Chapter 8 - Your Call

2091 Words
♪  I was born to tell you I love you, And I am torn to do what I have to, To make you mine Stay with me tonight  ♪ The party was fun and entertaining after all. They danced all night like it's the last jive of their lives. Annika and Brandon seized the moment. They didn't separate ways. They enjoyed each other company just alone. Nakikihalubilo naman sila pero mas gusto pa rin nila na nasosolo ang isat-isa. Gaya nga ng sabi ni Andra, matagal man silang magkakakilala ay hindi pa rin sila ganoon kaclose dahil mas pinipili nitong samahan ang nobyo. Nakilala na rin ni Aina at Annika ang mga magulang ng magkakapatid na Valentino. Both are well off in life they must say. Sophisticated and reputable are the best words to describe them. Mrs. Emiliana Valentino on her red dress covered with white fury jacket. Pearls and crystals hanging on her neck and shining brightly on her ears. Mr. Samuel Valentino on the other hand is very rugged on his black suit and tie. Both no trace of being on their late 50's. "Anthelma and Virgilio Valderama? How could I not know them? You're parents are the only persons I know that are good musicians and business minded back then." nakangiting sambit ni Emiliana bago sumisimsim sakaniyang red wine. "I agree to that. Virgilio and I used to play golf way back in college. Didn't he mentioned? He used to lose over me!" bidang sabi naman ni Samuel na nagpahalakhak sa lamesa. Sa isang round table ay si Theo, Annika, Aina, Thiago, Alejandra at Brandon. Ekslusibo lamang sa malalapit na kaibigan ni Alejandra at sakaniyang mga magulang. Pasulyap-sulyap naman si Theo kay Aina na walang kapaguran sa matatamis na nakahain sakaniyang pinggan, "So I supposed both of you has the musician side of the Valderama?" nakangiting saad ni Donya Emiliana sa magkapatid. "Uh, yes tita. I guess it really runs in the blood." naiilang na ngiting sagot ni Aina. Bigla naman bumigat ang loob ni Annika dahil sa narinig. Alam niyang sinalo na naman siya ng kapatid para hindi mapahiya. Ngunit imbis na matuwa ay kabaliktaran ang nararamdaman niya. She hates it so much every time Alaina will cover up for her. Pakiramdam niya ay wala siyang pakinabang. Always hiding at her younger sisters shadow. Time flies so fast that they already consumed half of the school year. Mas naging malapit na silang lahat maging si Annika ay sumasama na rin kahit minsan ay wala si Brad dahil abala sa pagbabasketball nito. Paminsan ay sinasamahan rin siya ni Andra, Millie at Aina sa gym para manood. Minsan rin kasi ay naglalaro si Theo at Thiago. Malaki ang naitutulong nila sa Alberta Basketball Team dahil sa husay nila sa paglalaro. Kailangan lang talaga ay balanse ito sakanilang pag-aaral. "Kuya! Ayusin mo naman! Matatalo ka na ni Javier! Go Javier!" sigaw ni Andra sa tabi ni Aina. Napapailing na lamang si Aina dahil mas chinicheer pa nito ang kalaban kesa sa mga kadugo. Si Javier ay isa sa dayong team mula kalapit na unibersidad. Maari kasing magkaroon ng laban sa gymnasium basta ba ay dumaan ito sa maayos na proseso at pagpapaalam. Maldiaga University ang kalaban ng Unibersidad ng Alberta ngayong araw. Ang iba rito ay kakilala naman ng kakampi nila Theo. Paminsan naman ay random team lang basta may malaban sila. "Grabe, iba pala talaga ang mga lalake sa Maldiaga ano? Very masculine and hmmm..." kagat labing sambit ni Andra habang nakatitig sa mga manlalaro ng kalabang unibersidad. "Ano ka ba!" natatawang hinampas ni Aina ang kaibigan. Sa kakasama niya kay Andra ay natututo na siyang maging open minded sa ibang bagay. Mula sa pagiging inosente ay namumulat na siya sa mga realidad na nangyayari talaga sa hinaharap. Ang sabi lang ni Andra ay basta ba kaya nilang ingatan ang kanilang mga sarili ay sa tingin niya wala namang masama roon. Mas mabuti na ang may kaalaman kesa sa wala. "What? Look at that guy on jersey number 5. I can see that he's looking this way. I bet he's hitting on you!" patuyang sambit nito. "Ano? Haha. Malisyosa ka talaga!" iling ni Aina at nagbalik na lamang ng tingin sa laro. Si Millicent at Annika naman sa likuran nila Aina ay panay cheer sakanilang kasintahan, Hawak na ng Alberta ang bola. Na kay Thiago ito at masugid na nilampasan ang kalaban. Bumwelo ito upang makapuntos, hinarangan man siya ay walang saysay iyon. Matagumpay niyang nailusot ang isang three point shot. Nagtalunan naman ang apat na babae sa tuwa. "Whooooo!" sigaw ni Andra ang nangingibabaw sa buong gym. Karamihan ng babae ay nanonood sa laban na ito. Who wouldn't? Bunch of handsome and masculine guys running and sweating in front of you. Nakipaghand-shake naman ang dalawang grupo sa isa't-isa at nagbatian. Naunang tumakbo palapit si Thiago. Pawisan ito kaya naman sinalubong siya ni Millie hawak ang isang bimpo. Pinunasan niya ang tumutulong pawis mula sa hibla ng buhok nito, noo, leeg, batok, maging sa balikat nito. Hinayaan lang ito ni Thiago. Napatagal ang tingin doon ni Alaina. At sa hindi mawaring dahilan ay parang may sumisikip sakaniyang dibdib. Nailamukos niya roon ang kaniyang mga kamay. Ano na namang nangyayari sakin? "Brad! Congrats!" tinalon ni Annika ang nobyo at ginawaran ng mahigpit na yakap kahit pawisan ito. "Hey, I'm full of sweat." natatawang sabi bago hinalikan si Annika sa tuktok ng ulo nito. "I don't mind..." matamis na ngiti ni Annika. Si Andra naman ay hinagod ang kaniyang buhok at ang maiksing palda. Akmang bababa siya ng bleachers ng kunot noo siyang pinigilan ni Aina. Napalingon naman siya sa nagtatakang kaibigan at ngumiti. "At saan ka naman pupunta, Alejandra?" "Magpapakilala ako kay Javier!" kinikilig nitong sabi. Napanganga naman si Aina sa sinabi nito. "Ano? Nababaliw ka na ba? Let the guy chase you, Andra!" bakas ang iritasyon sa boses ni Aina. Ayaw niya namang magmukhang easy to get ang kaibigan, "Hindi laging ganon, Aina. Kaya maraming single ngayon dahil inaantay nilang lapitan sila ng gusto nila. Which is very wrong! Paano pala kung inaantay lang din ako ni Javier? Edi naghihintayan lang kami?" katwiran nito. "Bahala ka!" inis nitong binitawan ang palapulsuan ni Andra. Parang nakawala naman sa kulungan ito na tumakbo pababa ng bleachers. "Saan naman pupunta iyon?" mahinhin na tanong ni Millie bago inabutan si Thiago ng tubig. "Uh.. Doon daw kay Javier." nag-iwas ng tingin si Aina at inasikaso na lamang ang pag-aayos ng gamit ni Theo sa kaniyang tabi. "Tsk!" inis na asik ni Thiago. Kunot noo nitong tinanaw ang kapatid na kasalukuyan ng kausap ang crush na si Javier. Tinanaw na lamang ni Aina si Theo mula sa di kalayuan. Nakita niyang kasalukuyang kinakausap ng kanilang coach. Siya kasi ang team captain nila. Nang mag-angat siya ng tingin ay isang lalake mula sa kabilang team ang tumatakbo papalapit sakaniya. Kulay maroon ang jersery nito at may nakaimprentang M.U (Maldiaga University) numero singko. Teka? Ito ang tinutukoy ni Andra kanina ah? Sabi niya sakaniyang isip. Nagmamasid naman mula sa likuran sina Annika. Tanaw nila si Theo na nakatingin kay Aina kahit kausap ang kanilang coach ay wala na ang atensyon niya roon. "Hi, Ako nga pala si Matias. Taga Maldiaga University ako. Napanood mo ba yung buong laro?" nakangiti nitong tanong kay Aina. "Uh, oo. Congrats." naiilang namang sabi ni Aina. "Hindi nga kami nanalo eh. Pero salamat na rin. Ikaw si?" naglahad ito ng kamay. "Alaina. Aina na lang." akmang tatanggapin na ni Aina ang kamay ng may baritonong boses ang nagsalita mula sa likod. "Aba, Matias Rivero. Baka gusto mo ng rematch? This time boxing naman?" Theo's voice thundered into the whole gym. Napatayo si Aina dahil sa pagkakataranta. Sina Annika rin na nasa likuran ay nagpapakiramdaman. Hindi muna sila lumapit at mas piniling mag-obserba. Matias only smirked at Theo when they already facing each other. It seems like there's an invisible electric voltage  line that could trace the eye to eye contact of both men. Mabilis na lumapit si Aina sa tabi ni Theo at hinawakan ang braso nito. Napatingin naman rito si Theo. "Th-theo. Nagpapakilala lang.." bulong ni Aina sa tabi. Alam niyang masamang magselos si Theo dahil umamin na ito. Nagbanta na rin ito na makakapanakit siya, kaya ayaw niya namang mangyari iyon. "Kahit na! Can't you see the Valentino name plate all over her forehead huh? This girl is mine! Kung sino pa man ang hindi nakakakaalam ngayon alam  niyo na!" galit na sigaw ni Theo. Agaw atensyon ito dahil nakatingin na sakanila ang mga tao sa buong gym. Ang mga kateam mates naman ni Matias ay lumapit sakaniya at hinila na siya palayo. Masama pa rin ang tingin ni Matias pero dahil nasa teritoryo sila ng Alberta ay wala silang magagawa kundi umalis. "Di pa tayo tapos, Valentino!" mariing sambit ni Matias bago tinalikuran ang nanggagalaiting si Theo. Nang makaalis na ang grupo ay tumatakbo naman papalit si Andra sa dalawa. Halos hindi makahinga at nangangatog na ang tuhod ni Aina dahil sa takot. Ngayon niya lang nakitang ganoon kagalit si Theo. "Kuya! What was that? Umalis na tuloy sila Javier!" reklamo ni Andra. Hindi kumibo si Theo. Maya-maya pa ay lumapit na rin sina Thiago, Millie, Annika at Brandon. "Easy, Yoh." Brandon tried cheering Theo up. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng mga babae lalo na si Aina. Imbis na magsalita ay marahas na hinaklit ni Theo ang braso mula sa pagkakahawak ni Aina. Dinampot nito ang bag at tinalikuran ang mga kaibigan. "Theo!" sigaw ni Millicent pero dirediretso lamang ito. Halos maiyak si Aina dahil sa ginawang iyon ni Theo. Hindi siya sanay. This is the first time Theo turned his back to her. Napalunok na lamang siya. "Aina..." nag-aalalang hinawakan ni Andra ang braso ng kaibigan. "Susundan ko lang." sambit ni Aina. Kinuha ang kaniyang bag at umalis. Humahangos niyang sinuyod ang kalapit na gusali sa gym. Paikot-ikot na siya pero hindi niya pa rin makita. Desperada na siya kaya halos bawat classroom ay sinilip niya na. Buti na lang ay wala ng masyadong nagpupunta rito dahil luma na. Napahinto naman siya ng sawakas ay makita niya si Theo sa labas ng men's comfort room. Malapit sa drinking fountain. Nakaharap lang siya sa dingding at nakatukod ang magkabilang kamay. Nakayuko ito at pawisan. Tumutulo ito sa bawat hibla ng kaniyang buhok. Marahan siyang nilapitan ni Aina. Tunog lamang ng patak ng tubig mula sa drinking fountain, hampas ng hangin sa puno, hingal ni Theo at takong ni Aina na marahang lumalapit ang maririnig sa hallway. "Th-theo..." bulong ni Aina. Hingal-hingal pa rin si Theo. "f**k!" mura nito bago pinagsusuntok ang pader. Nanlaki ang mata ni Aina sa ginawa ni Theo. Sunod-sunod na suntok ang iginawad ni Theo sa walang muwang na dingding. "Theo! Tama na!" sambit ni Aina hila ang laylayan ng jersey uniform nito pero hindi nagpatinag si Theo. Kahit sugatan na ay tuloy pa rin siya sa pagsuntok. "Theo! Please! Please! Tama na!" hindi na napigilan ni Aina ang sarili. Bumuhos na ang mga luha niya. Hindi niya kayang makita na ganito si Theo. Hindi siya sanay. Tuloy-tuloy ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Nanghina siya at nabitawan na ang damit ni Theo. Huminto na sa pagsuntok si Theo at pawing hingal na lang nito at hikbi ni Aina ang maririnig sa buong hallway. "Tama na..." Aina pleaded still crying. Full of guilt, Theo looked at her. Parang may patalim na umasinta sakaniyang puso. Napakagago niya para paiyakin ang babaeng mahal niya. Mabilis niyang hinila sa palapulsuan si Aina at ginapos sa isang mahigpit na yakap. Angat baba ang balikat ni Aina indikasyon na panay ang hikbi pa rin nito. "Tama na... Tama na..." Aina said still crying and trembling. "Sshhh..." pagtahan ni Theo sa babae. Parang nakiayon naman ang paligid sakanilang dalawa. Walang nangahas na dumaan sa hallway na iyon. The wind blew softly taking away the pain, anger and jealousy that they feel. "Damn, please don't make me jealous again.." Theo said on a weakened deep voice. Tumango lamang si Aina. Humiwalay si Theo sa pagkakayakap at pilit sinalubong ang mga tingin ng dalaga. "Did I scared you?" marahang tanong ni Theo sa dalaga. Tumango lamang si Aina habang nakanguso. Napangiti na lamang si Theo at niyakap muli si Aina. "I'm sorry, ganito pala yung pakiramdam ng nagseselos... Nakakabaliw.." natatawang sambit ni Theo habang yakap parin si Aina. Dinadama ang ulo nito sakaniyang dibdib. Napangiti na lamang siya. He never imagined that he will be this close to the girl she loves.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD