♪ Lyin' here with you so close to me
It's hard to fight these feelings
When it feels so hard to breathe
Caught up in this moment
Caught up in your smile ♪
Pagsubok ang pagpasok kay Alaina at Annika kinabukasan. Wala silang sapat na tulog dahil sa ginawa nilang pagtakas kagabi kaya naman parehang puyat ang dalawa. Andra is aware of it because her brother arrived so drunk last night.
"Aina." tawag nito sa gitna ng pagtitipa nila sa laptop.
Dahil nga makabago na ang pagtuturo sa panahon ngayon maging ang mapadali ang kaalamaan sa bagay ay pinabilis na rin. Students can still bring their notebooks but for Aina and Andra that can afford anything they bring their tablet or laptop instead.
"Hm?" sambit ni Aina hindi inaalis ang mata sa screen ng laptop niya,
"Buti hindi kayo nahuli kagabi?" bulong ni Andra.
"Oo nga eh. Sana lang hindi na maulit iyon. Labag rin sa loob ko ang tumakas pero kasi nag-aalala ako kay Ate." bumuntong hininga si Aina at ibinalik ang tingin sa screen ng laptop.
"Mag-iingat ka sa susunod ha. Maraming loko-loko 'ron. Bihira ako isama nila kuya dun. As in bihira!" umikot ang mata ni Andra na ikinangiti naman ni Aina.
Nang mag break time ay sabay nagtungo ng cafeteria sina Andra at Aina. Hindi maikubli ni Aina ang labis na kaantukan kaya naman dumiretso siya sa vendo machine. Si Andra naman ay nagtungo sa table kung nasaan sina Theo at Millicent na nagiintay sakanila.
Naghulog si Aina ng sapat na barya para makuha ang iced coffee in can na kanina pa nililigawan ng kaniyang mata. Ramdam niya ang lamig ng lata kaya mabilis niya itong binuksan at tinungga. Humagod ang nagyeyelong likido sakaniyang lalamunan na nagbigay ginhawa sakaniyang kalamnan.
Nang maibaba ang inumin ay nagtama ang paningin nila ni Thiago na saktong palapit rin sana sa vendo pero ng makita si Aina ay suplado itong tumalikod.
"Th-thiago!" tawag ni Aina. Huminto naman ito pero hindi humarap.
"Sa-salamat nga pala...kagabi." nauutal na sambit ni Aina habang nakayuko at mahigpit ang hawak sa coffee in can niya.
"Salamat para san?" mariin nitong tanong.
"Doon sa pagligtas mo sakin..."
"It wasn't for you. It's for my brother. Baka makapatay siya kapag nalaman niyang may nangyare sayo at wala akong ginawa kahit nakita ko." tuluyan na nga siyang tinalikuran ni Thiago at naglakad palayo.
Nakayukong naglakad si Aina tungo sa lamesa nila. Tanaw niya na sina Andra na nag-umpisa ng kumain. Si Theo naman ay hindi maalis ang mga titig kay Aina at batid niya na may dinaramdam ito dahil matamlay itong umupo sakaniyang tabi.
"Hey." tawag ni Theo. Nilingon niya ito at binayayaan ng hilaw na ngiti.
"Anong gusto mo? Ako na ang bibili." alok ni Theo. Mabilis naman siyang inilingan ni Aina.
"Kumain ako sa bahay eh. Busog pa ako."
"Kanina pa yun. Lunch na ngayon." seryosong sabi ni Theo.
"Okay nga lang." marahang sagot ni Aina.
Matamlay rin si Millicent sa tabi nila. Panay ang sulyap ni Andra sa kaibigan na halos hindi ginagalaw ang pagkain.
"Millie, kumain ka na. Pahupain mo lang ang galit ni kuya. Magiging okay rin kayo." Andra tried cheering her up. Millicent just gave them a sad smile.
"Oo nga, Mil. Eat up. Baka magkasakit ka." segunda naman ni Theo.
Malungkot na nilingon ni Aina si Millicent na pilit ang ngiti sakanila. Mukhang matindi ang pinag-awayan ng dalawa. Wala rin sina Annika at Brandon marahil sa kumain sa labas.
"Ayos ka lang ba? Did something happened?" alalang tanong ni Theo kay Aina.
Napatitig si Aina sa mga mata ni Theo. His brown eyes are twinkling on a hot and sunny afternoon. She suddenly felt good that's why she flashed a smile towards him. Iba talaga ang epekto ng binata sakaniya. Ibang-ibang sa epekto ni Thiago.
"Wala. Ayos lang sabi. Kulit mo!" nakangiting sambit ni Aina kaya napangiti na rin si Theo sakaniya.
Pinisil ni Theo ang kaliwang pisngi ni Aina at ngumiti. Guminhawa ang kaniyang pakiramdam dahil sa narinig mula sa dalaga. Kapag siya na talaga ang nagsabi ay sumusuko ito.
"Hay nako! PDA!" panuya ni Andra bago naglahad ng kulay dilaw na sobre sa tapat ni Aina at Millicent. May kulay dilaw rin na lasong nakapalibot rito.
Nagtataka naman itong dinampot ni Aina at tinignan.
'June 25, 2008. Valentino's Residence. Alejandra Melina Valentino @ 15'
"Hala! Malapit na pala ang birthday mo!" mahinhin na sambit ni Millie.
"Yup! I want all of you to be there okay? That's on the weekend so regardless magkaaway kayo ni Kuya o hindi ay kailangan naroon ka!" ismid ni Andra kay Millicent. Natawa naman sila.
"Punta ka ha, Alaina?" pagsusumamo ni Andra kay Aina habang nakahawak pa sa braso nito.
"Oo naman." ngiti ni Aina.
"Costume party yan ha! Wag kayong KJ!" paalala ni Andra.
"What? Corny naman 'nun, Alejandra." reklamo ni Theo.
"Baduy mo talaga Kuya! You will be my prince that day okay? I will be on my Princess Belle costume ikaw si beast! Pero siyempre hindi ka nakabeast! Nakapang-prinsipe ka! Si Kuya Thiago ay kay Millicent eh. Hindi mo pa naman girlfriend si Alaina so ikaw na muna ang partner ko." dirediretsong sambit ni Andra.
Si Aina naman ay halos maibuga ang inumin niya. Namumula na ang kaniyang mukha. Girlfriend? Kung nobyo niya pala si Theo ay magiging kapareha niya ito sa party kung ganon? Mas lalong nag-init ang kaniyang pakiramdam.
"Is that fine Aina? Escort ko lang naman siya eh. After that you can have him all. Dance non-stop if you want. Saka may mananalong best in costume!" masiglang sabi ni Andra.
"O-o na-man. A-ayos lang.." yuko nito habang nakatingin na sa lata ng kaniyang kape.
"Omg! This will be fun! Ikaw din Millie coordinate with Kuya Thiago if what will you wear." laking pasasalamat ni Aina ng mawala ang atensiyon sakaniya ni Andra.
Sa huling dalawang oras ay walang guro sina Aina kaya mas minabuti niyang magtungo sa silid-aklatan para mag-aral mag-isa. Dala ang kaniyang laptop at iilang libro ay seryosong nag-aral si Aina. Mas gusto niyang mag-isa para iwas distraction. Inaya niya naman si Andra pero hindi daw ito interesado. Matutulog na lang daw siya sa loob ng dalawang oras.
Hindi magkamayaw si Aina sa pagtitipa dahil medyo mahirap ang takdang- aralin na ibinigay sakanila ng kanilang guro. Nagulat na lamang siya ng tumunog ang upuan sakaniyang harapan kaya napaangat ang tingin niya roon.
"Millicent?" gulat niyang sambit. Nginitian lamang siya nito.
"Okay lang ba?" mahinhin na tanong nito.
"Oo naman! Upo ka lang wala naman akong kasama." nakangiting sambit ni Aina.
Alam niya ang pinagdadaanan ng kaibigan kaya ito na lamang ang maiaalok niya rito.
"Where's Andra?" tanong ni Millie ng pumirmi na sa harap ni Aina.
"Tinatamad daw mag-aral eh. Matutulog na lang daw siya." natatawang sambit ni Aina.
Marahan lamang na tumango si Millicent at nanumbalik ang lungkot sakaniyang mukha. Napansin iyon ni Aina kaya hinawakan niya ang kamay nito na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Napaangat ng tingin sakaniya si Millie.
"Kung may problema ka, you can tell me. I am not a good adviser but probably a good listener." Aina smiled at her.
"I'm fine. Normal lang naman 'to samin ni Thiago. Soon, we'll be fine. Thanks anyway." ngiti ni Millicent bago binuksan ang laptop at doon na nagtipa.
"Uh, Millie. Mauuna na ako ha? Kailangan ko pa kasing mag-mall eh. Ayos ka lang ba rito?" sambit ni Aina habang isa-isang nililigpit ang kaniyang mga libro.
"Oh! Sure! You may go. I'm fine. " ngiting sambit ni Millie.
Gusto man siyang samahan pa ni Aina pero kailangan na niyang umalis para makapag-mall. Maghahanap na siya ng pang-regalo kay Andra. Nagmamadali na siyang lumabas at nagtungo sakanilang locker area. Isa-isa niyang ipinasok roon ang mga libro niya. Kinuha niya naman ang kaniyang bag at ipinasok ang laptop sa loob. Isinakbit niya ito sakaniyang likuran bago isinara iyon.
"Uuwi ka na?" halos mapatalon naman siya sa gulat ng makita si Theo na nakasandal sa tabi ng locker niya at nakangiti pa. Sapo ang kaniyang dibdib ay sinamaan niya ito ng tingin,
"Ano ka ba!? Ginulat mo ako!" inis niyang sabi sabay lagay ng kandado at tinalikuran na ang binata. Inis itong nagmartsa palayo kaya natatawang hinabol naman siya ni Theo.
"Hey! Wait up!" sambit ni Theo at ng naging magkalebel sila ni Aina ay hinawakan nito ang braso ng dalaga para ipaharap sakaniya.
"What?" irap ni Aina.
"Sorry na okay?" natatawang sambit ni Theo. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ng dalaga. Ngumuso na lamang si Alaina.
"Hindi pa ako uuwi. Mag-mamall pa ako."
"Oh? Kaya pala nauna na yung ate mo?" tumango naman si Aina.
"Edi maganda. Hahatid na kita. Saang mall ba?" sambit ni Theo at inayos na ang bag sa likod.
"Huh? Huwag na! Magtataxi na lang ako."
"Dala ko kotse ko. Kaya hindi mo na kailangang magtaxi." mariing sambit ni Theo.
Napaisip si Aina. Hindi niya pa naman ganoon kakilala si Andra. Wala pa siyang masiyadong alam na hilig at paborito nitong bagay o gawin kaya magandang pagkakataon na nasa harapan niya si Theo ngayon. Tinignan niya pa ito mula ulo hanggang paa. Kunot noo naman siyang tinignan ni Theo.
"Hay! Oo na! Sige na. Tara na." hinila ni Aina ang kaniyang kamay mula sa pagkakahawak ni Theo pero bumawi naman ng siya mismo ang humawak sa kamay ng binata at hinatak ito.
Nagpatiuna na ito sa pagklalakad samantalang si Theo at bahagyang natigilan. Napatingin siya sa malambot na kamay ni Aina na nakahawak sakaniya. Ganito pa lamang ay parang tatalsik na ang puso niya. This isn't the first time he was touched by a girl but being held by Aina is something different. Tinignan niya ang nakatalikod na pigura ng dalaga at napangiti.
"Ano bang bibigay mo?" tanong ni Theo ng makapasok na sila sa mall.
"Hindi ko pa nga alam eh." sagot ni Aina habang iniikot ang mata sa mga stalls.
Suot ni Theo ang itim na bag pack sa likod tapos ang pink naman na bag pack ni Aina ay suot niya harapan. Pilit niya itong inagaw sa dalaga kaya wala namang nagawa si Aina kundi ibigay.
"Ang bigat ng bag mo. Gusto mo bang makuba? You don't need to bring these stuffs everyday. Isa pa kakasimula pa lang ng school year." kumento ni Theo. Hinarap naman siya ni Aina at kinunutan ng noo.
"Nagrereklamo ka ba? Akin na-"
"Ay! Hindi! Sungit naman." natatawang sambit ni Theo sabay kamot sa batok.
Napangiti naman si Aina at nagpatuloy sa paglalakad.
"Ano bang hilig niya? You should know. Kuya ka eh." tanong ni Aina ng makapasok sila sa isang boutique ng damit.
"Marami na siyang damit gaya ng mga yan. Weekly siya magshopping." sagot ni Theo.
"Eh.. Ito?" tukoy ni Aina sa isang signature watch na kulay ginto ng makapasok sila sa isang accessories store.
"Marami na rin siya niyan."
"Ito kaya?" tanong niya kay Theo hawak ang isang malaking stuffed toy.
"Halos wala na nga siyang mahigaan sa kama niya eh. Puro ganyan na."
Halos isang oras na silang nakalibot sa mall pero wala paring nabili sina Aina. Matiyaga namang nakabuntot si Theo sa dalaga kahit saan magpunta. Bilang isang lalake ay sa pagshoshopping nga nasusubukan ang pasensiya nila. Sisiw naman ito kay Theo na walang kapaguran sa pagbibigay ng kumento sa bawat naiisipang ibigay ni Aina sakaniyang kapatid.
"Hay! Ano bang ibibigay ko? Eh halos lahat meron na si Andra!" desperadang angil ni Aina bago sumipsip sakaniyang wintermelon milktea.
Nang mapagod sa kakaikot ay sa milktea store sila napunta. Napagod raw kakaikot si Aina kaya dito sila nauwi. At isa pa, comfort drink niya ang milktea. Nakatitig lang si Theo kay Aina habang nagmamaktol ito.
"Why don't you give her something special that you have?" suwestiyon ni Theo.
"Hmm?" naguguluhang sagot ni Aina.
"I mean.. You love to sing.. You love to draw.. Why don't you-" nanlaki ang mata ni Aina at padarag itong tumayo.
"OO NGA! TAMA KA! ANG GALING MO!" masigla nitong sambit.
"I'll sketch Andra! Tara! Samahan mo 'ko!" sambit ni Aina bago hinawakan ang palapulsuan ni Theo at hinatak ito.
Nang makarating sa mansiyon ay nanatili pa rin ang kamay ni Aina sa palapulsuan ni Theo.
"Manang, Si Mommy?" tanong ni Aina kay Manang Sol.
"Magandang Hapon po." bati naman ni Theo.
"Magandang Hapon rin iho. Wala ang Mama mo Aina nasa Mayor's office. May pagpupulong sila roon." paliwanag naman nito sakaniya.
"Ah, sige po. Sa dalampasigan lang po kami ha." paalam naman ni Aina.
"Oh sige. May gusto ba kayong meryenda?"
"Huwag na po. Kumain na kami sa labas eh." tumango na lamang si Manang Sol saka tumalikod ang dalawa.
Napahinto naman sila nang pababa sa grand staircase si Annika at nakapambahay na. Kunot noo itong nakatingin sa kamay ni Aina sa palapulsuan ni Theo.
"Hi!" kaway ni Theo sakaniya.
"Theo? Ikaw lang?" tanong ni Annika sabay baling sa likuran baka kasama si Andra o Thiago.
"Oo. Okay na si Thiago ang Mil. Si Andra nasa bahay na. Si Brad...?"
"Ah.. Heto katext ko."
"Sige. Dun lang kami sa likod." paalam ni Theo. Tumango na lamang si Annika habang sinusundan ang nakatalikod na pigurang papalayo na sina Aina at Theo.
She has an idea that Theo like her sister but not to this extent. She knew Theo for quite some years and she knows that being a Valentino, it really runs in their blood na may mga babae talagang humahabol sakanila. Swerte na nga lang siya at si Millicent dahil matino na ang mga nobyo nila. Pero si Theo? Hindi siya sigurado dahil ng makilala niya ito ay wala naman itong nobya. Puro flings lamang. Ang kapatid niya lang ang nakita niyang sinasamahan nitong madalas.
Nang makarating sa dalampasigan ay umupo na uli sila sa madalas nilang pwesto. Pinadala na lamang ni Aina ang kaniyang mga gamit sa isang katulong. Hinubad ni Theo ang kaniyang polo at naiwang suot lamang na puting t-shirt nito at dog tag na kwintas.
"So... May picture ka ba ni Andra sa phone mo? A candid shot will do. Tapos ang gagawin kong backround ay ang dalampasigan na ito." nakangiting sambit ni Aina.
Mabilis namang dinukot ni Theo ang cellphone sakaniyang bulsa at iniscan ang kaniyang gallery. Saktong mayroong picture si Andra na nakatingin sa malayo at hinahangin pa ang buhok. Ito yata yung nagpunta sila sa Ilocos dahil kaarawan ng kanilang lola. Malawak ang ngiti nito at may tinuturong isang bagay. Naaliw naman si Theo sa itsura ng kapatid kaya kinuhanan niya ito ng litrato.
"Here. Hahawakan ko na lang para hindi ka mahirapan." sumang-ayon na lamang si Aina.
Nagsimula na siyang iguhit ang larawan na hawak ni Theo. Gamit ang kaniyang lapis ay mabusisi niyang sinukat ang lapis ere habang nasa likuran ang dalampasigan. Iba't-ibang anggulo pa ito kaya aliw na aliw naman si Theo na tinitignan si Aina.
Paunti-unti ay nagiging katulad na ng nasa larawan ang ginuguhit ni Aina. Indeed this girl really has a talent for sketching. Kaunting improvement pa ay mas makakaguhit pa ito ng mas dekalidad na larawan. Ano pa ba ang wala kay Aina? Napakaswerte niya dahil nakita niya na ang bibihag sa puso niya. He will surely not let this girl go. Not a chance. Not a bit.
"I hope someday you could sketch me too." seryosong sambit ni Theo habang hindi inaalis ang tingin kay Aina.
Napaaangat naman ang tingin ni Aina sa binata at binigyan siya ng magandang ngiti.
"Oo naman. Madali lang yan. Teka!" bida nitong sambit. Mabilis niyang inilagay sa ere ang kaniyang lapis at tinapat sa mukha ni Theo. Pabiro niya itong sinusakat sa iba't-ibang anggulo kuno habang nakapikit pa ang isang mata nito.
Nagulat naman si Aina dahil sa gitna ng pagsukat niya at hinawakan ni Theo ang kaniyang kamay para pigilan. Napahinto siya at napatitig sa seryosong mata ng binata.
"Th-theo..."
"Have you...ever been kissed before?" Theo huskily asked.
Dahan-dahan namang umiling si Aina. Swallowing the big stone on her throat. She blinked three times as Theo's face slowly come closer to her. Napapanood niya na ito sa mga pelikula. Anong gagawin niya? Most leading ladies just close their eyes and that's what she did.
Theo smirked and grab the chance. Marahan niyang inilapat ang labi niya sa malambot na labi ni Aina. It was just a quick a one. Just enough for them to feel the softness and tenderness of each other. Mabilis namang humiwalay si Theo kay Aina.
Mariin parin ang pagpikit ni Aina. Nang maramdaman niyang humiwalay na si Theo ay unti-unti na siyang dumilat. Halos sasabog na ang puso niya sa kaba,saya at kilig. Ramdam niya ang pag-init ng mukha sa kahihiyan. How could she let this man kissed her like that? It was her first kiss!
"Now you do have..." Theo said still holding Aina's hand.
It may be just a kiss but for him it still a treasure that should be kept. No doubt. Theo has fallen. How could this tiny girl made her fall real hard? He asked his self.