♪ Cause every day, every night, I keep looking up the skies
And I'll pray that someday you will wake up in my arms
And love will never end
We belong together, always and forever
Call my name and I'll be there ♪
Isinawalang bahala na lamang ni Aina ang hindi pagkibo sakaniya ni Thiago. Sanay naman na siya dahil sa araw-araw na pag-ignora nito. At isa pa, nariyan naman si Theo na walang humpay ang pagpapakita sakaniya ng kahalagahan. Napapasaya siya lagi nito at walang sawang pinadadama ang presensiya niya.
Nakasakbit ang kamay ni Andra sa braso ni Aina habang sabay silang naglalakad sa hallway pabalik ng kanilang classroom. Masayang nakikwento si Andra tungkol sa nangyaring pag-uusap nila ni Javier kahapon.
"He said that? Eh kakakilala niyo pa lang!" kumento ni Aina ng sabihin ng kaibigan na gusto rin ito ni Javier.
"And so? Are you not familiar with love at first sight, Alaina?" inilingan lamang siya nito. Andra rolled her eyes heavenwards. She can't believe it! Saan ba galing itong si Aina?
Sumusunod ang mga lalake sakanilang gawi. Sumisipol ang mga ito, ang iba naman ay nagtutulakan pa para lumapit sa dalawang dalaga pero walang nagwagi. Kapag nalaman ng isa sa mga Valentino na nilapitan ang kanilang kapatid ay tatamaan sila. Lalo pa si Aina, kapag nalaman iyon ni Theo ay makakatikim ng hagupit niya.
"Love at first sight means, when you first saw a specific person you suddenly feel the butterflies on your stomach..." damang-dama ni Andra ang pagkwento.
"Sa unang pagtama pa lang ng mga mata niyong dalawa... alam mo ng magkakaroon ng malaking parte ang taong iyon sa buhay mo. Spark kumabaga!... ihhhhh!" kilig na sambit ni Andra.
"Hay nako! Pumasok na nga tayo!" natatawang hila ni Aina sa kaibigan.
Love at... first sight? She remembered how her eyes met Theo's. She felt a loud hammering from her heart and from that day on, she knew. She like Theo already. But love? Hindi niya pa alam.
"Quiet! Everyone... This coming foundation day, our beloved Alberta University will be conducting an entertainment week for all. In line of this, each year level will get to pick what performance or activity they will do. For example, first year students is in charge for cooking. They will provide free taste or free meal for every one which they will personally cook. On the other hand, second year students are for dancing. They will conduct a flash mob or public dancing on our covered court and school grounds. Something just like that." paliwanag ng kanilang adviser.
Sari-saring bulungan na naman ang umalingawngaw sa buong klase. Isa ito sa pinaka kinaayawan ng ilang estudyante dahil masiyadong matrabaho. Kailangan mag ensayo kahit tapos na ang klase imbis na nagpapahinga na lang sila sa bahay.
"Quiet! As I've said, this is 20% part of your final grades this quarter so all of you.. must participate. For our section.. we will be doing a... musical play!" masiglang sambit ng kanilang guro.
"Play? Anong laro yan, Miss?"
"Baka bahay bahayan! Ako tatay ikaw nanay!"
"Sali ako diyan!"
Naghalakhakan naman ang buong klase dahil sa mga malolokong kumento ng mga kamag-aral. Pinalo ng kanilang guro ang desk nito kaya naglikha ng sapat na ingay para tumigil ang pagkakagulo.
"This is not a joke! Kayo talaga!" inis na sabi ng guro bago kumuha ng chalk at nagsulat sa pisara. Nang matapos ay humarap.
"We will be playing, Disney's The little mermaid." nakangiti nitong sabi.
Tahimik lang si Aina nakikinig sa guro. Andra beside her is busy looking at her reflection on the mirror. Some girls shrieked upon hearing their adviser's announcement.
"So... Who among you guys wants to be part of the show? Lahat naman tayo ay pwede maranasan ang gagawin ng iba't-ibang year level pero ang magjajudge kung naentertain sila ay ang college students." nagsitanguan naman ang mga estudyante.
"Omg! Means college boys would able to see us perform?" A girl named Jazzmine said to her friends.
Isa siya sa mga magagandang dalaga rin sa campus. Mayaman at kilala ang pamilya dahil sa negosyo nilang minahan. Jazzmine is well likely known as the campus brat. Whoever comes her way, backs out. Minsan niya ng nakaaway si Annika dahil sa kaartehan nito. Wala naman siyang palag kay Annika dahil kilala rin itong palaban at syempre dahil sa kanilang magulang.
"Who wants to play the role of little mermaid?" tanong ng adviser.
"Me!" mabilisang tinaas ni Jazzmine ang kaniyang kamay,
Kunot noo naman itong nilingon ni Andra. She hates Jazzmine's attitude especially when she keeps on bugging her brother-Theo. May gusto ito kay Theo kaya nagpapanggap itong mabait at kinakaibigan siya para mapalapit sakaniyang kuya.
"But, Miss!" tumayo bigla si Andra na kinagulat ng lahat. Maging si Aina ay napaangat ng tingin sakaniya.
"Yes, Miss Valentino?"
"Alaina here... wants to be the mermaid too.. How is that?" mataray na tanong ni Andra.
Nanlaki ang mata ni Aina at hinawakan ang kamay ni Andra. Pilit niya itong hinihila paupo.
"Andra! Ano bang sinasabi mo? Ayaw ko!" mariing niyang bulong sa kaibigan pero ngumisi lamang ito.
"Oh! Really? That's good to hear knowing that Miss Valderama is just a transferee..." tumango-tango pa ito.
"If that's the case, then let's have an audition... Knowing that Little Mermaid named Ariel is good at singing. Better yet prepare a song piece tomorrow the you'll sing it on a mermaid costume. From there, we'll see who really fits to be Ariel. Okay?" tumango naman si Andra para sa kaibigan na gulat pa rin sa kagagawan nito.
Umalis na ang guro. Masama ang tingin ni Jazzmine kay Aina. Kabago-bago pa lang nito ay bumibida na, naiirita siya. Nagtaas lamang siya ng kilay rito. She will surely win. Sa itsura pa lamang ni Aina ay wala man lang siyang nararamdamang kompitesyon. Iyon ang akala niya.
"Bakit mo ba kasi sinabi yun? Nakakainis ka naman eh. Kung gusto mo eh di sana ikaw na lang ang sumali!" inis na reklamo ni Aina kay Andra ng makarating sila sa cafeteria.
"Ayaw ko siyempre. I just want to give that girl a lesson. Masiyado siyang maarte!" sambit ni Andra bago kinagatan ang sandwich niya.
Nasa iisang lamesa ang magkakaibigan at sabay-sabay kumakain. Si Thiago ay hindi pa rin siya pinapansin, ang atensiyon ay na kay Millicent lamang. Hindi niya na lamang iyon pinansin dahil mas pinoproblema niya ang pagsuplong sakanya ni Andra.
"Kahit na! Hay naku! Kahit kelan ka talaga..."
"Hayaan mo na, Aina. Surely you'll get the role. Susuportahan ka namin!" nakangiting sabi ni Millicent. Si Thiago ay nasa tabi nito nakaakbay sa likuran ng upuan niya at abala sa pagcecellphone.
Wala naman sakaniya kung hindi niya makuha ang role na iyon. Ang kaniya lang ay kabago-bago pa lang niya kaya nahihiya pa siyang sumali. Sa dati niyang paaralan ay miyembro talaga siya ng teatro pero ngayon ay hindi na siya sanay humarap sa maraming tao. Maya-maya pa ay dumating na si Theo hawak ang tray ng kanilang pagkain.
"Kumain ka na muna." nilingon siya ni Aina habang nakanguso.
"Nagmamaktol pa rin kuya! Isinuplong ko kasi siya para maging bida sa theatre act namin sa foundation day." natatawang sabi ni Andra.
Nilingon muli ni Theo si Aina. Kinurot niya ang pisngi nito.
"I'll accompany you to your adviser so we can get the script. I'll help you practice too. Kaya mo yan. Okay?" nakangiting sabi ni Theo sa dalaga.
Tinanguan lamang siya ni Aina. Ano na lamang ang gagawin niya kung wala si Theo? Sambit niya sakaniyang utak.
"Beat that Jazzmin's ass, Aina. Gaya kung paano ko siya tinalo sa Alberta Debate noon. She may have the looks but the brain? Nah." nakangiting sambit ni Annika. Inakbayan naman siya ng nakangising si Brandon na tila suportado ang sinabi.
Bumuga na lamang ng hangin si Aina. May magagawa pa ba siya?
"Here's the script. You don't have to memorize it since we still don't know who among you and Jazzmine will get the role. Pero kahit siguro pasadahan niyo lang ng isang basa yan para may ideya kayo. And here, ito ang costume na ginagamit ng mga nasa teatro talaga. Malinis yan. They make sure to return their costume neat and clean tapos ay nilalaba pa ulit ng facilities so wag kayong mag-alala." tumango naman si Jazzmine at Aina ng inabot sakanila iyon ng kanilang guro.
Nasa faculty room sila ngayon para kuhanin ang script at costume para sa audition bukas. Si Theo naman ay nakasandal sa labas at naghihintay. Sasamahan niya si Aina sa dalampasigan para mag-ensayo. Alam niyang mahusay sa lahat ng bagay si Aina kaya wala siyang duda na makukuha nito ang role.
Walang humpay sa pag-ismid si Jazzmine kay Aina. Iniwan na sila ng kanilang guro kaya ng masolo niya si Aina ay kinompronta niya na ito.
"Bago ka palang pero papapel ka na ano?" harang niya kay Aina ng akmang lalabas na ito.
"Sabagay, Valderama ka nga pala. Parehas kayo ng ate mo." ngisi pa nito.
"Jazzmine, nagkakamali ka-" Aina tried explaining but Jazzmine cut her off.
"Look, Aina. I don't care how innocent you are but before you came palaging ako ang sumasali sa mga ganito tapos ngayon susulpot ka na lang at mang-aagaw ng spotlight?" nakataas ang kaliwang kilay nito.
"Hindi ko naman talaga gusting-"
"I won't loose over you. Keep that in mind." mariing sambit ni Jazzmine bago umalis.
Napabuga na lamang si Aina ng hangin dahil sa narinig. Nagkaroon pa siya ng kaaway dahil sa kalokohan ni Andra.
Nang maunang lumabas si Jazzmine ay naabutan niya si Theo. Nagulat siya dahil akala nito ay siya ang hinihintay pero nagkamali siya. Nagpacute pa ito sa pamamagitan ng paglagay ng takas na buhok sa likuran ng tenga.
"Hi, Theo..." matamis nitong sabi.
Tumingin lamang si Theo sa dalaga at tipid na ngumiti. Tumingin pa siya sa likuran nito nagbabakasali na nasa likuran na si Aina pero wala.
"Sinong inaantay mo? Ako ba? Nasa labas na ang driver ko eh.. Kung gusto mo sa susunod na-" maya-maya pa ay sumulpot na si Aina sa likuran nila.
Mabilis na ngumiti si Theo at nilampasan ang dismayadang si Jazzmine. Kitang-kita niya kung paano dinaluhan ni Theo si Aina para kuhanin ang mga hawak na gamit. Inakbayan pa siya nito at inakay na paalis roon para umuwi. Naiwan si Jazzmine na nagpupuyos sa galit.
Humanda ka sakin, Alaina. Bulong niya sakaniyang utak.
Dumaan muna sina Theo at Aina sa locker para iwan ang costume bago tuluyan ng umuwi.
"I really can't do this." hinilamos ni Aina ang palad sa mukha.
Kasalukuyan silang nasa dalampasigan at nageensayo. Nakaupo si Aina sa putol na sanga ng puno katabi si Theo na suportado ang dalaga.
"Kaya mo yan... Look.." umupo si Theo sa tapat nito at hinawakan ang magkabilang kamay.
"Hindi ka pinagtripan lang ni Andra, okay? We see a potential in you. We know that you can do it... If you feel nervous, just look at me. I will be there, okay? Hindi ko hahayaang may tumawa sayo o ano. Pasasabugin ko talaga yung nguso!" biro nito na ikinatawa ni Aina.
"Ewan ko sayo! Inuuto mo pa ako eh." pinamulahan naman ng mukha si Aina.
Mabuti na lang talaga ay nariyan si Theo. Napapawi ang kaba na nararamdaman niya. Ang mga manggagawa sa loob ng puso niya ay walang humpay pa rin sa pagpukpok. How could Theo make her hear beat fast just like this? Is this what Andra is saying... love at first sight?
Mas lalong nahuhulog ang loob ni Theo kay Aina habang pinakikinggan niya itong kumanta. It's like an angel from heaven is serenading him. Malamyos at malambing ang timbre ng boses ni Aina. Para kang hinihele pero kailanman ay hindi mo magagawang katulugan.
Kinaumagahan ay kabado si Aina nang makarating sa eskwela. Later today is the audition for the role of Ariel and she's freaking nervous! Ang kaniyang kamay ay walang sawa sa pagpapawis at ang puso niya ay walang kasing bigat.
"You can do it. Manonood kami mamaya." sambit ni Annika.
"Goodluck!" nakangising sambit ni Brandon sa tabi nito.
"Oo nga, ikaw pa ba? Kayang-kaya mo yan!" nakangiting sabi ni Millicent na himala dahil wala sa tabi nito si Thiago.
"I'll take a video of you! Wag kang kakabahan!" inirapan lamang ni Aina si Andra kaya nagtawanan na ang grupo. Kahit papaano ay naibsan ang kabang nararamdaman niya.
Nanginig ang cellphone ni Aina sakaniyang bulsa kaya dinukot niya iyon at sinilip.
Theo:
Medyo malelate ako sa audition mo, pinatawag ako ni coach. Pero hahabol ako. Panonoorin kita. You can do it, okay? I got you. :)
Napangiti naman si Aina sa mensahe ng binata.
Aina:
Okay, Hihintayin kita. :)
Sagot nito at nagtungo na sa locker para magbihis. Nagpaalam na siya sa mga kaibigan at sinabing sa auditorium na lang sila magkita-kita.
Kinuha na ni Aina ang damit sakaniyang locker at nagtungo sa CR. Isang two piece dress ang pinasuot sakanila. Kulay blue ang palda samantalang pula ang pang-itaas. See through lace ang manggas nito at manipis lang. May butones sa may dibdib. Bagay na bagay sakaniya.
Lumabas siya ng cubicle at hinagod ang mahabang buhok. Hiniwa niya ito sa gitna at pinagparte sa magkabilang dibdib. Wala man lang siyang nilagay na pulbos o kahit anong kolorete sakaniyang mukha pero ang ganda niya ay walang kapantay.
Nang makunteto sa hitsura niya ay lumabas na siya ng CR para isaoli ang gamit sa locker. Nang makalabas siya ng locker ay nagulat siya ng may humarang sakaniya. Mga kaklase niya ito. Mga kaibigan ni Jazzmine partikular. Nginitian niya naman ito kahit taas ang kilay ng tatlong babae sa harapan niya.
"Talagang tutuloy ka pala?" mataray na sabi ng isa.
"Ha? Ah.."
"Lakas ng loob mong kalabanin si Jazzmine ano? Kabago-bago mo pa lang.." segunda naman ng babaeng mukhang espasol sa puti ng mukha.
"Mauuna na ako sainyo. Baka hinahanap na ako sa Audi-" aalis na sana si Aina pero hinawakan siya ng isang babae sa braso.
"At saan ka pupunta? Dito ka lang! Let Jazzmine get the role because she deserves it more!" sigaw nito.
"Hindi pwede! Paraanin niyo na ako please!" pakiusap ni Aina ngunit mas malala pa ang ginawa ng tatlo.
Isa-isa nilang hinila ang damit niya. Una sa manggas kaya napunit ito. Sumunod ay sa butones ng dibdib. Pilit niya silang pinigilan pero anong laban niya sa tatlo? Sumilip ng kaunti ang cleavage niya. Hindi niya ito matakpan dahil sa malalang pagkakapunit ng damit.
Hindi niya na napigilang lumuha.
"You deserve that. Sana ay sa susunod, kilalanin mo ang kakalabanin!" nagtawanan pa ang tatlo.
Nakayuko na lamang si Aina habang nakasalampak sa sahig. Kahit kailan ay hindi siya natutong manakit ng pisikal. Hindi siya pinagbubuhatan ng kamay nila Mayor Virgilio at Señora Anthelma. Si Annika rin kahit masungit ay hindi siya kailanman sinaktan.
"And what do you think you're doing?" isang galit na baritonong boses ang nagpahinto sa hagikgik ng tatlo.
Unti-unti nilang hinarap ang lalakeng nagsalita. Walang iba kung hindi si Thiago.
"Th-thia..go.." natatarantang sabi ng isang babae.
Bawat hakbang papalapit ni Thiago sakanila ay siyang pag-atras nilang tatlo. Nang makalapit si Thiago ay marahas niyang hinawakan sa kwelyo ang isang babae at hinila palapit.
"Oh my god! Please don't hurt me!" the girl shrieked.
"You don't want to be hurt yet you keep on hurting an innocent girl, huh?" mapanlarong sabi ni Thiago.
"Umalis na kayo rito dahil baka isa-isa ko kayong ibalibag sa damuhan!" sigaw niya at ng bitawan ang kwelyo ng babae ay nagmamadali na silang tumakbo.
Si Aina ay nananatiling nakayuko at tahimik na humihikbi. How could she perform now that her dress is ruined?
Marahan siyang nilapitan ni Thiago. Hinubad nito ang polo uniform at isinuot sa balikat ni Aina.
"Are you okay?" marahang sabi ni Thiago. Tumango lamang ito.
"Kaya mo bang mag-audition? Sasabihin ko na lang kay Miss-"
"Kaya ko! Aayusin ko lang itong damit ko..." pilit tinatakpan ni Aina ang dibdib para hindi Makita ang balat nito.
"Let me.." sa isang iglap ay ibibubutones na ni Thiago ang uniporme niya sa katawan ni Aina. Matapos ay inalalayan niya ito patayo.
"Sigurado kang kaya mo?"
"Oo..." nakangiting sabi ni Aina ng maayos ang sarili.
"Sige, galingan mo. Manonood ako." tipid na ngiti ni Thiago bago nakapamulsang tinalikuran si Aina.
Aina watched Thiago's broad shoulders fade away into her sight. Why is he like that? Hindi mamamansin tapos ay sa isang iglap bigla na lang susulpot?
"Salamat..." bulong niya sa ere kahit hindi na ito narinig ni Thiago.