Chapter 9 - Someday We'll Know

2148 Words
♪ Someday we'll know If love can move a mountain Someday we'll know Why the sky is blue Someday we'll know Why I wasn't meant for you ♪ Kinahapunan ay hindi na muna sumabay sa driver si Aina pauwi. Mas pinili niyang manatili muna sa kanilang library para tapusin ang takdang aralin. Mas makakapagfocus kasi siya kapag nasa library at napapaligiran ng mga aklat. At isa pa, she wanted an alone time for herself because of what happened earlier. Napahinto siya sa kalagitnaan ng pagsusulat. Naalala niya muli ang nanglilisik na mata ni Theo kanina. Ganoon ba talaga kapag nagseselos ang isang tao? Hindi niya pa iyon nararamdaman. Pero siguro nga ay may kakahayang magalit ang isang tao ng ganoon, kapag may nagtangkang umagaw ng pag-aari nito. Kung kay Theo ba ay may magtangka ring magpakilala ay ganoon ang magiging reaksyon niya? Hindi niya mapigilang isipin. Napatingin siya sa may bintana ng umingay ang kulog mula sa kalangitan. Alas-singko pa lang pero nag-aagaw na ang dilim dahil mukhang uulan. Tumingin siya sakaniyang wrist watch bago nagbalik ng tingin muli sa may labas. Bumuntong hininga siya dahil wala na siyang balak tapusin ang mga ginagawa kesa abutan pa siya ng malakas na ulan. Niligpit niya na ang mga librong hiniram at ibinalik ito isa-isa sa mga estanteng pinagkuhanan. Sunod ay ang mga notebook naman ang isinilid niya na sakaniyang bag. Kinuha niya mula sa bulsa ang cellphone upang tawagan ang kanilang driver na sunduin na siya. Bahagya siyang nataranta ng hindi niya ito mabuksan. Diniinan niya ang gilid nito para umilaw na pero wala! "Tsk! Wala pa naman akong dalang power bank!" inis niya sabi bago tuluyang lumabas sa library. Nakayuko siya habang naglalakad at pilit pa ring binubuksan ang nakapatay na cellphone pero hindi pa rin talaga gumagana. Ibinulsa niya na lamang ito at nag-isip. Malayo pa ang payphone mula sa Alberta, tatawag sana siya sa mansion kaso wala rin siyang numero ng mga ito. Naglakad na siya palabas ng gate. Iilan na lang ang estudyante sa unibersidad. Ang iba pa rito ay nakatira sa dorm na kalapit lang kaya ayos lang magpagabi. Nakaupo lang siya sa labas ng gate ng Alberta kung saan naroon ang waiting shed. Ilang jeep, tricycle at kotse na ang dumaan pero nanatili pa rin siyang nakaupo. Maya-maya pa ay bumuhos na ang malakas na ulan. Mabuti na lang at hindi siya nababasa dahil covered naman ang waiting shed. Frustrated and hungry, Aina stared on the non-stop drips of water coming from the rain. Basa na ang ibabaw ng kaniyang medyas maging ang dulo ng kaniyang palda dahil sa anggi ng ulan. "Bakit nandito ka pa?" nagulat siya ng makita si Thiago sakaniyang gilid. Nakasando lang ito dahil ang puting polo ay nakataklob sakaniyang ulo bilang panangga sa ulan para hindi siya mabasa. Nakatitig lang sakaniya si Aina. Kung paano niya pinagpag ang nabasang polo at walang pakundangang sinilid ito sa bag hanggang sa pag-upo nito sakaniyang tabi, Umusog siya ng kaunti para bigyan ito ng espasyo. "Uh, may ginawa kasi ako.. sa library kanina... kaya hindi muna ako sumabay kay Ate Annika. Kaso, nung itetext ko na ang driver namin.. Lobat pala ako." nakayuko nitong paliwanag. "Tss, ang sipag mo naman kasi." bahagyang tumawa pa si Thiago. Takang-taka niyang nilingon si Thiago dahil paminsan niya lang ito makita or marinig na tumawa o masaya. Siguro dahil ayos na sila ni Millicent. That girl really has a big effect on him. Kapag magkaaway sila ay bad mood si Thiago. Kapag naman ayos sila ay good mood ito. "Edi mag-commute ka." suwestiyon nito. "Hindi ako marunong." halos pabulong na sambit ni Aina. Huminto na ang ulan sawakas, Natigilan siya ng tumayo na si Thiago sakaniyang tabi. "Ako marunong. Let's go." sambit nito at hinila sa palapulsuan si Aina para tumayo. Dinampot lamang ni Aina ang bag at nagpatinaod na sa paghila ni Thiago sakaniya, Nakatingin siya sa malaking kamay nito na nakahawak sa maliit niyang palapulsuan, Parang umiinit ang kaniyang pakiramdam. Malamig naman dahil sa dulot ng ulan pero bakit ang kalooban niya ay nag-aapoy? Huminto sila sa may kanto at nag-abang ng jeep. "A-alam mo ba ang samin?" Nag-angat siya ng tingin kay Thiago na nakasuot pa rin ng sando. Hindi niya maiwasang mapatingin sa malapad na balikat nito at collar bones. At kapag lumulunok ito ay sumusunod ang nakaumbok na adams apple. Pinasadahan niya lamang ang buhok gamit ang kamay bago hinarap si Aina. "Of course. We've been there before, nakalimutan mo na?" napaisip siya. Oo nga pala. Noong bakasiyon ay galing sila roon. Kung bakit ba kasi hindi sila natutong magcommute eh. Edi sana hindi niya na kailangan pang samahan ng taong ito. "Eh paano yan? Punuan?" tanong nito ng makita ang sunod-sunod na pagdaan ng siksikang jeep. "Aina..." tawag ni Thiago. Her heart skipped a beat. Bihira siyang tawagin nito sakanyang pangalan. That's because they talk to each other less. "Ni minsan ba sa buhay mo... may nagagawa kang sobrang nakakapagpasaya sayo? Something that every time you do. You feel like ...it's you. Not anyone else... or not what your parents wants you to be..." natigilan siya sa biglaang pagtatanong ni Thiago. Something that every time she does... feels like her? Naisip niya agad ang pag-guhit at kahit anong bagay na konektado sa musika. Gusto niya sanang sumagot pero para siyang naputulan ng dila, Alaina is known for being talkative but whenever she's with Thiago, she is suddenly lost for words. There's this aura about him that you'd be so intimated so you'll just choose to shut your mouth. Ayaw na niyang masungitan ulit. Masakit pa naman ito magsalita. Nakita niyang pinara ni Thiago ang isang jeep na punuan. Lumapit ito sa driver at nag-abot ng bente. Noong una ay ayaw itong tanggapin dahil wala na ngang bakante pero dumukot ulit siya ng pera sa bulsa at pilit inaabot. "Sige na manong. Sasabit lang kami!" pilit niya. "Sige na! Sige na! Basta kapag nahulog kayo riyan ay hindi ko kayo kargo ha!" sigaw ng driver. Sumaludo lamang si Thiago rito bago lumapit kay Aina. Kinuha niya ang pink na bag nito at sinakbit rin sa balikat niya bago mabilis na hinawakan ang palapulsuan nito. Nanlaki ang mata ni Aina dahil tumakbo si Thiago kaya napatakbo na rin siya. Nang makalapit sa bungad ng jeep ay hinawakan ni Thiago ang baywang ni Aina upang isampa sa apakan nito. Halos manlambot ang tuhod niya ng hawakan siya ni nito. Hindi pa siya nahahawakan nino man bukod sa kamay! "Thiago! Hindi ako marunong nito! Mahuhulog ako!" sigaw ni Aina dahil sa pagkakataranta. Mahigpit ang hawak niya sa gilid ng bubungan ng jeep. Hindi siya pinakinggan ng nakangising si Thiago. Bagkus ay sumabit na rin ito ay pumwesto sa likuran ni Aina. Nakatulod ang dalawang braso sa pagitan nito bilang pag-alalay sa dalaga. Tinapik niya ang bubungan ng jeep indikasyon na paandarin na ito ng driver. At sa hudyat na iyon ay humarurot na patakbo ang sasakyan. "Oh my god!" sigaw ni Aina habang nakayuko at nakapikit. Mahigpit ang hawak niya sa may bubungan ng jeep. Takot na takot siya at kahit pagdilat ay hindi magawa. "You're not gonna fall, Aina! Open your eyes!" sigaw ni Thiago dahil nangingibabaw ang tunog ng makina. "What? My knees are trembling!" sigaw pabalik ng mangiyak-ngiyak na si Aina. "You're missing everything! It's not every day we can do something like this!" sigaw muli nito. Nacurious naman si Aina sa sinabi nito. Ano ba ang tinutukoy niya? Hindi araw-araw ay mararanasan niya ang ganito? Hindi talaga ano! Dahil unang beses niya palang gagawin malamang ay patay na siya dahil sa nerbyos! Sambit nito sa utak niya. "Just... look at it.." seryosong bulong ni Thiago malapit sakaniyang tenga. Parang may kuryenteng gumapang mula sakaniyang tenga... pababa sa kaniyang batok. Kinilabutan siya sa magaspang na pagbulong na iyon ni Thiago kaya unti-unti, minulat niya na ang dalawang mata. Sumabog ang kaniyang buhok palikod dahil sa pagsalubong nila sa malakas na hangin. At doon, nakita niya na ang tinutukoy nito. In front of them is the beautiful province of Alberta. They are looking at the mountains while the sun is setting in between. Ang palayan at ang kabundukan ay walang kasing ganda. Nag-aagaw na ang liwanag sa dilim. Napapalibutan na ng kulay dilaw ang paligid dahil sa makapangyarihang liwanag ng papalubog ng araw. Knowing Aina's desire for sunset, this scene made her speechless. Madalas niya itong nakikita sa tuwing nasa may dalampasigan siya ng kanilang mansion. Makailang beses rin pilit iginuhit, Ngunit walang kasing ganda ang nakikita niya ngayon. "This.. is.. so.. majestic." bulong ni Aina habang nakatitig pa rin sa papalubog na araw. Tahimik lamang sa likuran niya si Thiago. Nakatukod pa rin ang magkabilang kamay bilang pag-alalay. Masayang nakarating si Aina sakanilang mansion. She had a new experience today, not minding if that happened with the least expected person that she'd ever think of. At dahil doon, kahit sabog man ang kaniyang buhok, mabilis siyang nahila ng antok. Next day at the Valentino's mansion. Theo woke up early because their basketball coach called a meeting. Thiago on the other hand woke up at the normal time every time he goes to school. Nakauniporme na itong dumiretso sa dining area upang humalik sa pisngi ng kaniyang Ina. Andra's already at school too leaving him and their parents on the table. "Good morning, iho." malamyos na bati ni Donya Emiliana sa anak bago ito umupo sa tapat nila. Nagsandok na ng kanin at tumusok na ng bacon si Thiago. Nagsimula na siyang kumain habang pinanonood lang siya nila Donya Emiliana at Senyor Samuel. Nagbabasa lang ng diyaryo si Senyor habang sumisim sakaniyang mainit na kape. Ang asawa naman niya ay hindi mapakali sakaniyang tabi. May gusto itong sabihin sa anak pero natatakot siya na baka magalit ito. "Thiago, anak..." marahang tawag ni Emiliana sa anak. Hindi naman ito nag-angat ng tingin at patuloy pa rin sa pagkain. "How is your relationship... with the Valderamas'?" paunang tanong nito sa anak. Natigilan muna si Thiago bago sumagot. "Just fine mom. Why?" taka nitong tanong. "Nothing, I just supposed you like any of them? Both of them are undeniably gorgeous. Mayaman ang pamilya.. Kilala ang magulang sa larangan ng politika.. Complete package." hindi muna kumibo si Thiago. May kutob na siya pero ayaw niya sa ideyang iyon. "I've seen that Brandon is really fond of the elder Valderama? But then, how about... the younger? Does she have a boyfriend already?" kuryosong tanong nito. "I don't know and I don't care, mom." supladong sagot ni Thiago bago sumubo muli. "Oh come on iho! You are the eldest Valentino that we have. Soon, when you grew older and capable enough we'll let you handle the company. But for now, I want you to have a definite woman to marry when the right time comes.. and I want it to be... Alaina." natigilan si Thiago mula sa pagkakasubo. "Mom, if this is one of the fixed marriage that you want me to brag into. I'm sorry. I am not interested. I have girlfriend." inis nitong sabi. Ngumisi lamang ang kaniyang ina habang ang ama ay tahimik lang sa tabi at nag-oobserba. "And so? As if you'll marry that girl.. Do many girlfriends as much as you want. Basta ba kay Alaina ka mapupunta sa huli." nakangiting sambit nito. "Mom... I am not interested with that girl. And I, will never be okay? I just find her as my younger sister. Just like Andra. At isa pa, that girl is much closer with Theo. So better fixed her to him." mariing sabi niya bago uminom ng tubig, "You are the eldest so you'll get to marry first! Si Theo, makakahanap pa siya ng ibang babaeng pwedeng pakasalan! Ngayon pa nga lang ay iba't ibang babae na ang nakakasama niya. What more in the future? And that does not matter to me. Basta ba sa huli, kapag mga nasa tamang edad na kayo ay kami pa rin ang masusunod! You are the first born so I want the best for you!" galit na sabi ni Emiliana. Marahas naming tumayo si Thiago sakaniyang pagkakaupo. "I will not marry a girl that I don't even like! This is my life! I will decide on my own!" "Thiago!" sigaw ng kaniyang ama. "Sorry, dad. Papasok na po ako." pahuling salita ni Thiago. Lumabas na ito at pumasok sakaniyang sasakyan. Pinaharurot nito at minaobra palayo. Kasabay non ang paglimot niya sa mga narinig mula sa magulang. He will never marry anyone as long as it's Millicent. She will never break Millie's heart ever. That's what he thought. Nakasalubong ni Aina si Thiago sa hallway ng 4th year building dahil may iniabot siya sakaniyang ate. Pero kahit tingin ay hindi siya ginawaran nito. Malayo sa naging pakitungo nito sakaniya kahapon. "Bipolar talaga 'nun." bulong ni Aina sa sarili at isinawalang bahala na lamang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD