Chapter 7 - Angel Of Mine

2225 Words
♪  When I first saw you, I already knew There was something inside of you Something I thought that I would never find Angel of mine  ♪ "Bakit ikaw? Nasaan si Theo?" gulong tanong ni Aina.  Nakakunot pa ang noo nito. Of all people, bakit si Thiago pa? Sana sa driver na lang nila! Sambit niya sakaniyang isip. Si Thiago na walang ibang ginawa kung hindi ang sungitan siya. Bagay nga sakaniya ang maging bampira. Ang awra niya at nakakalason kahit hindi ka pa kinakagat. Bahagyang nanlamig si Aina ng nakita ang ngisi nito. Nag-iwas na lamang siya ng tingin. His looks made her feel uneasy. "So you really are looking for my brother, huh?" mapanuya nitong sabi. "Because he told me that he'd pick me up!" inis na sagot ni Aina. "Tss, Let's go. Hindi siya makaalis sa party dahil siya ang partner ni Andra. Nakiusap siya na ako na muna ang susundo sayo." tumalikod na si Thiago at naglakad tungo sakaniyang sasakyan. Napabuntong hininga na lamang si Aina at dahan-dahan na ring sumunod. Napatingin siya sa nakatalikod na pigura ni Thiago. Mas matangkad ito kay Theo at mas matikas ang katawan. Mukhang alaga ito sa gym. Pinasadahan niya ang likuran nito hanggang napahagikgik siya ng umabot ito sa paanan ng binata. Thiago in his vampire costume, wears a white sneakers. Aina giggled. May bampira bang naka sneakers? Tss. Bulong niya sa sarili. Nagulat naman siya ng hinarap siya ni Thiago at tinaasan ng kilay. "What so funny? Sasakay ka ba o hindi?" masungit na usal ni Thiago. "Tss. Sungit." bulong ni Aina bago sumakay sa sasakyan. Habang nagmamaneho ay may iniabot si Thiago kay Aina. Isang kahon na kulay dilaw. May laso sa ibabaw nito at halatang pangregalo. "Ibigay mo raw kay Andra." tipid na utos nito. Kinuha naman ito ni Aina at tinitigan. Hindi talaga pupunta si Milliecent? Sayang naman kung ganoon. Unang party pa naman nila itong magkakaibigan. Kung kumpleto sila ay mas masaya. Nilingon niya si Thiago. Ano kaya ang pakiramdam niya? She can see sadness in his eyes. Sa kabila ng pagiging masungit at matigas nito. Makikita mo sa kumikinang niyang mata na may sakit at pagkabigo. Mukhang mahal na mahal niya talaga si Milliecent. Bawat gawin ng dalaga ay malaki ang epekto sakaniya. "Are you gonna carry those wings wherever you go?" sarkastikong sabi ni Thiago ng makababa na sila ng sasakyan. "Malamang! Angel ako eh! Angel! May anghel bang walang pakpak?" inis na sagot ni Aina at nagtangka ng isuot ang pakpak niya. Nagkibit balikat na lamang si Thiago at nauna na papasok sakanilang bahay. Si Aina ay nagpahuli. Ayaw niyang sumabay sa masungit at supladong lalakeng iyon. Nasisira ang imahe niya bilang isang anghel dahil nawawala siya sa mood. Nilibot niya ang paningin sa mansion. Malaki at malawak ito. Ang garden ay puno ng palamuti at ilaw na nagbibigay buhay sa paligid. Nagkakasiyahan na ang mga tao. May mga nagkukuhaan na ng litrato. Agaw pansin rin ang malaking fountain na may dalawang kupidong magkaharap. Sa bibig ng mga ito ay may lumalabas na tubig. Elegante ang backround na naririnig niya mula sa paligid ng hardin. Karamihan sa mga bisita ay nakaprinsesa nga. Hindi siya nagkamali. Bago makapasok sa mansion ay inayos muna ni Aina ang sarili niya. She wore her angel wings and her golden eye mask. She fixed her hair and gently walked inside. And as her feet met the marmol floor of the mansion, the music plays on. ♪ When I first saw you, I already knew There was something inside of you  ♪ Napalingon lahat ng tao sa pagpasok ni Aina. She stunned everyone on her glimmering look. Kung saan lahat ay nakasuot ng magagarbong gown at superhero costumes, siya lang ang naiiba. Sino ba naman kasi ang makakaisip na maging isang anghel? Si Aina lang. ♪ Something I thought that I would never find Angel of mine ♪ Kada hakbang ay nahihiwa niya ang mga tao. Agaw man niya ang atensyon nila ay nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad kahit naiilang na. Nakangiti ang mga tao sakaniya. She smiled back. ♪ look at you, looking at me Now I know why they say the best things are free ♪ Nadaanan ng mata niya si Annika at Brandon na magkaharap. Parehas na may wine sakanilang kamay at nakangiti sakaniya. Hihinto sana si Aina upang lapitan sila. "Walk straight, Alaina." sambit ng ate niya. Kumunot lamang ang noo nito. Bakit siya pinapatuloy sa paglalakad? Hiyang-hiya na nga siya. ♪ Gonna love you girl you are so fine Angel of mine ♪ Lingid sa kaalaman niya ay naghihintay si Theo sa gitna ng lupon ng tao. Dashing on his royal blue prince suit with a red cape. His wavy brown hair shines as the dancing light approaches him. Kumabog ang dibdib ni Aina. Napakagwapo ni Theo. Prinsipe talaga sa paningin niya ito. Hindi mapakali ang mga paru-paro sakaniyang tiyan. Parang may sariling pagtitipon rin ang mga ito at wala silang tigil sa pagsasayaw. ♪ How you changed my world you'll never know I'm different now, you helped me grow  ♪ Nang makalapit kay Theo ay hindi pa rin nahihinto ang paghuhuromentado ng kaniyang puso. Parang lalabas na ito sakaniyang dibdib. Naaamoy niya na agad ang pamilyar na halimuyak ni Theo. Iyong tipong kahit hindi niya makita, kahit masinghot niya lang ay makikilala niya ito. "Finally, you're here." he huskily said. "Hindi tayo bagay oh? Nakaprinsipe ka. Ako kakaiba, nakapang-angel." pilit na tumawa si Aina kahit sa totoo lang ay parang malalagutan na siya ng hininga. ♪ You came into my life Sent from above  ♪ "Who told you that? Sorry I'm not the one who picked you up. Ako kasi ang naging escort ni Andra the whole program earlier. Good thing Kuya Thiago's available since Millie's not around." malamyos nitong paliwanag. "Ayos lang." kahit sa isip niya ay sana nagpahatid na lang siya sa driver nila kaysa si Thiago pa. Pero hindi niya na sinabi dahil baka masira ang mood nila. "You really have the capability to stand out on that little frame of your huh?" "Do I? This is just simple." nakangiting sambit ni Aina. "Oo. Alaina.  Angat na angat ka sa lahat. Masisiraan na nga ako ng bait dahil sa ginagawa mo. Now, Can I have this dance angel of mine?" nakangiting aya ni theo. Marahan namang tumango si Aina. Kinuha ni Theo ang kaniyang kamay at nilagay sa magkabilang balikat nito. Ang kamay naman niya ay bumalot sa baywang ni Aina. Bahagyang natigilan ang dalaga. Umagos ang kuryente sa buong katawan niya. "Loosen up. Is this your first time dancing with a handsome prince?" mapaglarong tanong ni Theo. "Ewan ko sayo!" natatawang sagot ni Aina. ♪ When I lost all hope You showed me love ♪ Theo hugged Alaina while dancing. He wrapped his arms so tight around her waist not letting go. Sumasayaw sila habang magkayakap. Walang pakialam kung ano man ang nangyayari sakanilang paligid, Parang sarili lang nila ang mundo. ♪ I'm checkin' for you, boy You're right on time  ♪ "Alaina... Thank you.." bulong ni Theo. "Hmm? Para saan?" tanong ni Aina habang nakayakap pa rin sa binata. "For making me feel this way... I know it may sound corny and cheesy but... May kakayahan pa lang makaramdam ng ganito ang malokong tulad ko 'no? In case you didn't know... I like you. A lot... Hindi ko lubos inakala na may kakayahan akong magkagusto." he softly chuckled. "Alam ko may mga naririnig kang usap-usapan sa school about me... Oo tama sila.. I play with girls before... I don't take them seriously.. At pinagsisisihan kona 'yun ngayon. Hindi dahil nagpapalakas ako sayo... Kung hindi dahil natatakot ako na gawin sayo 'yun ng iba. At hindi ko yun kaya... Baka makapanakit ako.. Worst, I might kill them.." tumawa man ito pero halatang kayang-kaya niyang gawin. "But I won't let anyone hurt you... As long as I'm here... Are you hearing my heartbeat? Damn.. May sakit na ata ako." malambing na sambit ni Theo. Hindi na sumagot si Aina at dinama na lang ang pagkakataon na makasayaw niya si Theo. Hindi lang alam ni Theo na parehas lang sila ng nararamdaman. Akala ni Aina may sakit na siya sa puso noon, hindi niya namalayan na unti-unti na pala siyang nagkakagusto kay Theo. She just thought, liking someone at an early age is not possible. This is something she will never forget. With her angel wings, dancing with his handsome prince. ♪ Angel of mine ♪ "Oh my god kuya! That was the most corniest act you did!" pambubuska ni Andra ng magsama-sama na sila sa isang table. Nagtawanan ang grupo kabilang sina Annika, Brad, Thiago, Aina at ibang schoolmates. May mga ilang malalapit na kaibigan rin sila na naroon kaya mas inulan ng pang-aasar si Theo. "What? Hindi ko kasi siya nasundo dahil sayo kaya gusto kong bumawi!" "So kasalanan ko pa? Andyan naman si Kuya Thiago eh! Saka kawawa naman ako noh! Hindi niyo ako pinapayagan mag-boyfriend eh! Edi sana may partner na rin ako. Sorry nga pala Aina ha. Hindi ka nasundo ni Kuya." baling ni Andra sa katabing si Aina na abala sa pagkain ng marshmallow. Idinidip pa ito sa chocolate syrup. "Hmm? Naku! Wala yun! Ano ka ba!" may kalat-kalat pa sa paligid ng bibig nito. "Ay! Nga pala." sambit ni Alaina sabay kuha ng maliit na kahon sakaniyang pouch. "Heto, galing kay Mil. Pasensiya na daw at hindi siya nakapunta. May emergency daw sa bahay eh." "Hay naku! Nagtatampo pa rin ako sa babaeng yon!" sambit ni Andra. "Wag ka ng magtampo! May emergency lang kasi. Baka hindi niya kayang magsaya habang may iniinda siya. Oh sige. Akin nalang tong-" mabilis na hinablot ni Andra ang kahon sa kamay ni Aina. "Akin na nga! Hmmf. Oo na sige na. Pinapatawad ko na siya." nakangiting sambit ni Andra sabay ngiti habang nakatingin sa hawak na kahon. Si Thiago naman ay tahimik lang na umiinom ng whiskey sa gilid. Wala ng nagtangka na tanungin siya dahil mawawala na naman sa mood ito at magwawalk-out. "Kuya Thiago! Alam mo wala ka man lang sinayaw ni isa sa friends ko! Ako lang talaga? Alam ko namang mahal na mahal mo ako pero wag naman ganyan!" inis na usal ni Andra. "Eh sinong isasayaw ko? Your friends who still wears their baby bras?" nakangising sambit ni Thiago. Bumuga ng tawa ang grupo. "Oh my god! Bastos mo kuya! Kahit si ano... Hmm..." nilingon ni Andra si Annika. Abala ito sa pakikipagbulungan kay Brad. Inikot niya pa ang kaniyang mata at napansing kung hindi taken ang mga babae rito ay mas bata nga sa kuya niya. Hay! Napabaling siya sa katabi at napangisi.. Bata man si Aina ay maganda ang hubog ng katawan nito. "Si Aina!" halos mabilaukan naman si Aina ng marinig ang pangalan. "Ako? Huwag na. Masakit na ang paa ko sa heels." nahihiyang angal nito. "Weak." usal ni Thiago sabay ngisi at lagok muli ng alak. Halos umusok naman ang tenga ni Aina sa narinig. Weak pala ha! Marahas siyang tumayo sa lamesa at hinarap si Thiago. "Biro lang yon! Ano tara?" hamon niya kay Thiago. Ibinaba ni Thiago ang baso ng whiskey at pinunasan ang nabasang parte ng labi, Nalasing naman na siya kaya malakas ang loob niya ngayon. Tumayo na rin ito at pinagpag ang pantalon. "Whoooo!" pambubuska ng grupo kabilang si Theo.  Alam niyang may dinaramdam ang Kuya niya kaya hinayaan niya itong makasayaw si Aina. May kakaibang awra kasi ito na nakakapagliwanag ng kalooban kahit malungkot ka. Hindi niya lang alam kung ganoon rin ang epekto nito sa iba. Nang magtungo sa gitna ng dance floor ay hindi naman nila alam ang gagawin. Sweet song ang nasa backround. Magkakayakap ang mga tao na kasalo nila sa pagsasayaw. Alangan magyakapan rin sila? Nasa hardin ang mesa nila Theo kaya hindi sila nakikita sa loob. Maya-maya pa ay kinuha na ni Thiago ang kamay ni Aina at isinakbit sa balikat niya. Ang kamay niya naman ay dumapo sa baywang ng dalaga. Kung kanina ay bahagya lang ang kuryenteng naramdaman niya noong kasayaw si Theo. Ngayon naman ay parang  dumoble ang boltahe nito. Nakaisang kanta na sila pero wala pa ring nagsasalita. Sumasabay lang ang kanilang paa sa ugoy ng musika. Nakayuko lang si Aina. Si Thiago naman ay tinatanaw siya. "Bakit ang tahimik mo? Bago yan ah." panunuya ni Thiago. "Masakit nga paa ko!" niyuko ni Thiago ang paa ni Aina. Namumula na nga ito. Hindi kasi siya sanay sa heels. Kapag may okasyon lang siya nakakapagsuot nito. "Tss. Bakit ba kasi nagsusuot ka niyan di mo naman pala kaya." sasagot sana pabalik si Aina ng biglang umupo si Thiago. Kunot noo naman siyang niyuko ni Aina. Thiago slowly removed his white sneakers leaving him with his black socks. Nilagay niya ito sa paanan ni Aina bago ito tiningala. "Wear that." seryosong sabi nito. "Huh?" lumukot naman ang mukha ni Thiago dahil sa bagal ng pagpcik-up ni Aina. Hinawakan niya ang paa ni Aina at hinila ito upang siya mismo ang magtanggal ng sapatos nito. "Th-thiago!" natatarantang sambit ni Aina. Nang matagumpay niyang maisuot kay Aina ang sneakers ay tiningala nito ang dalaga at ngumisi muna bago tumayo. "There. Mas makakasayaw ka na ng maayos." sambit nito bago ibinalik muli ang posisyon ng kanilang kamay sa kaniya-kaniyang katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD