaya mabilis itong tumayo at nilapitan ang kapatid. Donya Emiliana is fully aware of the presence of his son but she chose to ignore and continued eating. "What's happening here? Nababaliw na ba kayo? Let go of kuya." Mataray na utos ni Andra. Nagtinginan ang dalawang bantay bago nagdadalawang isip pang bini

