Parang pinipiga ang puso ko habang inaalala ang itsura ni Thiago nang iniwan ko siya sa may Brianna's. I can't get the image of him on bended knees crying in my head. I left him there alone. I love him. Wala namang duda roon. I so love him that I don't want him to involve himself in my messy situation. Hindi ko alam kung sapat na dahilan yun. I'm sorry, Thiago. Pagkarating sa mansyon ay agad akong dumiretso sa aking kwarto. Walang mintis ang pagtulo ng aking mga luha. Ramdam ko pa din ang bigat ng aking dibdib. Walang humpay ang kirot sa aking puso at ramdam ko sa aking bawat paghinga ang piga rito. Does this mean that we're over now? Ano pang silbi ng relasyon namin kung hindi ko siya kayang panindigan sa ngayon? Sumabog ang aking cellphone dahil sa mga tawag at mensahe mula sakan

