♪ Hey
Beautiful, beautiful, beautiful, beautiful angel
Love your imperfections every angle
Tomorrow comes and goes before you know
So I just had to let you know ♪
That kiss was just a quick one but it remained on Aina's mind for long. She touches her lips as she stares at the ceiling of her pink room. Ganoon pala ang pakiramdam ng unang halik? Sambit niya sa sarili. Parang nilalaro ang emosiyon mo. It felt new to her. Lalo pa at sa taong gusto niya. At an early age she already experienced that. Aminado naman siya na nakaramdam siya ng tuwa at kilig. Napapaisip lang siya na kung sakali ba na uulitin ito ni Theo ay hahayaan niya lang ito? Umiling-iling siya at tinakpan na lamang ng malambot na unan ang mukha.
It's Saturday and Alaina woke up early. She immediately made her way down to their staircase going to the dining area. She found her mom and dad already sipping on their cup of coffee. Lumapit siya sa mga ito at humalik agad sa kanilang pisngi. Bahagya naman silang nagulat dahil sa maagang paggising ng anak.
"Iha, why did you woke up early today? Wala namang pasok." tanong ng kaniyang ina at nilagyan na ng bacon at egg ang pinggan ni Aina.
"Nasanay na siguro ang katawan ko, mom." sagot niya at mabilisang sinubo ang buong bacon.
"Nga pala, Alaina. Your sister told me that you have a party to attend tomorrow night. Is that true?" baritonong tanong ni Mayor Virgilio.
"Yes, Dad. Birthday nung friend namin na si Andra. Nameet na siya ni Mommy." paliwanag ni Alaina ng makaupo.
"Really? The Valentino girl?" kuryosong tanong ni Ginang Anthelma.
"Opo, Mommy."
"Good, akala ko ay gumagawa lang ng palusot ang ate mo para makalabas ng gabi,"
"Virgilio..." panaway ni Anthelma sa asawa.
"What? Totoo naman. She will do anything just to follow her own rules."
Hindi na lamang ito pinansin si Aina. Guilty siya dahil alam niya na madalas tumakas si Annika tuwing gabi pero wala siyang balak na isuplong ang kapatid. Mahal niya ang ate niya at kung ano ang nakakapagpalungkot rito ay mas ikinalulungkot niya.
Lingid naman sa kaalaman nila na nasa likuran lang si Annika at nakikinig sa pag-uusap. Nakasandal sa dingding at nakakuyom ang palad. Palagi na lang kapag siya ang paksa ay negatibo ang nasasabi sakaniya. Mariin siyang pumikit at dala ng sama ng loob ay hindi na siya pumasok pa roon. Tumakbo na lang siya pabalik ng kwarto ay nagkulong.
"Own rules huh? Watch me as I create more." bulong niya sa sarili habang tumutulo ang luha sa mata.
Nang makabalik si Aina sakaniyang kwarto ay naabutan niyang tumutunog ang cellphone niya. Tinignan niya ito at nakitang isang hindi kilalang numero ang naroon. Sinagot niya ito at ang pamilyar na boses ni Theo ang kaniyang narinig.
"Theo? Saan mo nakuha ang number ko?" nagtataka niyang tanong habang nakaupo sa kama.
"Hmm... Let's just say, I have my own little ways." bakas ang panunuya sa boses nito. Umikot naman ang mata ni Aina ngunit napangiti na rin.
"Ewan ko sayo. Bakit napatawag ka?" biglang lumambing ang boses ni Aina. Hindi niya alam kung saan iyon nanggagaling pero parang naging dalawa ang personalidad niya. Gusto man niyang magsungit ay taliwas naman ito sa tono ng pananalita niya.
"May... susuotin ka na ba bukas?" malambing na tanong ni Theo.
Napahilig naman si Aina sa headboard ng kaniyang kama. Para siyang timang na nangingiti, Nag-uusap lang naman sila pero bakit parang hinahalukay ang kaniyang tiyan?
"W-wala p-pa nga eh.."
"Sayang... I'm on my prince costume tomorrow... and I want you to be my princess.." malungkot na bulong ni Theo.
"I can't. Si Andra ang prinsesa bukas eh. Ayaw ko naming agawin ang trono sakaniya. It's her birthday." bumuntong hininga na lamang si Theo sa kabilang linya.
"It's doesn't matter. You're still my princess anyway, Am I right?" kinagat ni Aina ang kaniyang ibabang labi at pilit pinigilan ang pagtakas ng tili sakaniyang bibig,
Ramdam niya ang pag-init ng mukha at katawan. Parang may karera naman sakaniyang dibdib na nag-uunahang lumbas mula rito.
"Why are you not answering, Alaina? You are... my princess.. Aren't you?" ulit nito. At sa napapaos na boses ay sumagot naman siya kay Theo.
"Y-yes... I am..."
Kinahapunan ay wala pa ring maisip ni Aina na maisusuot. Nagtungo siya sa dalampasigan at nagpahingin. Wala ang ate niya dahil nakipagkita kay Brandon. Binilinan niya ito na umuwi ng maaga kahit na wala ang parents nila. The wind blew her hair side wards.
Ano kayang maganda? She can't think of any Disney princesses anymore. She want Andra to be the only princess in the party. Maging minion o kaya trolls na lang siya? Umiling siya sa naisip at tinititigan na lang ang kakatapos lang niyang iguhit na larawan ni Andra. Sana magustuhan niya. Frame na lamang ang kulang at handa na niya itong ibalot.
Sa kalagitnaan ng kaniyang pag-iisip ay isang pakpak na kulay puti ang lumipad-lipad sa ere. Sinundan niya ang ugoy nito pababa at ng lumebel na sakaniya ay sinalo niya gamit ang mga palad.
"A feather?" kunot noo niyang tanong.
Tinitigan niya itong mabuti at isang malapad na ngiti ang sumilay sakaniyang labi. An idea strikes her. Mabilis siyang tumayo at tumako pabalik ng mansion. Halos mabunggo niya na ang mga katulong dahil sa pagmamadali niyang makapasok sakaniyang kwarto. Binuksan niya ang kaniyang walk-in closet at nagtungo sa kailaliman nito kung saan nakalagay ang costume na sinuot niya last year sa isang theater act.
An angel wings.
Ngiting-ngiti niya itong tinignan. Costume party naman ang theme ng birthday ni Andra so wearing any costume will do. At isa pa, panigurado ay uulan ng prinsesa sa party na iyon. Ayaw niya ng dumagdag pa. Isinukat niya ang angel wings at maligayang humarap sa salamin. Bahagya niya ring winagwag ang pakpak ng mga ito. Damit na lang ang kulang. She's eyeing for a white dress. Of course, puti ang damit ng anghel. Hindi na kasya sakaniya yung siunot niya last year. Masugid niyang pinasadahan ang mga nakahelerang damit na nakasampay sakaniyang closet.
She picked all of the white dresses that she have and threw it on her bed. Nakapameywang pa itong nakatingin sa mga nakalatag na bestida sakaniyang harapan. Kinuha niya ang long sleeves bodycon dress at tinapat sa salamin. Masiyadong revealing ika niya. Hapit na hapit ito kaya naman hindi siya kumportable. Ang mommy niya ang madalas na nagshoshopping para sakaniya kaya ganoon na lamang ang mga damit na mayroon siya.
Isang white sleeveless laced dress and kaniyang napili. Maikli sa harap pero mahaba sa likuran. Kakaiba ang istilo nito kaya ito ang bukod tanging nagustuhan niya sa lahat. Niligpit niya na ang ibang bestida at iniwan ang laced dress na kaniyang napusuan. Isinabit niya ito sa salamin at saka bumaba para kumain na ng hapunan.
"Manang Sol, si ate?" tanong niya ng makapasok sa loob ng dining area.
"Kararating lang niya. Nasa kwarto niya na siguro." sagot ni Manang Sol habang naghahain sa lamesa.
Napaangat ng tingin si Aina sa may hagdanan. Saan na naman kaya galing ang ate niya? Palagi na lang siyang hindi sumusunod sa bilin ng kanilang mga magulang. Mapapagalitan na naman siya kapag nalamang mula kaninag umaga ay ngayon lang ito nakauwi. Hindi niya naman ito sinusumbong kailanman ngunit paano kung maabutan siyang wala? Anong isasagot niya gayong maging siya ay walang ideya. Napabuntong hininga na lamang siya.
"Oh Annika, Kumain ka na." napaangat si Aina ng tingin sa pagtawag ni Manang Sol kay Annika.
Umupo naman si Annika sakaniyang pwesto. Hindi inaalis ang tingin sa hawak na cellphone. Panakanaka pa ang pagsilay ng ngiti sakaniyang labi,
"Iha, kumain ka na muna. Ikaw talagang bata ka." hinimas ni Manang Sol ang buhok ni Annika bago lumabas ng dining.
"Yes, Manang." sagot ni Annika bago ibinaba ang cellphone.
Nag-sign of the cross na ang magkapatid bago binigkas sakanilang isipan ang dasal nila bago kumain. Nang matapos ay kumain na si Annika pero si Alaina ay nananatiling nakatingin sa kapatid. Ramdam ni Annika ang pagtingin ni Aina kaya binalingan niya ito. Nagtaas siya ng kilay rito na tila nagtatanong kung bakit ito nakatitig sakaniya.
"What?" Annika asked.
"Uh.. Saan ka galing ate?" nahihiyang tanong ni Aina.
"Why? Is mom and dad asking? Tell them I had a group work." sambit ni Annika habang patuloy na sumusubo. Umilaw muli ang kaniyang cellphone kaya dinampot niya ulit ito at nagtipa.
"Hindi naman. Iniisip ko lang kasi baka maabutan ka nila na wala rito sa bahay. Ayaw ko lang pagalitan ka-" inis na ibinaba ni Annika ang kaniyang cellphone at binalingan ang kapatid.
"Alaina, look. Lumabas lang kami ni Brad. Ngayon, hindi ako pagagalitan kung hindi mo ako isusumbong. Once I knew na isinumbong mo ako sakanila? Lagot ka talaga sakin!" banta nito sa kapatid.
"Hindi naman kita isusumbong ate eh. Natatakot lang ako na baka mahuli ka. Kaya sana mag-ingat ka kung sakaling lalabas ka ulit. Saka huwag mong kakalimutan na Mayor kasi si Dad. Anything we do it will reflect on his image." umikot na lamang ang mata ni Annika sa sinabi ng kapatid,
Nilagok na lamang ni Annika ang natitirang juice sakaniyang baso at saka tumayo. Sinundan siya ng tingin ni Aina. Nanatili lamang siyang nakaupo habang tinitingala ang ate. Annika crossed her arms as she looked down on her sister then smirked.
"Tss, why do I have to be concerned about their image? As if I really matter huh? Ikaw lang naman ang palaging napapansin na may mabuting nagagawa sating dalawa eh. Gumawa man ako ng maayos o hindi. Still, I am the rebellious daughter and you are the oh so good one. So if they don't care about me then I don't care about them either!" may riin sa mga salita ni Annika bago iniwan sa hapag ang kapatid.
Kumirot ang puso ni Aina sa mga sinabi ng ate niya. Wala naman siyang sinasabing ganoon. Hindi niya naman ito masisi kung bakit ganoon na lamang ang sama ng loob nito. Pansin niya rin naman ang kaibahan ng turing ng kanilang magulang lalo na sakanilang ama. Pinunasan niya na lamang ang tumulong luha sa mata at tinapos na ang pagkain.
Nagmukmok na lamang si Aina sakaniyang kwarto. Nakaupo siya sakaniyang study table habang gumuguhit. Nakanguso siya at panay buntong hininga. Isang babaeng lumuluha ang kaniyang ginuguhit. Tugma sakanyang nararamdaman.
Isang tunog mula sakaniyang cellphone ang pumukaw sa lumilipad niyang diwa. Unknown number? Sino naman ito? Bulong niya sa isip.
"Hello?" tanong niya.
"Uh.. Hi, Aina." malamyos na boses ang sumagot mula sakabilang linya.
"Milliecent?" pagkukumpirma niya.
"Oo ako nga. Ang galing mo." bahagyang tumawa pa ito.
"Napatawag ka ata?"
"Kasi... Hindi ako makakasama sa party bukas." malungkot ang boses ni Millicent.
Si Alaina naman ay bahagyang nagulat. Tiyak na madidissappoint si Andra kapag nalaman niyang hindi sila kumpleto bukas.
"Pero bakit? Hindi ba't umoo ka na kay Andra? Sayang naman Mil, Sumama ka na.." malungkot na pamilit ni Aina.
"May emergency kasi dito sa bahay. Hindi ko na maiisingit ang pagparty. Pwede bang humingi ng pabor sayo? Alam mo kasi... una ko mang nakilala si Annika. Hindi naman kami ganoon kaclose. Madalas kasing umiikot lang ang mundo niya kay Brad kaya wala na akong ibang mahihingan ng pabor kundi ikaw." Millie softly chuckled.
"Uh.. Oo naman.. Ano ba iyon?"
"Bukas ay paniguradong may susundo sayo. Of course it would be Theo. Sa sobrang possessive nun sayo eh." tumawa pa ito bago itinuloy ang sasabihin.
"May regalo ako for Andra. Pwede ikaw ang personal na magbigay sakaniya? Ayaw ko magpasuyo kay Thiago, Baka buksan niya eh. Saka nagtatampo na naman iyon sakin dahil hindi ako sasama." malungkot niyang paliwanag.
"Hay. Kakabati niyo lang ah? Sana maging ayos na kayo ulit. Wag ka na malungkot ha? Sige, walang problema. Ako na ang magbibigay bukas."
"Thank you, Aina, Good night."
"Good night too, Mil." doon na naputol ang linya pero hindi maiwala sa isip ni Aina ang napagusapan,
Malulungkot si Andra panigurado pero maiintindihan niya naman siguro iyon. Siya na lang ang bahala magpaliwanag para hindi magtampo ang kabigan. Matapos ay napagpasiyahan niya ng matulog. Mabilis naman siyang nahila ng antok.
Alaina woke up a bit late the next day. A loud knock made open her eyes. She rolled on the other side of the bed and attempted to sleep again. She groaned as another knock boomed outside her door. She heard her mom shouting already but she remained her eyes closed.
"Alaina! Breakfast is ready! Ikaw na lang ang kulang! Ang Ate Annika mo nasa baba na!"
"Coming, mom!" sigaw niya pabalik kahit ang totoo ay nananatili pa rin siyang nakahiga.
Hindi niya alam kung bakit tamad na tamad siyang bumangon ngayong araw. Ilang minuto pa siyang tumunganga bago napagpasyahang bumangon na at magsipilyo. Naghilamos na rin siya ng mukha para magising ang kaniyang diwa. She went downstairs and saw her parents with her ate already eating their breakfast. Sinundan siya ng tingin ng ama hanggang sa makapirmi sa hapag.
"Napuyat ka ba, Aina? Bakit parang antok na antok ka?" malambing na tanong ni Mayor Virgilio.
"Hindi naman po dad. Hindi ko rin po alam." sambit ni Aina bago humigop sakaniyang hot choco.
"Nga pala, mamaya 2pm ay darating na ang make-up artist para ayusan kayo. Si Raffy remember him? He's really good. Para hindi na kayo magpaparlor." nakangiting sambit ni Ginang Thelma.
"Really mom? That's great! Yeah, I love Raffy's work. He used to do your hair and make-up before during your campaign right?" maligayang sambit ni Annika.
"Yes iha,"
"Sinong susundo sainyo?" seryosong tanong ni Mayor Virgilio.
"Ako dad. Susunduin ni Brad. The birthday celebrant's cousin." medyo nahihiya pang sagot ni Annika.
"I see.. I will go home early later to make sure that I would be able to meet him. How about you Alaina?" baling naman ni Mayor sa anak na kasalukuyang nilalantakan ang pancake sa harap.
"Uhmm... Millie called last night dad. She said, Theo. Andra's brother." paliwanag naman ni Aina.
"I once met their parents and they really came from a prestigious family. Kilalang-kilala ang pamilya nila dahil sa tagumpay ng kanilang negosyo sa Maynila. Maraming sikat na personalidad ang napasikat ng kanilang estasyon. Good thing you both made friends with them." bahagyang nakangiti si Mayor.
Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ng ligaya si Annika dahil sa sinabi ng ama. Ngayon lang ata siya may nagawang tama sa paningin nito. Uuntiin niya muna bago maayos na mapakilala si Brandon bilang boyfriend niya.
"Annisiaaaa! Alainaaa!" nangibabaw ang boses ng gay make-up artist ng makapasok ito sa mansion.
"Hey Raf." nagbeso-beso ito sa dalawa.
"Donya Thelma! Thanks for inviting me again." yakap naman nito sa ginang.
"Not a problem, Raf. Just make sure that you'll make my daughters a head turner at the party. Okay?" biro ng ginang.
"Oh! Madam! Hindi naman iyan mahirap gawin! Look at your daughters? Undeniably gorgeous even with no make-up! Leave it to me!" malanding sambit nito.
May mga assistant na kasama si Raffy para sa pag-aayos. Naiilang naman si Aina habang panay ang haplos sakaniya ng mga ito. Hindi siya sanay. Sa tingin niya ay OA na naman ito, Kaya naman niya siguro ayusan ang sarili niya? Kahit papano.
"What kind of look do you want, Nissia?" maarteng tanong ni Raffy kay Annika.
Nakaupo na si Annika sa silya at nakatapat sa salamin. Nakalatag na rin sa harapan niya ang maraming make-up gaya ng lipstick, foundation atbp.
"I'm on my cat woman outfit later, Raf. Make my look a bit daring and sexy." nakangising sagot ni Annika.
"Oooh! Cat woman! I like it!" walang patumpik-tumpik pa ay inayusan niya na si Annika.
"Hello, Ako nga pala si Donna. Madam Raffy's assistant."
"Hello rin po. Ako naman si Aina. Simple lang ang look na gusto ko. Kasi naka angel costume lang naman ako kaya ayaw ko ng bold na look." nahihiyang paliwanag ni Aina.
"Naku! Madali lang pala. Hindi ako mahihirapan dahil ang ganda ng features ng mukha mo. Maamo pa!" nakangiting sambit ni Donna at nagsimula na.
Dalawang oras ang kinain para sa pag-aayos sa dalawa. Sumakit na ang pwet ni Aina kakaupo. Si Annika naman ay naglilibang gamit ang kaniyang cellphone.
"Ang haba ng buhok mo Miss Aina! Madulas at itim na itim! Pwede kang mag commercial sa isang shampoo brand!"
"Naku, wala po akong hilig sa mga ganyan." nahihiyang sambit ni Aina.
After three hours. Annika and Alaina are both ready.
No doubt, They are really Valderama Sisters.
It runs in their blood to have a gorgeous and head turner features.
Annika's on a high and tight pony tail. Nilagyan rin siya ng hair extensions para umabot hanggang sakaniyang beywang. Nakacheck-eye pa ito kaya sumngkit at tumaray ang kaniyang mata. Naka-redlipstick ito kaya mas nakakapang-akit ang buong itsura niya. With her killer heels on she's really a dangerous cat woman.
Alaina is on a half pony. Maalon ang dulo nito. Simple lang ang make up niya pero lumitaw agad ang natatanging ganda. Nilagyan siya ng nude lipstick at pinatungan ng lip-gloss kaya kumikinang ang labi niya. Nilagyan rin ng palamuti ang tuktok ng buhok niya. Gawa ito sa silver beads. Isa-isang kinabit na parang korana. Para talaga siyang anghel.
Annika wore her tight cat woman costume. It's a black onesie suit made of thin leather hugging her body perfectly. While Alaina wore her lace dress revealing some parts of her white porcelain skin.
"Oh my god! Gorgeous ladies!" masayang sambit ni Raffy.
"They are indeed gorgeous, Raf. Thank you." sambit ni Mayor Virigilio. Hindi inaalis ang tingin sa mga anak.
"Not a problem, Mayor."
It's already 7:00 pm. Brandon's black car enters the Valderama's gate. He went out of his car wearing his batman costume. May itim na eye mask pa ito. Bumati siya sa magulang nila Aina. Bakas ang panunuri sa mukha ni Mayor.
"Sir." naglahad siya ng kamay. Tinggap naman ito ni Mayor.
"I want my daughter be here at 12 midnight. Safe and sound." mariing sambit nito.
"Noted, Sir."
"Enjoy guys, Okay?" sambit naman ng kanilang ina at ginawaran ng halik si Annika.
Nauna ng umalis si Annika at Brandon pero si Aina ay wala pang sundo. Hawak ang kaniyang cellphone ay nag-aabang siya ng text o tawag man lang pero wala.
"Iha? Asan si Theo?" tanong ng kaniyang Ina.
"Baka natraffic po? Pumasok na po kayo. Ako na ang bahala maghintay. Parating na rin siguro yun." Aina assured.
"If you say so. Enjoy anak. Be home at 12midnight too,okay?" malambing na paalala ni Mayor.
"Yes, Dad." hinalikan niya ang magulang bago pumasok sa loob ng mansion.
Tumingkayad siya upang tanawin kung may paparating bang sasakyan, Napabuntong hininga siya ng wala. Ang tagal naman, Bulong niya sakaniyang isip.
"Omg!" napatayo siya at kumaripas ng takbo sakaniyang kwarto.
How could she be an angel without her wings? She almost forgot.
Sinuot niya na ang kaniyang pakpak. Binuksan niya ang drawer niya at kinuha ang eye mask niya na kulay ginto. Sinuot niya ito at ngumiti. Bumaba na siya ulit para mag-abang. Nakayuko siya habang naglalakad kaya hindi niya napansin na kanina pa pala naghihintay ang sundo niya.
"Bakit ang tagal mo?" baritonong sambit ng lalakeng nakasuot ng itim na kapa.
Dahan-dahan itong humarap sakaniya. Nanlaki naman ang kaniyang mata.
♪ Beautiful, beautiful, beautiful, beautiful angel
Love your imperfections every angle
Tomorrow comes and goes before you know ♪
Wearing his vampire costume. A black cape and white long sleeves top. Matching with his red vest and black skinny jeans.
"Th-thiago?" gulat na gulat ang anghel sakaniyang nakita. Nakapamulsa pa ito at seryosong nakatingin sakaniya.
Thiago's indeed a hot vampire.
♪ So I just had to let you know ♪